Chapter 29

61 1 0
                                    

TATLONG ARAW na ang nakakalipas ng mag kita kami ni Drale. Wala kase kaming practice ngayon at nung nakaraan dahil busy si Coach, walang mag babantay sa amin. Mas okay iyon dahil this day sobrang dami ng pinapagawa sa amin. Lagi na nga akong nag cra-cram na hindi ko naman ginagawa buong buhay ko.

May debate din kami na inaasikaso dahil sa Monday na gaganapin yun kaya kailangan namin ng cooperation ng isa't isa ng mga ka-grupo ko. Kaya kung may practice 'man kami bukas pakiramdam ko hindi din ako makakasama.

"Wala pa din bang progress sa inyo ni Drale?" Naiinis na tanong ni Nicole habang naka tambay kami dito sa court.

May performance task kami ngayon kaya nandito kaming lahat dahil need ng malaking space para gawin yung P.T kaso mukhang hindi din ata a-attend sa amin teacher namin, 10 minutes na ang lumipas simula ng mag start subject nya. Tinamad ata bigla.

Nasa kabilang pwesto mga kaklase namin habang kaming dalawa ni Nicole ay lumayo sa kanila. Naiingayan ako, gusto ko ng tahimik na pwesto. Sumunod naman sa akin si Nicole kaya nag mukha kaming nag be-bebe time.

Irita ko syang sinulyapan. "Anong progress progress? Walang ganun! Friends lang kami." Sagot ko.

"Sus. Deny mo pa eh halata na kayo." Pamimilit nya.

"Ano bang sinasabi mo? Si Brale ang crush ko hindi si Drale."

"Ulol. Sino niloloko mo dito? hahaha, bakit mo ba naging crush yun si Brale?"

"Love at first sight nga!"

"Sabi mo nakita mo si Brale 'non sa school nyo, serious face habang nag lalakad papasok sa gate. Doon ka na-inlove sa kanya. Kilala si Brale bilang joyful, pala-ngiti kesa sa kapatid nya, paano mo namang nasabi si Brale ang nakita mo nung panahon na iyon? What if hindi si Brale yun?" Natigilan ako.

Nag salubong ang kilay ko at biglang na imagine na what if si Drale ang nakita ko nung araw na iyon?

Umiling ako. Hindi. I'm sure of that it's Brale who I saw that day.

"Tigilan mo nga yang what if what if na yan. Si Brale yun dahil nung tinuro ko si Brale at tinanong ko sa mga kakilala ko sinabi nilang si Brale yun." Sagot ko.

"Ano ba ginagawa ni Brale nung tinuro mo sa mga kakilala mo?"

Nag isip ako. "Nakikipag tawanan sa kaibigan nya." Sagot ko.

"Oh! Si Brale nga yun, pero yung unang nakita mo paano mo malalaman na si Brale yun ga'yong sinabi mo na he looked irritated when you saw him." Irita kong pinatigil si Nicole.

Nag sisimula na tuloy akong kwestyunin yung nararamdaman ko. Ba't kase mag kamukha sila? All this time si Brale na yung crush ko, pero paano kung si Drale nga yung lalaking una kong nakita?

Ginulo ko yung buhok ko. "Kung si Drale 'man yun wala pa ding mag babago, si Brale ang kinilala ko at nagugustuhan ko." Walang emosyon kong sagot at nag iwas ng tingin.

Talaga lang, Elise, huh?

Ang galing galing mong mag sinungaling, manang-mana ka talaga sa Tatay mo. Sa lahat ng pinakita ni Drale wala ka talagang naramdaman?

Umirap ako para lang mabura lahat ng iniisip ko. Ayaw kong mag kagusto kay Drale, hindi ko sya gusto. Kapag nagustuhan ko sya mamasamain ng mga tao, sasabihin na malandi ako dahil gusto ko na nga si Brale pati ba naman yung kambal nya.

I don't want to live with a bad reputation. Gusto kong tinitingala ako ng mga tao. I won't ruin my life just because of love.

Nang mag uwian na hindi ko muna sila pinalabas lahat. Kailangan ulit naming mag linis dahil may bisita daw bukas ng umaga. Baka mapadaan sa building namin at pumasok. Agad na nag reklamo ang mga kaklase ko dahil matagal ako mag pauwi.

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now