Chapter 11

74 3 1
                                    

Isang oras pa ata ang inintay ko ng finally ay turn ko na. Nanginginig ako na nag punta sa stage habang hawak hawak ang wireless microphone.

Narinig ko ang hiyawan ng mga kaklase ko sa gilid habang pinagmamasdan ako. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba na nararamdaman ko kaya't ngumiti ako.

"Okay. What's your name?" The guy beside Drale.

I think grade 12 sya. Older than me ngunit mukha syang bata kung titignan mo ng matagal. Singkit sya, iyon ang unang napansin ko sa kanya. May hikaw din sya sa dalawang tenga nya kaya't feel ko may pagka bad boy 'to.

"Uhm–my name is Evonna Elise Egui. But everybody call me Elise. Grade 11 HUMSS. And I'm 17 years old and still don't know what will be my course like." Mahina akong tumawa ng sabihin iyon.

Ngumiti yung nasa right side ni Drale. Ang lalaking ito naman ay may salamin sa mata, pakiramdam ko mahilig din ito mag aral katulad ko. Hindi ko masyadong maaninag ang mata nya ngunit masasabi kong may kulay ito.

"Wow. Buong pagpapakilala, ah. Nice. I like it." Aniya.

"Para kanino ang kakantahin mo?" Nabaling ang atensyon ko kay Drale ng bigla nyang itanong iyon.

Nag tama ang aming mga mata. Walang reaksyon ang mukha nya habang pinagmamasdan ako ngunit mukha syang badtrip ngayon na para bang mag isang pangyayari na nag pa-badtrip ng araw nya. Hindi naman sya ganyan kanina nung mag katinginan kami, ah.

Para kanino ba ang kakantahin ko? Hindi ko din alam, e. Basta iyon ang unang pumasok sa isipan ko na kantahin kaya't hindi na ako nag dalawang isip na piliin yun.

Sasagot na sana ako ng biglang tumawa ang may hikaw sa tenga. Tinapik nya si Drale sa balikat na hanggang ngayon ay pinagmamasdan ako.

"Dre, walang ganyang question na need nating itanong, ah?" Aniya.

"Hey. Just don't mind us. Go sing now." Biglang pumitik sa kawalan ang isang babae na nasa dulo para makuha nya ang atensyon ko.

Saka ko lang sya napansin na isa din sa mga judges, sya lang ang nag iisang babae. Feel ko ay kasali din sya sa banda dahil mukhang ka-edad ko lang naman sya. She looked strict. Matalim ang mata nya kung tumingin. Maputi din sya at sakto lang ang payat. Madami syang bangles na nakakabit sa wrist nya.

Tumango lang ako at nag ready na para kumanta. Ang lahat ng atensyon ng mga tao na nandirito ay napunta na sa akin. Kitang kita ko ang mga seryoso nilang mukha na pinagmamasdan ako.

Ngayon lang ako sasali sa singing competition kaya't kinakabahan ako, hindi din naman kase ako nabigyan ng pagkakataon na sumali sa mga ganito kahit gusto ko dahil kahit kailan hindi naman pumayag si Mama.

Mas gugustuhin 'nun na sumali ako sa mga related sa school like quizbee, maipagmamalaki nya pa ako kapag doon ako sumali.

"I will not make the same mistakes that you did. I will not let myself cause my heart so much misery. I will not break the way you did you fell so hard. I've learned the hard way to never let it get that far." Panimula ko sa kanta.

Nang kantahin ko iyon tila nag flashback sa akin ang mukha ni Papa.

"Because of you I never stray too far from the sidewalk, because of you I learned to play on the safe side so I don't get hurt. Because of you I find it hard to trust not only me but everyone around me because of you. I am afraid..."

Ngayon alam ko na kaya siguro ito ang unang pumasok sa isip ko na kantahin dahil relate ako sa kantang ito. Alam ng isip ko kung anong nararamdaman ko kaya't sya na mismo ang pumili ng kanta na ito. Ramdam nya kung gaano kasakit.

"I lose my way and it's not too long before you point it out I cannot cry because I know that's weakness in your eyes. I'm forced to fake. A smile, a laugh everyday of my life. My heart can't possibly break when it wasn't even whole to start with..."

Biglang kong naalala yung nasaktan ako ni Papa ng lasing sya. Umiiyak ako habang dumudugo ang mga palad ko ngunit imbis na mag alala sya sinigawan nya pa ako na huwag umiyak.

It was traumatizing for me.

Pakiramdam ko hindi ko na makakalimutan iyon, habang buhay ko ng maaalala.

"I watched you die. I heard you cry every night in your sleep. I was so young you should have known better than to lean on me. You never taught of anyone else you just saw your pain. And now I cry in the middle of the night for the same damn thing."

Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko habang kumakanta ngunit hindi ko pwedeng hawiin iyon at punasan dahil baka makaapekto sa performance ko. Alam kong nakita iyon ng mga manonood dahil nag iba ang reaksyon nila.

"Because of you I try my hardest just to forget everything. Because of you I don't know how to let anyone else in. Because of you I'm ashamed of my life because it's empty."

"Because of you. I am afraid. Because of you. Because of you..."

May isa lang akong hiling Lord. Sana, sana mag bago na si Papa. Hindi. Mali pala. Sana mag balik na sya sa dati. Dahil alam ko, hindi sya ganyan. Hindi ganito ang Tatay na minahal ko.

Tumingin ako sa mga taong nanonood sa akin. Hindi ko alam pero gusto kong makita si Brale ngayon. Gusto kong marinig nya kung papaano ako kumanta. Gusto kong maging proud sya sa akin kahit hindi kami close.

Pinipilit kong hanapin si Brale sa mga taong nasa harapan ko ngunit sa huli si Drale lang ang natagpuan ko.

Nakatingin ito sa akin ngayon. Kitang kita ang aliw sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ako. Bakit? Bakit ganyan sya kung makatingin?

He looked so proud.

Ganyang reaksyon din ang gusto kong makita sa mga magulang ko. 

Matapos kong kumanta ay nag palakpakan ang lahat. Mas malakas nga lang ang sa mga kaklase ko, rinig ko pa ang sigaw ni Jordan at ang iba kong mga kaklase na lalaki. It was relaxing for me.

To perform and then hear this kind of applause.

Bumaba ako sa stage ng matapos ang kanta ko, agad akong sinalubong ng mga kaklase ko at agad akong niyakap ni Nicole ng mahigpit. Niyakap ko din sya at sumubsob sa kanyang leeg.

"You did great, Elise. I'm so proud of you." Bulong nya na nag paluha sa akin.

Sa kanya ko lang talaga maririnig ang mga salita na ito.

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now