Chapter 21

76 2 0
                                    

"Ba't may 89 ka sa card mo sa first grading ng first semester? Ano iyan? Napabayaan mo?" Tanong ni Mama ng makita ang card ko.

Bigayan kase ng card ngayon sa first grading ng first semester namin. Hindi pa sana ito ibibigay at isasabay nalang sa second grading ng first sem pero sinabi ng mga teacher na mas okay daw na ibigay na ng maaga para malaman ng mga students kung saang subject nila kailangang bumawi.

"Hindi. Mababa lang talaga mag bigay ng grade yan." Walang emosyon na sagot ko habang kumukuha ng tubig dito sa kusina.

Umupo si Mama sa dining table namin at nag salamin, tinignan nya ulit yung card ko.

"89 ang pinaka mababa mo, Elise. Hindi mo na ba kayang mag improve dito? Sayang naman ang mga 96 mo kung may 89 ka." Komento nya pa.

Pumikit ako sa inis. Ang dami nyang komento, puro sya ganyan. All my life all she do is criticize me. Hindi nya makita na binigay ko naman lahat ng best ko sa pag-aaral. Sabagay, paano nya nga pala makikita iyon. Lagi nalang pala syang nasa work.

Mabuti sana kung sya yung kumukuha ng card ko, kung uma-attend din sya ng mga meeting sa room pero hindi. Magaling syang pumuna pero never nya akong sinuportahan sa pag-aaral.

Sinusuportahan nya nga ako, pag bibigay nga lang ng baon ko at mga bayad sa project. Pero hindi naman iyon yung kailangan ko, I want her to support me emotionally too.

"Kaya nga binigay sa amin yang card para makita namin kung anong subject need naming i-improve. I-aangat ko yan, huwag kang mag alala. Para naman hindi ka mapahiya sa mga kaibigan mo." Sagot ko.

Tumango si Mama. "Mabuti naman. Sayang ang pag tratrabaho ko kung may ganito kang grade." Aniya.

Ibinaba nya na yung card at inilabas ang mga pinamili nya, gabi na din at hindi pa dumadating si Papa. Okay na din iyon, wala na akong pakialam sa kanya. Mabuti nga at umuwi si Mama ng maaga, para kung lasing 'man ulit si Papa hindi na ako ma-momoblema.

"May mcdo akong binili dito. Kainin mo na. Sahod ko kaya bumili din ako ng mga grocery. Ano bang gusto mong ulam ngayon? Mag luluto ako."

Kinuha ko yung mcdo at pumasok sa kwarto. "Kahit ano nalang." Sagot ko bago tuluyang isarado ang pinto.

Umupo ako sa study table ko at binuksan ang laptop ko. Nanood nalang ako ng kdrama habang kumakain ng mcdo, ngunit kahit nasa laptop na ang paningin ko lumilipad pa din ang isip ko. Nasa scene kase yung leading lady na sinasabi nya lahat ng hinanakit nya sa kanyang magulang.

"You don't know anything. You always say I'm wrong and you hit me for no reason! Do you think it doesn't hurt me? I get hurt too! My body might not ache but my heart does! Why are you so hard on me, Mom?"

Habang pinapakinggan ang mga katagang iyon hindi ko maiwasang humikbi katulad ng bida. Lumakas ang pag-iyak ko kaya kinakailangan ko pang takpan ang bibig ko. Hindi ko alam kung saan ako umiiyak. Sa sitwasyon ng bida o sa sitwasyon ko ngayon.

Bawat katagang sinasabi ng bida sa nanay nya hindi ko maiwasang mainggit. I hope I am strong like her. Sana kasing lakas nya ako para maisumbat sa nanay ko yung nararamdaman ko.

Gusto ko ding sabihin na napapagod na ako, gusto kong malaman ni Mama na pagod na ako, emotionally and physically. Gusto kong malaman nya na nag ka-trauma na ako sa sitwasyon nilang dalawa ni Papa.

Gusto kong malaman nya na hindi ko na maramdaman na safe ako sa pamilya namin.

Sa kalagitnaan ng pag-iyak ko biglang nag pop yung mukha ni Drale sa screen.

Nag chat sya.

Tumigil ako sa pag iyak at binasa ang message nya.

Stephen
Hi. How are you?

My Mistake Confession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon