Chapter 39

37 3 0
                                    

It's really true what they say that every happiness you feel has a sadness in return. Akala ko ito na, e. Akala ko ito na yung panahon ko para sumaya. Kaso hindi pa pala talaga.

Dadating at dadating ka sa punto na mauubos ka.

"May quiz daw tayo sa DISS. Narinig mo na ba?" Si Nicole pagpasok na pagpasok ko palang sa room.

Nag salubong ang kilay ko. "Huh? Akala ko sa wednesday pa yun? Lunes palang, ah?" I asked.

"Inagahan daw, magiging busy daw kase si Ma'am sa wednesday, e."

"Eh, tangina busy din naman tayo ngayon, ah? Ang daming groupings ngayon tas ako pa lahat mag rereport." Napayuko nalang ako sa lamesa ko.

This is the part kaya minsan ayaw kong maging matalino. Umaasa sila sa'yo. Kapag malalaman lang nila na agad na ikaw ka-member nila gumiginhawa na sila kase alam nilang hindi mo papabayaan grupo nyo. Na hindi mo hahayaang babagsak kayo.

"Ayoko na." Naiiyak na sambit ko.

Wala akong nagawa kung hindi mag review pa din habang wala yung teacher namin, may 10 minutes pa ako para mag review bago bumaba dahil may flag ceremony. Gusto kong umiyak ngayon dahil sa gulo, nalilito utak ko kung anong uunahin.

Nakakairita kapag andaming gagawin, nag sasama-sama silang lahat sa utak ko kaya in the end hindi ko alam kung anong uunahin.

"Oi. Don't be hard on yourself. Hinay hinay lang." Paalala ni Nicole sa akin na hindi naman nakatulong.

Umirap ako. "You can't understand me. Tumahimik ka nalang dahil hindi din naman nakakatulong sinasabi mo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Huli na din para bawiin ang sinabi ko dahil kita ko kung papaano sya maapektuhan.

Suminghap sya. "Wow, ha. Ikaw na nga ang inaalala ganyan pa maririnig ko." Tumayo sya at kinuha ang bag nya bago umalis sa tabi ko.

Hindi ko na din sya pinigilan at nag patuloy nalang sa pag re-review. Mas mahalaga ang quiz ko kesa sa kanya kaya hindi sya ang uunahin ko. I don't want to fail. I can't fail.

Nakakainis sabihin pero I can live without friends than to fail. I'll just die if I'm going to fail.

Mas lalo pa akong nataranta ng marinig ang bell, senyales na kailangan na naming bumaba para sa flag ceremony. Napapikit ako sa inis.

"Pwede bang mag paiwan nalang? Hindi pa ako nakakapag review." Nag mamakaawa ako sa mga kaklase ko.

Kita ko naman ang pag taas ng kilay ni Stacy. "Sino bang may kasalanan nyan? Ikaw din naman, eh. Puro ka kase Brale." Komento nya.

"Ay ghurl, huli ka na ba sa balita? Si Drale na ang bet nya. Sila na kaya!" Sambit ng isa sa mga kaklase ko.

Suminghap ang ibang mga nakarinig, mukhang naguluhan kaya sinubukan nila akong tanungin pero ng makita na ang pag kairita ko tumigil din.

"Hoy!! Sino bang mga ka-grupo nito ni Elise sa UCSP at Per Dev?!! Tulungan nyo nga leader nyo at hindi nag papabigat kayo!" Biglang sumigaw si Kai. Isa sa mga kaklase ko. Treasurer namin.

Lumapit sya sa akin. "Ano ba mga gagawin nyo? May isusulat or edit?" Tumango ako. "Per Dev nalang talaga na presentation namin. Tinapos ko na kagabi yung sa UCSP na presentation."

"Ito si Paul. Maayos sulat nito. Ka-group mo yan diba?" I nodded.

Binatukan nya si Paul. "Siraulo ka talaga. Tulungan mo yan si Elise o ako mismo mag susumbong na wala kang naitulong?" Maangas na aniya.

Kumamot naman ito sa ulo. "Oo. Mamaya na pag pasok natin ulit dito."

Gumaan ang pakiramdam ko dahil doon. Atleast nabawasan ang iisipin ko.

My Mistake Confession [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora