Chapter 43

39 0 0
                                    

Nang marinig ni Mama ang katagang sinabi ko mabilis na kinuha nya ang cellphone ko at agad na inihagis yun sa lapag. Kitang kita ko kung papaano iyon mag kalas-kalas, hindi pa sya nakuntento tinapakan pa nya iyon.

Nakatulala lang ako. Nang makita nyang wasak na talaga iyon bumaling sya sa akin at mabilis na sinampal. "May komunikasyon ka pa din hanggang ngayon sa babaeng iyon, Elise?!" Galit na tanong nya.

Nanlilisik akong tumingin sa kanya. "BAKIT?! May komunikasyon ka din naman sa lalaki mo! Anong pinagkaiba natin?!" Galit ko din na sagot.

"Sumasagot ka pa!" Hinila nya ang buhok ko at agad akong kinaladkad palabas ng bahay. Sinubukang pigilan ni Papa si Mama ngunit hindi ito nag papigil.

Hindi ko makita ang mga daan dahil sa pagkapit ni Mama sa buhok ko kaya natalisod pa ako sa harang na nasa gate namin. Nang makalabas kami binalibag nya ako sa kalsada dahilan para matumba ako. Agad akong tinulungan ng mga kapitbahay namin na tumayo.

"Huwag ka ng mag papakita sa aking traydor ka!! Alam mo kung anong ginawa sa pamilya natin nung babaeng yun, Elise! Kaya hindi kita maintindihan kung bakit hindi mo magawa ang sinabi ko na huwag ka ng makikipag usap sa kanya!" Sigaw ni Mama.

"Eliza. Baka pwedeng huminahon na muna—" Pinutol agad ni Mama ang sasabihin nung kapitbahay namin.

"Tumahimik ka! Away naming mag nanay 'to!"

"Nasasaktan ang bata! Hindi lang basta away 'to, Eliza."

"Wala kang pakialam!"

Doon na napigtas ang pasensya ni Aleng Lussy. "May pakialam ako dahil para ko ng anak si Elise! Bakit? Ano bang naitulong mo sa batang iyan? Ako ang halos nag palaki dyaan. Mula sa pag kuha ng card at pag attend ng meeting nya noon." Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Aleng Lussy.

"Edi sana hindi mo na ginawa kung nanunumbat ka!" Sigaw ni Mama sa kanya.

Nahihiya na ako. Ang daming tao dito sa labas, pinagkakaguluhan kami. Hindi ko na alam kung papaano ko pa sila haharapin sa oras na matapos 'to.

"Excuse me. Elise!" Sa kalagitnaan ng kaguluhan dumating sya.

Agad hinanap ng mga mata ko si Drale. And then I saw him. Hinahawi nya ang mga taong nakaharang papunta sa akin. Agad nya akong nilapitan at iginaya sa likod nya, sinusubukang takpan mula kay Mama.

Nang makaharap ni Mama si Drale, tumawa ito at agad na dinuro. "Ito ba yung pinagmamalaki mo, Elise? Itong lalaki na 'to? Dito ka natutong mag bulakbol?! Ano bang mapapala nyo sa pag-ibig na yan? Mabubuntis ka lang nyan at baka iwan ka pa!" I can't do this anymore.

Ang pagpapahiya nya sa akin tatanggapin ko pa. Pero ang pagpapahiya nya kay Drale na ganito hindi ko kaya. He doesn't deserve this.

"I respect, Elise, Ma'am. I would never do that to her unless she have a ring on her finger." Kalmadong sagot ni Drale sa harap ni Mama.

Hindi ko iyon pinansin kahit bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya. Nanatili ang tingin ko kay Mama. "

"Bakit? Dahil ba nangyare din sa'yo?" Matapang kong tanong.

Natigilan sya. "Sa tingin mo magiging katulad mo ako, Ma?" Tanong ko at hindi sya nakasagot.

Umiling ako. "Hindi. Hindi ako magiging ikaw. I wouldn't even dare to wish that I would be like you. You failed as a daughter, sister, and even mother. A-ayaw kong maging isang katulad mo. At kung mag kaka-anak 'man ako ng maaga sisikapin k-kong hindi ako maging k-kagaya mo..." Humihikbi na sagot ko.

Walang nag salita.

"...magiging nanay ako na masasandalan ng anak ko. Magiging isang nanay ako na masasabihan ng mga problema ng anak ko, magiging ina ako na susunduin at ihahatid ang anak ko sa eskwelahan, aalagaan sya ng hindi sinusumbatan. Magiging magulang ako na hindi nyo nagawa ng tatay ko." Dagdag ko.

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now