Chapter 26

54 2 0
                                    

HELL WEEK na naman. Akala ko after 'nung reporting na yun okay na, tapos na. Kaso may sumunod pa. At tatlong subject pa ang may reporting at sabay pa talaga ng araw kung kailan.

Yung isang subject namin ayaw ng online presentation, dapat daw lahat kami naka-manila paper. Siraulo pala 'to, e. Gusto ng pinag hihirapan tapos 89 lang binigay sa akin na grade?!!

"You okay?" Bungad ni Drale ng mag video call kami.

Mag ka-chat talaga kami kaso sinabi ko na wala akong time para mag chat kaya nag request sya na mag video call nalang daw. Pumayag nalang din ako dahil mas nagiging panatag ang pakiramdam ko sa tuwing naririnig ko ang boses nya.

Umiling ako. "Pagod na " Sagot ko.

Nasa gilid ko yung phone ko habang nakatapat ako sa laptop ko, nag se-search ako sa online sa topic na idi-discuss ko, meron naman sa libro 'nun pero baka mas malinawagan ako kapag sa online ko sinearch.

"Ano bang ginagawa mo?" He asked.

"Sunod sunod reporting namin, need pa sa manila paper dapat presentation. Mag susulat pa ako tapos aaralin ko pa topic ko. Kapagod." Sagot ko.

"I can write it for you. Send me the picture of your topic, I'll write it. I have manila paper here. Para aaralin mo nalang, hindi mo na kailangang mag sulat pa. Ibibigay ko sa'yo bukas. Bukas na presentation nyo?" Napatigil ako sa aking ginagawa at tumingin sa kanya

Ngumuso ako at hindi ko na napigilan na umiyak. Agad kong pinunasan iyon ngunit nakita na ni Drale. Fuck, why I'm so emotional right now.

"Shh...don't cry. You have me, I can help you okay? Now send me the picture of your topic so I can write it." Pag-papatahan nya.

Mas lalo lang akong na iyak. Hinayaan lang naman ako ni Drale na umiyak, hindi sya nag salita. Kapag tumitingin ako sa phone naabutan ko syang pinagmamasdan lang din naman ako.

Mukhang binibigyan nya ako ng time para sa ka-artehan ko.

Drale really know how to make me soft. Sya lang, sya lang ang nag papaiyak sa akin hindi dahil sa nasasaktan nya ako. Pinapaiyak nya ako dahil sa mga gestures nya na ngayon ko lang nararanasan, akala ko imposibleng mangyare sa akin ang ganito.

Lumipas ata ng tatlong minuto ang ka-artehan ko, agad akong nag punas ng luha at inayos ang sarili ko, nang lumingon ulit ako sa phone pinagmamasdan nya pa din ako.

"Mas gumaan na ba ang pakiramdam mo, hmm? If you feel you want to cry just cry, okay? Your tears doesn't mean you're weak. It's okay to cry, the most important is after you cry bumabangon ka." Aniya.

Tumango ako. "Thank you."

"You're always welcome."

Ngumuso ako.

"Send me na your topic. I'll write it na. Para aaralin mo nalang ang ipre-present mo." Ginawa ko ang sinabi nya.

Sinend ko yung picture sa libro, nilagyan ko ng bilog yung mga words na dapat mas mapagtuunan sa manila paper. Ipinaliwanag ko din sa kanya paano ko yun ipre-present para yung ie-explain ko tugma sa presentation.

"Okay, got it. Don't end the video call. I'll write it now." Paalala nya.

Nag susulat sa manila paper si Drale sa lapag ng kwarto nya habang ako naman ay nag focus sa pagbabasa para sa presentation ko bukas. Kapag sumisilip ako sa kanya hindi ko maiwasan mamangha sa kwarto nya. Kitang kita ko kase.

Yung mga furnitures sa kwarto nya halatang hindi mumurahin. He have also a size king bed. Sya lang ba ang mag isa dyaan natutulog? Ba't anlaki ng kama nya? Half lang ata 'non ang bed ko, e. Malikot siguro itong matulog.

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now