Chapter 34

54 0 0
                                    

Bumili ng cake si Mama na tig-400 tapos sa mang inasal kami kumain, tahimik lang ako kahit nag simulang kumanta si Mama ng happy birthday para kay Papa. Silang dalawa nga lang ang halos nag uusap, e. Ako ito nasa gilid at busy sa pagkain.

"Oo nga pala Elise, napapadalas ang pag-uwi mo ng gabi, ha. Hindi ko gusto yan. Mamaya may boyfriend ka na pala kaya late ka umuuwi. Mabalitaan nalang namin buntis kana, itatakwil talaga kita." Si Mama habang kumakain kami.

Tumaas ang kilay ko. "Don't worry kapag nabuntis ako hindi nyo malalaman, aalis na agad ako sa bahay bago nyo pa ako palayasin." Sagot ko.

Sinabunutan ako ni Mama. "Aray!" Reklamo ko bago inilayo ang buhok ko sa kanya.

"Hindi ko na yang gusto yung bibig mo ha! Tumatabil na. Putulin ko yan. Kung sumagot ka parang hindi mo ako nanay." Aniya.

Umirap ako. "Wala ka naman talagang gusto sa buong pagkatao ko, e." Bulong ko pero hindi nya na ata narinig.

Umuwi lang kami sa bahay na badtrip ako. Pagtapos naming kumain namili pa sila ng damit ni Papa, nasa likod lang ako nila at tahimik na sumusunod. Ganun naman lagi ang ginagawa ko, ang sumunod nang sumunod sa kanila.

Nang makauwi kami sa bahay pumasok agad ako sa kwarto ko at nag lock ng pinto. Nag patugtog ako sa speaker ko at nilakasan kaunti yun para kung kumatok si Mama may dahilan ako para hindi sya pag buksan.

Pinatay ko yung ilaw ngunit binuksan ko yung ilaw sa study table ko, maliit lang iyon pero malakas ang liwanag. Humiga ako sa kama at binuksan ang phone ko habang nakikinig ng music sa speaker.

Nanood nalang ako ng mga tiktok videos, gusto ko sana yung mga masasayang videos ngunit iba ang lumalabas sa fyp ko. Puro mga relate sa buhay ko. May nakita pa nga ako na isang videos, galing ito sa isang influencer na may trauma din sa pamilya nya, umalis sya sa pamilya nya ngunit yung trauma na binigay sa kanya dala-dala nya pa din.

"Being a father isn't hard, but being a Dad is what he couldn't do for me. A long time ago the little girl inside me loved him. But that love later turned into anger and fear."

And it makes a big impact to me. Yung quotes na nasa video nya ang nararamdaman ko ngayon. He's a father but he's never been a Dad to me. Maybe he was...when I was a child...but I couldn't remember it anymore.

Nag comment ako sa video nya at nag cheer sa kanya, nag bigay din ako ng advice. Natawa pa nga ako matapos kong gawin yun. How ironic, you can give advice to others but you can't apply it to yourself. Ba't kaya ganun 'no? Ang galing galing mong mag bigay ng advice pero hindi mo naman magawa sa sarili mo.

Maybe because we need someone to do it with ours too? Na need din natin ng may mag sasabi sa atin ng ganun?

Nakatulugan ko na ang pag ti-tiktok, alas singko ng umaga ng magising ako. Agad kong pinatay yung speaker na hanggang ngayon tumutugtog pa din, lumabas ako ng kwarto para mag almusal na, naabutan ko pa si Mama na nag sa-sapatos na, mukhang paalis na din. Napatingin ako sa labas namin. Umaambon kase.

"Mag dala ka ng payong mo pag pumasok, ha. Mukhang uulan ng malakas mamaya, huwag kang mag pa-ulan." Paalala ni Mama.

Tumango lang ako at nag timpla na ng gatas, umalis na din si Mama matapos nyang mag sapatos, kinuha ko yung laptop ko at doon nag open ng facebook,  naabutan kong open si Nicole kaya chinat ko sya.

Elise
Oiii, papasok ka?

Nicole
Malamang. Bakit naman hindi?

Elise
Wala lang, diba kase kahit kaonting ambon lang hindi ka na pumapasok, nauuna ka pa sa post ng mayor natin na walang pasok.

My Mistake Confession [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang