Chapter 16

65 2 1
                                    

MAHIGIT dalawang araw na din simula ng makapasok ako sa The Great Dawn, masasabi ko agad na ang dami agad nangyare. Kagaya nalang ng pag trato sa akin ng mga estudyante dito sa university.

Dati tuwing mag lalakad ako sa university walang pumapansin sa akin, ngayon kada lakad ko lahat sila pinagmamasdan ako. Hindi ko nga lang alam kung jini-judge ba nila ako o humahanga lang sila sa akin.

Basta ang masasabi ko lang naiilang talaga ako. I mean hindi ako sanay sa ganito, I don't like attention. Pero wala na ako magagawa, kalat na sa buong school na ito na ako ang ikalimang member ng The Great Dawn.

Nandito ako ngayon sa room namin, tapos ng mag klase yung isa sa mga subject teacher namin kaya nag simula na akong mag review. 2 days nalang kase exam na namin, kinakabahan na naman ako. I don't want to fail.

Saka nasanay na ako na ganito yung gawain tuwing exam week na, review lang nang review kahit hindi na talaga kaya. Nag re-review naman talaga ako, ganito lagi ginagawa ko kada school year ng exam pero kinakabahan pa din ako tuwing exam na, I feel like I would fail kahit hindi naman.

"Paalala lang, ah? Mag review. Sa Thursday na ang exam ninyo. Wala sanang bumagsak." Napahinto ako sa ginagawa ko ng marinig ko iyon.

Napahawak nalang ako sa ulo ko habang mahinang pinupukpok ito, hindi ko nalang pinansin at itunuloy ang pag-babasa. Mas naiinis ako kapag naririnig ko yung ganung paalala sa mga teacher.

Imbis na maging paalala yun mas lalo pa akong na pre-pressure.

"Oi. Breaktime na, hindi ka kakain?" Nilapitan ako ni Nicole.

Umiling lang ako at nag patuloy sa aking ginagawa. "No." I answered.

"Mamaya mo na 'yan sa bahay." Pagpupumilit nya pa.

"Hindi nga pwede. Need ko din 'tong gawin dito."

"Malilipasan ka ng gutom."

"It's fine."

"Bahala ka..." Aniya.

Ramdam ko pa din ang titig nya kaya tumingala na ako, nakaharap sya sa akin ngayon, wala na din ang mga kaklase namin. Kaming dalawa nalang sa room at nag silabasan na upang kumain.

Ngumiti ako. "I promised. I'm fine. Hindi lang talaga ako gutom." Sagot ko upang mapanatag sya.

Nag tagal pa ang tingin nya bago bumuntong hininga. "Sige, bibilhan nalang kita." Tumango nalang ako at pinanood sya na lumabas.

Nang mawala sya sa paningin ko nag patuloy na ulit ako sa aking ginagawa, ngunit wala pa atang limang minuto may narinig na akong boses sa labas.

Sobrang lakas. Pamilyar sa akin ang boses na ipinagtaka ko. Ano naman ang gagawin nila dito?

Hindi nga ako nag kamali dahil si Grey iyon kasama ang mga ka-banda namin. Huminto sila sa tapat ng pintuan at kumaway sa akin, naunang pumasok si Grey na tila ba room din nya ito.

Sunod na pumasok si Drale na nakapamulsa, sa akin agad ang paningin nya kaya hindi ko maiwasan mamula sa paraan ng tingin nya.

"Bakit ikaw lang mag isa dito? Halika! Kain tayo. Sabay sabay tayo. Breaktime din namin." Aya ni Grey.

Nakapalibot na silang lahat sa akin ngayon.

Umiling ako. "I can't, e. I need to review." Sagot ko sa kanila.

"What are you reviewing?" Tanong ni Drale.

Ewan ko ba, sa tuwing mag tatanong or mag sasalita si Drale sabay sabay silang tumitingin na tatlo sa kanya. Na para bang hindi sila makapaniwala na nag sasalita ito ngayon.

Hindi ba talaga ito nag sasalita dati? Ba't parang hangang-hanga sila?

"Ano lang, uhm— earth and science. may mga lesson kase ako na wala akong sulat dahil ilang araw akong absent, pinag aaralan ko ngayon." Sagot ko.

"I have a pdf of every lesson in earth and science, mula week 1 to 8. I can send it to you." Aniya na ikinalaki ng mata ko.

Hala, sandali. Shuta, kahinaan ko yung mga ganyan.

Pumalakpak si Grey. "Complete lahat yan si Drale, maaasahan yan pagdating sa mga academic problem." Aniya.

"Hindi na. Nakakahiya. Hiramin ko nalang notebook ng kaklase ko tas kopyahin. Next time nalang siguro tayo kumain, wala talaga ako gana, e." Nahihiyang sagot ko.

Gustuhan ko 'man silang samahan kumain hindi talaga pwede. Bukod sa nag a-adjust pa akong kasama sila, parating na din yung exam. Hindi pwedeng chill chill lang ako now.

"Sure ka? Sama ka na kase—" Hindi na natuloy ni Grey ang sasabihin ng takpan ni Ryu ang bibig nya.

"You can't force someone if she doesn't really want to. Can't you see? She's busy. Let's give her time. Stupid." Si Ryu.

Inis na tinanggal ni Grey sa bibig nya ang kamay ni Ryu. "Maka-stupid, ah. Saka yuck, malinis ba yang kamay mo? Nilalagay mo sa precious na mouth ko, eh baka madumi yan." Komento nya.

Natawa ako.

"Guys, I think we should go. Baka naabala na natin si Elise. Mauuna na kami, Elise. Sabay ka sa amin next time, ah?" Si Vina.

Ngumiti ako at tumango.

Kumaway si Grey sa akin habang nag lalakad sila paalis, sumulyap lang naman sa akin si Drale bago sya lumabas ng pinto. Napahawak ako sa dibdib ko. What is that?

Wala pa atang dalawang minuto ng bumalik naman si Nicole dito sa room, nag tataka ako dahil may lunch box syang dala. Kanino naman yun?

Kumunot ang noo ko ng iabot nya iyon sa akin, naguguluhan na tinanggap ko iyon at pinagmasdan. Sunod nyang binigay sa akin ang large chuckie at dalawang goya na chocolate.

"Ano 'to? Kanino galing?" Tanong ko.

"Huwag ka na mag tanong. Basta ibigay ko daw sa'yo, kainin mo nalang upang mabusog ka." Nag salubong ang kilay ko.

"Ano? Siraulo ka ba? Ba't ko naman kakainin yan eh hindi ko kilala kung kanino galing yan, mamaya may lason pala yan edi hindi na ako makakapag college." Sagot ko.

Tumawa sya at naunang binuksan ang lunch box. "Ako kilala ko kaya don't worry—omg look oh, ang healthy pa ng pagkain na binigay nya." Nag ningning ang mga mata nya

Napatingin naman ako doon. Sa maliit na lagayan ay may vegetable salad, may rice din sa harap at pork tocino. Tinignan ko palang iyon bigla na akong nakaramdam ng gutom kahit hindi ko naman ito naramdaman kanina.

Tinuro nya yung dalawang goya. "Kainin mo daw habang nag re-review ka, chocolate helps your brain daw if you want to remember fast. Tapos yung chuckie inumin mo daw now kasabay ng lunch time mo." Aniya.

"Eh kanino nga galing yan?" Pangungulit ko.

Sandali syang tumigil na tila ba pinag iisipan kung sasabihin nya sa akin ang totoo o hindi.

Kinagat nya ang kanyang labi. "Sabihin nalang natin na yung nag te-text sa phone mo is yan yung nag bigay. Don't worry, he's not a stalker. Kilala ko nga, e. Kaya hindi sya weirdo." Pagpapakalma nya sa akin.

Umirap ako at hindi na nag salita. Pinilit nya ulit akong kumain kaya wala na akong nagawa kun'di kainin ang binigay ng stranger na iyon sa akin.

Bigla ko tuloy naisip na baka pagkain talaga ng stranger na nag bigay sa akin nito. Baka kakainin nya talaga ito dahil halatang home made. Grabe kaseng plating ginawa, e. Pati kanin naka-hulma.

Yayamanin din yung lunch box kaya hindi ko alam kung sino ang nag bigay, wala din namang kakilalang mayaman itong kaibigan ko.


______________

I'm trying my best na ma-tapos 'to at the end of this month because I know I'll be busy again dahil august 29 na pasukan namin. So please, cheer me up. haha

My Mistake Confession [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora