Chapter 44

44 1 0
                                    

Tatlong araw din akong nag stay sa bahay nila Drale. Ibig sabihin tatlong araw din akong sumaya bago ako bumalik sa reyalidad. Pasukan na naman kaya no choice ako kung hindi bumalik sa impyernong pamumuhay ko.

Wala akong balita sa kanila sa loob ng tatlong araw na yun. Wala kase akong phone, naki-online lang din ako kay Drale sa tuwing mag bubukas ako ng facebook. Blinock ko din sa fb si Mama at Papa for peace of mind ko.

Nang maihatid ako ni Drale dito sa kanto sinalubong naman ako ni Nicole, this time kasama nya na si Jordan. Nang sinabi ko kase na uuwi na ako dito hindi sila pumayag na ako lang ang mag isang mag pupunta sa bahay. Baka daw ulitin ni Mama ang ginawa nya sa akin 'non.

Kumunot noo ko. "Oh, bati na kayo?" I asked.

Kinuha ni Jordan ang bag na dala-dala ni Drale. Mga gamit ko yun nung nag stay ako sa kanila. Pinauwi na sa akin ni Tita ang ibang mga damit nya dahil hindi na din naman daw kasya sa kanya saka maliit pa kay Brailyn.

"Nag away ba kami?" Inosenteng tanong ni Jordan.

Binatukan ko sya. "Ayan. Dyaan ka magaling. Ang mag deny. Mga lalaki nga naman oh." Ngumuso si Drale sa sinabi ko at sumulyap sa akin.

"Baby, I'm not like him." Malambing na sagot nya sa akin na ikinangiti ko.

I pat his head. "Don't worry you're not like him. Matalino at maayos ka." Bulong ko sa kanya na sinadya kong iparinig sa kaibigan.

Suminghap si Jordan. "Matalino din ako, 'no. Mas matalino pa ako dyaan sa jowa mong hilaw." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at inambahan sya.

"Hilaw?! Huwag mong inaasar 'to baka i-recite sa'yo nyan buong periodic table." Pagmamayabang ko.

"Sus..." Lumingon sya kay Drale. "6×6?"

Kumunot ang noo ni Drale. Marahil biglang nag taka kung bakit nag tanong ng ganun si Jordan.

Natawa si Jordan at nag mamalaking tumingin sa akin ng hindi agad makasagot si bebe ko. "Oh tignan mo, basic nalang yung tanong ko hindi nya pa nasagot." Aniya.

"You startled me. I don't know why you're suddenly asking that." Drale said.

"Wala...wala...tanggapin nyo nalang dalawa na mas matalino ako sa inyo." Sagot ni Balut.

Umirap si Nicole. "Pagbigyan nyo na. May tililing, e. Tara na. Hatid ka na namin sa bahay nyo." Inalalayan ako ni Nicole.

Humarap ako kay Drale at kumaway bilang senyales ng pag-alis ko. Ngumiti sya at tumango. "See you tomorrow at school. Use my spare phone to message me, alright?" I nodded.

"Message me pag pasok na pag pasok mo palang sa pinto nyo. Don't make me worried, hmm?" I nodded again like a good girl. "Don't worry. Kasama ko mga kaibigan ko." He smiled.

Nang makapag-paalam na ako pinauna ko na syang umuwi na sinunod naman nya. Nang mawala na sa paningin ko yung kotse nya ay saka naman kami nag lakad ni Nicole at Jordan patungo sa bahay. Kinakabahan ako pero nandito naman silang dalawa. Magiging okay naman siguro ako kapag nag alburoto ulit yung nanay ko.

"Bili mo na tayo soft drinks, nauuhaw ako. Dagdag na din snacks." Biglang sambit ni Nicole at gumilid para bumili sa isang tindahan.

Lumapit sa kanya si Jo. "Puro ka junk food. Mamaya mag ka UTI ka."

"UTI lang yan. Nauuhaw ako, e."

"Why don't your drink water kung nauuhaw ka?" Singit ko.

"Ih, walang lasa." Napailing-iling nalang ako sa isinagot nya.

Nang matapos syang bumili dumiretso na kami sa bahay. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko lalo na ng makita ko na ang gate namin. Mabuti nalang wala sa labas ang mga kapitbahay namin dahil baka harangin na naman nila ako at pilitin na mag kwento.

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now