Chapter 22

63 3 0
                                    

Natapos yung practice namin ng saktong 10 am. Ang awkward nga, e. Wala ni isang nag sasalita sa amin matapos sabihin ni Drale ang mga katagang iyon. Kahit si Coach ng sumilip dito nag tataka dahil kapag pahinga ng ilang minuto parang wala kami sa sarili.

Anlakas kase ng tama ni Drale, e. Sasabihin na nga lang yun narinig pa ng iba. And what does he mean by that? Anong problema ang tinutukoy nya?

"Una na ako." Paalam ko sa kanila dahil mag ka-klase na.

Tumango silang lahat sa akin, sumulyap ako kay Drale at naabutan ko syang pinagmamasdan ako. Sinubukan ko syang ngitian ngunit hindi nya naman iyon sinuklian pabalik. Wala tuloy akong choice kung hindi umalis na.

Pagdating ko ng room hinanap ko agad si Nicole para sabihin ang mga nalaman ko. Naabutan ko sya sa pinaka dulo, kasama nya si Jo at nag u-uno.

"Hoy." Agad silang tumingala sa akin.

"Parating na si Ma'am. Tigil nyo na 'yan." Utos ko.

Tumingin si Nicole sa bag ko. "Kararating mo pa lang?" She asked.

"Obvious ba?" I rolled my eyes before I leave them.

Rinig ko pa ang pag tawa nilang dalawa ni Jo sa inasta ko. Kita ko sa peripheral vision ko ang pag-tayo ni Nicole.

"Dyaan ka na pre. Suyuin ko muna girlfriend ko. Galit." Tumawa silang dalawa matapos sabihin ni Nicole iyon.

Pagod kong nilapag ang bag ko sa upuan, umupo na din ako at idinukdok ang mukha ko sa lamesa. I'm so tired. Fuck. I want to sleep. Nanghihina ako. Kulang ako sa tulog at gusto ko ng maraming tulog ngayon.

Nag sisimula ko ng maramdaman ang pagod sa pag sali ko sa banda na ito. Dati hindi naman ako napapagod, ngayon ramdam ko na. Hindi ko alam kung makakatagal pa ba ako dito o ano.

Gusto ko ang ginagawa ko, ngunit kung ganito pakiramdam ko mag gi-give up ako. Naramdaman ko ang pag-upo ni Nicole sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Ano problema ng sissy ko?" Bungad nya sa akin.

Hindi ko sya sinagot. Bahala sya mag isip kung anong kasalanan ang ginawa nya.

"Galit ka?" Tanong nya pa.

Nang hindi ako sumagot bumuntong hininga sya. "Tungkol kay Drale?" Doon na ako lumingon sa kanya.

"Nalaman mo na?"

"Kung wala kang balak sabihin lahat ng nangyayare huwag mo na tayong mag usap, Nicole. Kase naguguluhan talaga ako." Sambit ko.

"Ito na nga sasabihin ko na. Chill ka lang okay?" Aniya at umayos ng upo.

"Yung may sakit ka diba binisita kita?" I nodded. "May dala akong mga chocolates, lugaw and kwek-kwek 'non. Binigay talaga iyon sa'yo ni Drale. Nag kasalubong kasa kami ng pauwi na ako, sabi nya ibigay ko daw sa'yo iyon. Hindi ko alam kung paano nya nalaman na may sakit ka kaya binilhan ka nya ng lugaw. Basta ang alam ko lang nag aalala sya sa'yo." Pag kwento nya.

Pilit kong inaalala kung kailan nangyare yung sinasabi nya. Nang maalala ko mas lalo akong nag taka.

"Tinanong kita kung sino ang nag bigay 'non. Sabi mo si Brale."

"Oo dahil iyon ang sinabi ni Drale."

"Ha?"

"Sabi nya kung mag tanong ka daw kung sinong nag bigay sabihin ko daw na si Brale."

Tuluyan na akong hindi na kapagsalita. Why would he do that? Bakit si Brale ang sinabi nya ga'yong sya naman talaga ang nag bigay sa akin? Gusto nyang ibigay ang credits sa kapatid nya? Why?

My Mistake Confession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon