Chapter 33

56 0 0
                                    

Nakangiti ako ngayon habang nag titipa ng reply kay Drale. Gabi na at may pasok pa bukas ngunit wala ata kaming balak mag pahinga. Lalo na't mag December na. Ilang araw nalang December 10 na. Hindi naman ako kinakabahan, excited pa nga, e.

Drale
Are you done to your assignments?

Elise
Yup.

Drale
How about your report? Meron kayong reporting?

Elise
None. Pero meron kaming recitation.

Elise
But don't worry, it's easy on me. Kabisado ko lahat kaya I know I'll get a 100 score.

Drale
What subject?

Elise
Personal Development.

Drale
Do you want me to make you a reviewer? I'll make one for you, anong oras ba ang recitation nyo bukas?

Elise
What?! No na! Nag review na ako saka memorize ko pa din naman mga lesson. Kaya ko 'yun.

Drale
I know...

Ngumuso ako. Lagi nalang akong tinutulungan nito sa acads. Kahit nga wala sa STEM na subject nag hahanap talaga sya ng paraan para lang matulungan ako. Tinanong ko sya kung saan nya nalalaman mga lesson namin ga'yong hindi naman tinuturo sa kanya, sinabi nya na nanonood daw sya sa Youtube or minsan nag tatanong sa mga kaklase nya na may jowang HUMSS.

Elise
Sige na, tulog na tayo. Kita nalang tayo bukas. Gdnt.

Drale
Okay... goodnight. Sweet dreams.

Umirap ako ngunit ngumiti din. Tumayo ako sa kama ko at chinarge yung phone ko bago matulog. Nag patay ako ng ilaw bago nahiga sa kama.

KINABUKASAN masaya akong pumasok ng room ngunit iba naman si Nicole. Nakatulala lang sya sa table nya, mukhang hindi nya nga din napansin na pumasok ako dito. Kumunot ang noo ko, nilagay ko yung bag ko sa upuan ko bago nag punta sa tabi nya. Doon sya lumingon sa akin.

"Anyare?" I asked.

Ngumiti sya. "Wala! Wala 'to."

Tinaasan ko sya ng kilay. "Sino niloko mo? Alam ko kung may problema ka o wala." Sambit ko.

Huminto sya at bumuntong hininga. "Hindi na kami nag uusap ng ka-mu ko, e. Ghinost ko sya." Kwento nya.

"Ghinost mo tapos ikaw pa yung malungkot ngayon?"

"Eh pakiramdam ko out of my league ko sya, e. Sobrang taas nya, hirap nyang abutin. Mayaman sya tapos ako nakatira lang sa iskwater. Nakakahiya kapag mag kakatuluyan kami." Aniya.

"Kung gusto ka nya hindi mo na sya kailangang abutin, sya pa mismo ang bababa para mag pantay kayo." Sagot ko.

Mas lalo syang nalungkot sa sinabi ko. "Yun na nga, e. Hindi ko alam kung gusto nya din ba ako. Mag mu lang kami pero hindi ko alam kung gusto nya ako."

"Gusto mo sya?" I asked while looking at him.

She nodded. "Sobra."

"Sino ba yan?"

Hindi sya sumagot.

"Si Jo ba 'yan?"

Biglang nandiri ang mukha nya. "What?! Hindi 'no! Ba't mo namang iisipin na si Jo yung ka-mu ko?" Tanong nya.

Inosente ko syang tinignan. "Eh nararamdaman ko, e. Gusto ka nya."

"Tss. Hindi 'yun. Niloloko ka lang 'non."

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now