Chapter 25

69 4 0
                                    

Dati sa tuwing umuulan lungkot ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam 'non o baka lahat din ng tao. May kakaiba lang kase sa ulan na mag papalungkot sa'yo.

Baka totoo nga yung myth na nabasa ko. Na namatay yung isang babae habang yakap yakap ng lalaki ang katawan nya habang umuulan ng malakas. Ang sabi doon daw nag simula kung bakit sa tuwing umuulan nakakaramdam tayo ng lungkot, dahil nararamdaman natin yung lungkot ng lalaki. Ang hinagpis nya habang hawak hawak ang katawan ng kanyang minamahal.

Pero ngayon, habang umuulan wala akong maramdaman na lungkot. At sigurado akong dahil iyon kay Drale. Right now, I found peace in rain.

Or should I say, I found peace whenever Drale is with me.

"Tell me, Elise. Why are you avoiding me?" Tanong nya.

Nag iwas ako ng tingin. Paano ko ba sasabihin sa kanya iyon? Paano ko sasabihin sa kanya ang dahilan ng pag iwas ko? Sasabihin ko ba?

Hindi ako sumagot sa tanong nya.

"You...realized that you shouldn't be close to me because it's my twin brother that you like?" Marahan nyang tanong na tila ba nasasaktan din sa kanyang sinasambit.

WHAT?! NO!

Kaya lang naman kita iniiwasan dahil nakakagulo ka sa isip ko. You're giving me a mixed signal. Kaso hindi ko alam kung mixed signal ba yun o ano dahil alam kong hindi mo din naman ako gusto, ako lang ata ang nag a-assume.

Bumuntong hininga sya ng walang nakuhang sagot. Bigla tuloy akong na guilty. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Marami lang akong iniisip. Nakakagulo ka. Kaya iniwasan kita." Wala sa hulog na sagot ko.

Kitang kita ko kung papaano dumaan ang sakit sa kanyang mga mata, huli na bago ko bawiin ang sinabi dahil tumango sya. Tangina, Elise.

Nag pilit sya ng ngiti. "I understand. It's okay if you will still avoid me. Ang mahalaga ang nararamdaman mo. If it's the only way so your mind can have peace then do it, Elise. I will still be here, I won't leave. I will wait until you talk to me again." Kumirot ang puso ko sa narinig.

Lumunok ako at nag iwas ng tingin. Gusto kong umiyak dahil ang bait bait nya. Nag mukha akong kontrabida dahil akala ko nung unang pagkakakilala ko sa kanya maldito sya. That he's annoying.

Pero ngayon, paano ko kamumuhian ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi intindihin nararamdaman ko? Walang ibang gumawa sa akin 'non. Sya palang.

"Mahina na ang ulan. Ihahatid na kita." Umiling ako.

"Mauna ka na. Dito muna ako." Sagot ko.

Huminga sya ng malalim. "Ikaw na ang mauna. Don't worry hindi ako sasabay sa jeep na sasakyan mo. I'll wait another jeep so you'll be comfortable." Tumayo na sya at binuksan ang payong nya.

"Can I hold your shoulder? Hindi kase tayo mag kakasya sa payong ko if hindi tayo malapit sa isa't isa." Malambing nyang tanong sa akin.

Ngumuso ako bago tumango. Inakbayan nya ako, marahan lang ang paghawak nya sa balikat ko na para bang takot na takot akong hawakan. Nag lakad kami hanggang sa kabilang kalsada upang mag abang ng jeep na daraan.

Dalawang minuto na ata kaming nag aantay dito ng biglang lumakas na naman ang ulab, mas lalo tuloy akong nag sumiksik sa kanya dahil ayaw kong mabasa ng ulan. This time humigpit na din ang kapit nya sa aking balikat, inuusog ako upang mag dikit pa kami.

Laking pasasalamat ko ng may jeep na paparating, agad naming pinara iyon. Huminto iyon sa harap namin kaya dali-dali akong sumakay. Nang makapasok ako napagtanto ko na puno na ang jeep, hindi na makakasakay pa si Drale. Nang lingunin ko sya hindi na din sya pumasok, nakatingin lang sya sa akin.

My Mistake Confession [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora