Chapter 10

79 3 0
                                    

Pagod na pagod ako ng makauwi ako sa bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto at humiga sa kama. Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako dahil sa sobrang pagod. Paggising ko ay 8 pm na at wala pang sinaing.

Dali-dali akong tumayo sa kama at nag bihis ng pang-bahay. Sa sobrang pagod hindi ko na nahubad yung uniform ko. Lumabas ako ng kwarto at akmang mag sa-saing na ng makita ko na may sinaing na. Tumingin din ako sa lamesa at may ulam na din na luto.

Nang tignan ko kung sino ang nasa sala nakita kong si Papa ito na nanonood ng tv. Naramdaman nya ata ako kaya tumingin sya sa akin.

"Nag saing na ako. May ulam na din. Kumain ka na. Parating na daw ang Mama mo." Sabi nya.

Hindi ako nag salita at nag tungo nalang sa lamesa upang kumain. Hindi pa din kami nakakapag usap ng maayos ni Papa dahil galit pa din ako sa kanya. Hindi naman na ata mawawala 'yun.

Maaaring mapakikisamahan ko pa sya ngunit ang mag kaayos kami ay mukhang malabo na. Masyado ng masakit yung mga nagawa nya upang mapatawad pa sya. Hindi din naman kayang iwan ni Mama si Papa kaya't wala na din akong magagawa kung hindi pakisamahan sya.

Habang kumakain ako ay dumating na din si Mama. May mga grocery syang dala, agad syang sinalubong ni Papa at kinuha ang mga bitbit nito.

Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung papaano nila nagagawang maging maayos ulit sa lahat ng nangyare sa pamilyang ito? Paano nagagawang patawarin ni Mama si Papa ng ganun-ganun lang? Gusto kong malaman baka kaya ko din.

"Oh, kamusta ang iskwela?" Bungad ni Mama.

Tumango lang ako. Pagod mag salita dahil nandito lang sa iisang bahay ang problema ko at mukhang nakikinig.

"Pagtapos mo dyang kumain ay mag aral ka, ha. Malapit na daw ang periodic exam nyo. Yung mga assignment mo tapos muna?" Bigla akong nawalan ng gana ng marinig iyon.

I do well naman sa school. Pero kapag naririnig ko yung isang tao na nanga-ngamusta sa school ko naiirita ako. Ano bang akala nila? Na hindi ako nag se-seryoso sa school? Na pinapabayaan ko lang ang pag-aaral ko kaya nag tatanong sila?

"Wala munang gala-gala ha. Mag review para mataas ang score sa exam." Malambing na dagdag ni Mama at niyakap ako mula sa likuran.

Hindi ako gumalaw o nag salita manlang. Napakagaling nya. Nagawa nyang kamustahin ang pag-aaral ko ngunit hindi nya manlang nagawang kamustahin ang kalagayan ko.

Tumayo ako. "Oh, saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang pagkain mo—"

"Ayaw ko na. Busog na ako." Sagot ko.

"Oh sya. Iwan mo nalang dyaan, ako na ang uubos. Mag bibihis lang ako." Aniya.

Tumango lang ako at ginawa ang sinabi nya. Nag hugas muna ako ng kamay bago pumasok ng kwarto. Ginawa ko na din yung assignment ko kahit next day pa naman ang pasahan 'non.

Matapos kong gawin yun ay nanood ako ng kdrama ng 2 hours. Apat na episode din nag natapos ko. Buti nalang at hindi pumasok si Mama sa kwarto ko kun'di yari ako. Ayaw pa naman nya ng ganito.

KINABUKASAN ay maaga akong pumasok dahil ang audition sa singing competition ay 9 am. Need din ng formal attire. Kaya nag black polo long sleeve and slacks nalang ako. Hindi ko nga alam bakit kailangan pa ng mga ganito, hindi ba pwedeng pants nalang at kahit anong tshirt?

Ang arte arte. Mag a-audition lang naman.

Papasok palang ako sa school ay nakita ko na ang mga kaklase ko sa gate at inaantay ako. Agad nila akong hinila patungo sa court dahil doon daw ang audition. Wala ata silang tiwala sa akin na pupunta kaya inabangan pa nila ako dito sa labas.

My Mistake Confession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon