Chapter 14

82 3 0
                                    

Nag lalakad na ako papasok sa university. Kahit papaano na-miss ko din pala ang pumasok sa school. Kaso ang init kahit 9 am palang.

Paano ba naman kase naka-jacket ako kahit hindi naman malamig, tinakpan ko kase yung wrist ko dahil baka makita pa ni Nicole. Ayokong mag alala iyon sa akin. Baka nga umiyak pa yun kapag nalaman nya.

Pag pasok ko sa room agad na nag tinginan sa akin yung mga kaklase ko. Ang mga lalaki kong kaklase ay hindi pa nakuntento at lumapit pa sa upuan ko. Agad nila akong tinanong kung may na-recieve ba daw ako na email.

Hinanap ko si Nicole bago sila sagutin, mukhang mas nauna pa ako sa kanya. Tumingin ulit ako sa kanila.

"Ano? Natanggap ka?"

"Kay Sir Gomez daw na gmail account yung mag e-email. Nakita mo?"

"Pabitin naman 'to si Elise. Nakaraan ka pa namin tinatanong sa gc. Hindi ka nag bukas messenger?"

"Busy ata mag aral. Naku..."

Sasagutin ko na sana ang mga tanong nila ng biglang lumapit si Stacy. Nakangisi sya sa akin habang nakahalukipkip. Tumigil sya sa paglalakad sa harap ko.

"Baka kaya ayaw kayo sagutin ni Elise dahil ang totoo hindi naman talaga sya naka-recieve ng email at iyon ang hindi nya matanggap." Aniya.

Tumingin sa akin ang mga kaklase ko at tila inaantay ang sagot ko ngunit nanatili ang atensyon ko kay Stacy. Kagagaling ko lang sa depression tapos ngayon mukhang anger issue na naman.

Ngumisi ako sa kanya at inilabas ang phone ko. Iwinagayway ko iyon sa harapan nya. "Well sorry for you, may email akong natanggap." Sagot ko.

Agad silang nag hiyawan habang tila napahiya naman si Stacy. Ang sama ng tingin nya sa akin, nang makita nya na pinagmamasdan ko ang reaksyon nya umirap sya at umalis.

"Yes! Sabi ko na, e! Ang galing mo talaga!" Si Jordan at mabilis akong niyakap.

Agad akong umiwas dahil baka masagi nya pa yung sugat ko sa wrist.

Nag sasaya pa din sila ng dumating si Nicole, basa pa ang buhok nito at hindi pa nag susuklay. Huminto sya sa pintuan at nag tatakang pinagmasdan ang mga kaklase namin na nag sasaya.

Lumapit sa kanya si Jordan. "Pre. Yung kaibigan natin natanggap sa GDB! Sikat na kaibigan natin!" Inakbayan nya si Nicole at nilapit dito sa akin.

Nanlaki ang mata ni Nicole ng mag tama ang mata namin. "Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

Tumango ako at ngumiti. Tumili sya at nag tatalon-talon sa saya. Yung ibang mga kaklase namin ay hinahampas-hampas pa ang white board, yung iba ay ang mga upuan. Meron pang nag hahabulan.

"Quiet!! Stop it!" Biglang sigaw ni Stacy dahilan para matigilan kami.

"Ano ba?! Hindi nyo naman ikauunlad ang pagiging panalo ng iba!" Dagdag nya dahilan para mag katinginan kami ni Nicole.

Nag kibit balikat ako. Parehas na naman kami ng iniisip. Wala, e. Competition kase ang tingin nya sa lahat.

Dumating na din ang teacher namin kaya't nag si-balikan na sa ayos ang mga kaklase ko.

"Okay class. Hindi muna ako mag le-lesson ngayon dahil may meeting kaming mga teachers. Babantayan kayo ni Mr. Villena, paki-antay nalang sya dito, okay? Huwag maingay." Lumabas ulit yung teacher namin matapos iyong sabihin.

Villena? Si Drale.

Hindi ko alam ngunit tila inaantay ko si Drale na pumasok dito sa room namin. Hindi ko inaalis ang tingin sa pintuan, at ewan ko kung bakit napangiti ako ng makita si Drale na pumasok dito. Agad na nag tama ang mga mata namin na para bang alam nya kung saan ako naka--pwesto.

"Okay class. Ma'am Boncato said you need to copy this lecture. Ka-onti lang naman ito kaya't matatapos kayo agad. And after that pwede na ulit kayong mag ingay." Aniya.

Ang iba sa mga kaklase ko ay agad na komopya ng lecture habang ang iba naman ay patuloy sa pag iingay. Hindi naman sila sinuway pa ni Drale. Nakaupo si Drale sa teachers table habang hawak-hawak ang phone nya kaya nagawa ko syang pagmasdan.

Ngayon ko lang napansin na mas may itsura pala si Drale kesa sa kambal nya. I mean mas nag glo-glow sya dahil sa mata at kilay nya. At mas matured yung itsura nya kesa kay Brale. Drale is more serious face than his twin. Naka salamin din si Drale sa tuwing nasa room sya.

Iyon ang pagkakaalam ko dahil nung nag tungo ako sa room nila dati nakasalamin sya. Mukhang ginagamit nya lang ang salamin nya sa tuwing nag aaral. Hindi ba sumasakit ang ulo nya doon?

Nagulat ako ng biglang tumingin sa akin si Drale. Mukhang naramdaman nya na kanina ko pa sya pinagmamasdan. Nagulat ako ng mag tama ang paningin namin ngunit hindi naman ako nag iwas ng tingin sa kanya.

Bumaba ang tingin nya sa suot ko. Bigla tuloy akong nailang dahil naisip ko na baka alam nya ang kalagayan ko kaya't nag suot ako ng jacket. Hindi naman kase nakabukas ngayon yung aircon dito. Sinong tanga ang mag ja-jacket sa sobrang init?

Nag iwas nalang ako ng tingin dahil baka mag tanong pa sya.

Dumaan pa ang ilang oras at finally nag uwian na. Pilit kong naaalala yung mga oras na nasa room namin si Drale. Paulit-ulit na nag ka-katinginan ang mga mata namin. Kapag titingin ako sa pwesto nya nahuhuli nya agad ako.

Hindi ko din makalimutan ang paraan ng tingin nya sa akin. Napahawak ako bigla sa dibdib ko at napahinto sa paglalakad.

Shit. I fucked up.

Hindi naman siguro ako inlove sa lalaking iyon 'no? Paano ako maiinlove doon eh hindi ko naman naging close yun. Ano yun nainlove lang ako dahil sa tinginan namin? hahaha

Mala-wattpad naman pala ang gusto ko, e.

DUMAAN PA ang ilang araw at dumating na ang araw kung kailan need ko ng makipag kita sa GDB na members. Kinakabahan ako dahil sikat kase sila talaga sa university na ito. Halos kinahuhumalingan sila ng mga babae dito, kaya malaking bagay na makasali sa isang band na hinahangad ng lahat.

Swerte ko.

"Ba't mag dre-dress ka sa una nyong meeting? Baliw ka ba? Ano yan para easy access?" Iritang tanong ni Nicole habang tinutulungan akong pumili ng susuotin ko mamaya.

May two subject kami na walang teacher, first and second sub yun kaya pwede akong ma-late. Chinat ko si Nicole na mag papatulong akong mamili ng damit na susuotin.

"Total naman sa school din venue nyo edi mag trouser pants ka nalang then this white crop top." Aniya.

Tinignan ko iyon. Beige trouser iyon at white crop top, hindi naman masyadong kitang-kita yung tiyan ko kapag sinusuot ko iyon kaya pwede naman siguro.

My Mistake Confession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon