Chapter 09

78 3 1
                                    

Nang mag PE na ay pinababa na kami upang mag tungo sa court. Nag punta na ako sa locker room at agad na nag palit ng damit na pang PE. Bihira lang kaming mag tungo dito dahil may limitasyon ang pag punta sa locker room. Kailangan mo pang kumuha ng slip para mabuksan ang silid na ito.

Ngunit kung lahat kayo ng section mo ay kailangang mag punta dito tanging ang president nalang ang kailangang pumunta sa faculty para kumuha ng slip at kunin ang susi.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa locker ay hindi ko maiwasan maalala yung nangyare nung nag confess ako. Sa locker room din nangyare ang kahihiyan ko, ngunit sa locker room nga lang iyon ng mga basketball player.

"Hoy, anong nangyare sa'yo? Tara na!" Aya sa akin ni Nicole ng makalapit.

Nakabihis na sya ng pang PE. Ganun din naman ako ngunit hindi pa ako nakakatali ng buhok.

"Patirintas ng buhok ko. Please." Binigay ko sa kanya ang pang-tali.

Dito na kami sa loob ng locker room nag tali habang ang ibang mga kaklase namin ay nasa court na. Nag kwe-kwento ako habang tinatalian ako ni Nicole para hindi sya mabagot.

"Alam mo ba nung bata ako hindi ako nagawang talian ng buhok ni Mama. Natalian lang ata nya ako kapag may okasyon, yung graduating ko sa elementary...." Pagkwento ko.

"Marunong naman syang mag tali. Ang galing-galing nya nga, e. Pero hindi ko maintindihan bakit hindi nya ako nagawang talian nung bata ako. O baka naman inaantay nya lang ako na mag sabi sa kanya na talian nya ako?"

"Pero hindi naman nya na siguro kailangang intayin pa na mag sabi ako lalo na kapag nakita nyang magulo yung buhok ko, 'no? Bilang ina syempre nasa katawan nya na agad na kumilos at talian ako sa oras na makita nya na gulo-gulo buhok ko." Sambit ko.

"Kaya kapag may nag tatali sa akin. Tuwang tuwa ako. Pakiramdam ko sobrang saya ng inner child ko. Na sa wakas may mga taong handang talian ako na hindi nagawa sa akin nung bata ako." Tumawa ako matapos sabihin iyon ngunit sa totoo lang gusto kung umiyak.

Ngunit maliit na bagay lang naman sa iisipin ng iba at hindi nila ako maiintindihan na hindi maliit na bagay iyon kaya't hindi dapat ako umiyak. Baka sabihin pa nila na mababaw ako.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Nicole mula sa likod. "Kung nakilala lang kita ng mas maaga araw-araw kitang tatalian. Sorry, late akong dumating sa buhay mo." Sagot nya.

Tumawa ako ngunit sa pagtawa ko naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko, see ang babaw ko talaga. Mabilis kung pinunasan ang luha ko.

"Ano ka ba? Hindi ka late. For me, this is a perfect time to meet you." Sagot ko.

Matapos naming mag drama ay sabay na kaming lumabas sa locker room ngunit pinagsisisihan ko na lumabas pa ako doon. Dahil ng makarating kami sa court kitang kita ko na kinakausap ng mga kaklase kong lalaki si Brale.

Nalaman ko agad na si Brale ito dahil naka jersey na damit at mukhang kakatapos lang ng practice nya. Nag tatawanan sila ngunit ng makita ako ng isa kong kaklase agad syang kumaway sa akin dahilan para mapabaling din ang tingin sa akin ng iba.

Namutla ako lalo ng makita kung papaano itulak ng mga kaklase ko si Brale patungo sa akin. Nataranta ako at hindi alam ang gagawin, kung tatakbo ba palabas ng court or di-diretso ngunit iiwas sa kanila?

Bago pa ako makapag desisyon ay hindi ko na namalayan na nandito na sila sa harap ko. Malakas ang hiyawan at tili ng mga kaklase ko ng mag kaharap kami ni Brale. Nakangiti naman ang lalaki sa akin na tila ba wala lang din sa kanya ang pang-aasar.

"Sana naman sumali kana, Elise. Nasa harap muna ang bebeloves mo, oh." Parinig kung sambit ng kaklase ko.

"Iwan muna natin sila dyaan." Nang marinig ko iyon ay nanlaki ang mata ko.

Nakita ko silang nag lakad paalis na at akmang susunod na ako sa kanila at lalagpasan si Brale ng mapahinto ako dahil hinawakan ni Brale ang wrist ko. Naistatwa ako ng maramdaman ang kamay nya, napatingin ako doon.

"Bakit aalis ka? I stay here because they said I need to talk to you." Panimula nya.

Agad akong umiling. "Hindi! Hindi natin kailangang mag usap!" Wala sa sarili kong sagot.

He chuckled. "Really?"

"Oo. Wala naman tayong pag-uusapan."

"But what about your competition?"

"Sasali naman talaga ako doon. Kaya sorry naabala ka pa." Nakatingin ako sa mga mata nya habang sinasabi iyon.

Ang ganda-ganda talaga ng ngiti nya. Ngayon ko lang napansin na may dimple sya. Hindi ko lang alam kung may ganun din ba ang kambal nya.

"Hindi naman. Tapos na ang practice namin ng puntahan ako ng mga kaklase mo. They said pilitin daw kita."

Tumawa ako.

"Hindi muna kailangang gawin 'yun. Sasali naman ako."

"Do you know already that one of the judge in competition is my twin brother?"

"Ah, hindi, e. Bakit?"

"Nothing. Akala ko lang magiging interesado ka."

Kumunot ang noo ko. Paano nya namang nasabing magiging interesado ako sa Kapatid nya? Eh, naiilang nga ako doon, e. Ni hindi ko kayang tignan sa mata 'yun, hindi ko din kayang dikitan kahit wala namang sakit.

"Bakit naman?"

Ngumisi sya at nag tagal ang tingin sa akin. "Baka lang gusto mo sya." Sagot nya sa akin.

Natigilan ako. Ang manhid nya naman.

Alam ko namang hindi ko sya close nung nagustuhan ko sya 'non, pero ngayon naman ay siguro napapansin nya na yung kilos ko na tanging sa kanya ko lang ginagawa. Napapansin nya na dapat ang paraan kung papaano ko sya tignan na kailanman ay hindi ko ginawa sa iba.

Dapat alam nya na iyon. Na sya ang nagugustuhan ko at hindi ang iba. Ngunit mukhang hindi, e.

"Ha?" Inosenteng sagot ko.

"Villena din ang gusto ko ngunit hindi sya, e." Dagdag ko.

Pinagmasdan ko ang kanyang reaksyon. Expect ko na manlalaki ang mata nya sa gulat ngunit tumawa lang sya matapos marinig ang confession kom

"You're cute." Komento nya.

Namula ako at nag iwas ng tingin.

"Elise si Sir!!" Sigaw ng aking mga kaklase kaya napatingin ako sa likod ko.

Nandon nga si Sir na ngayon ay nag lalakad na papunta dito. Naku, baka iba ang isipin 'non ngayong mag kaharap kami ni Brale. Wala pa namang preno ang bibig ni Sir.

"Ah, sige mauna na ako. Bye, may kaklase pa kami, e." Paalam ko.

Hindi ko na inantay ang sagot nya at mabilis na tumakbo papunta sa direksyon ng mga kaklase ko. Agad akong sinalubong ni Jordan na nakangisi kaya't binatukan ko sya.

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now