Chapter 05

76 4 1
                                    

GABI na at nandito ako sa loob ng kwarto. Nakasandal ako sa aking kama habang may unan sa hita at doon nakalagay ang aking kanang kamay na may sugat. May bandage na ito ngayon at tumigil na din sa pag durugo.

Halos limang minuto din ata akong nasa kusina kanina ng biglang pumasok ang isa sa mga kapitbahay namin. Nasa likod bahay namin ito. Dito sa kusina. Ang sabi nya kanina nya pa daw ako naririnig na umiiyak at akala nya daw ay may humahalay na sa akin.

Kaya't ng makita nya ako na duguan ang kamay ay agad syang lumapit sa akin at tumulong. Nang makita nya na dalawang minuto na ay hindi pa din humihinto ang pag durugo ay dinala nya na ako sa ospital.

Ayaw ko pa nga dahil wala kaming pera. At alam ko kapag dinala ako sa ospital mapipilitang umuwi si Mama dahil kailangan ng guardian doon.

Sinakay ako sa ambulansya ng hindi nalalaman ni Papa. Tulog na ito ng lumabas kami sa bahay. Tinatanong ng kapitbahay ko ang nangyare, kung sinaktan na naman ba daw ako ni Papa. Sinabi ko nalang na aksidente.

Iyon din naman ang palalabasin ni Mama kapag nalaman nya ang totoong nangyare.

Ipinaliwanag ng Doctor sa amin kung bakit malakas ang dugo ko sa tuwing nasusugatan ako ngunit sa pagod ko ay hindi ko na naintindihan ang sinabi nya. Narinig naman na ata ni Mama yon dahil sya ang katabi ko habang pinapaliwanag ng Doctor ang lahat kaya't sapat na iyon.

Mahaba-haba ang sugat sa palad ko kaya't kinakailangan na tahiin iyon. Ginamot na din nila ang pasa na nasa braso ko. Halos kulay ube na iyon kaya't paulit ulit na tinanong ako ng Doctor kung aksidente ba daw talaga ito.

"Mag pahinga ka lang dyaan. Mag luluto lang ako ng pagkain mo para makainom ka na ng gamot." Si Mama.

Matamlay lang akong tumango ng hindi tumitingin sa kanya. Nakatulala lang ako sa kawalan.

Galit ako sa kanya. Paulit ulit naman na nangyayare ang bagay na ito. Alam nya kung anong ginagawa ni Papa kung lasing ito, alam nya na nawawala ito sa wisyo ngunit hindi nya pa din ito hinihiwalayan. Madalas din syang saktan ni Papa ngunit parang okay lang naman ata sa kanya.

Kung okay sa kanya iyon pwes sa akin hindi. Sana kahit minsan lang isipin nya ako na 'hindi deserve ng anak ko na masaktan, hindi deserve ng anak ko ng ganitong Tatay' 'ayaw kong makitang nasasaktan ang anak ko kaya't mas mabuti pang hiwalayan ko na sya'

Ngunit hindi, e. Siguro nga kung papapiliin sya kung ako ba o ang asawa nya sa tingin ko pipiliin nya si Papa, e.

Ilang minuto na ata ang lumipas ngunit wala pa ang pagkain kaya't tumayo na ako. Bigla din akong nauhaw. Ngunit hindi pa 'man ako nakakalabas sa pinto ng may marinig akong humihikbi.

Nang silipin ko iyon it was Mama.

Nag pri-prito sya ng manok habang umiiyak. Biglang sumikip ang dibdib ko sa nakita. Sinusubukan nya pang pigilan ang iyak nya na tila ba ayaw iparinig sa akin. Hindi ko na din tuloy maiwasang umiyak din.

Bigla kong naramdaman yung mga paghihirap na nararamdaman nya. Bigla kong narealized na parehas pala kaming nahihirapan at nag durusa dito sa piling ng asawa nya.

Bumalik na ako sa kama ko at doon palihim na umiyak. Nahihirapan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong sisihin si Mama sa mga paghihirap na nararanasan ko ngayon ngunit ng makita ko syang palihim na umiiyak tila nag bago ang pananaw ko

Naguguluhan ako.

"Oh, bakit umiiyak ka? Kumikirot ba?" Napatingin ako sa pinto ng mag salita si Mama.

Nang tignan ko ang mata nya walang bakas ng iyak iyon ngunit basa ang buo nyang mukha na para bang nag hilamos sya. Dala-dala nya na ang pagkain ko.

Umupo sya sa harap ko at marahan na kinuha ang kamay ko.

"Masakit?" She softly asked.

Pinag masdan ko sya at umiling.

"Hindi. Hindi ko maramdaman." Walang reaksyon na sagot ko.

Kita ko sa mga mata nya ang pag landas ng kanyang luha habang pinagmamasdan ang kamay ko.

"Sorry, anak. Sorry." Iyon lang ang paulit ulit nyang sinabi.

Ngunit hindi iyon ang gusto kong marinig. Gusto kong malaman kung bakit hindi nya magawang iwan si Papa kahit alam nya ng ito ang nangyayare sa akin kapag kasama ko sya.

"Kumain ka na. Huwag ka munang pumasok ng isang linggo. Hindi ka din naman makakapag sulat. Right handed ka. Kakausapin ko nalang ang advicer mo." Sambit nya.

Umiling ako. "Hindi pwede. Mahuhuli ako sa lesson, baka biglang may performance task na ipagawa." Walang reaksyon na sagot ko.

"Huwag ng matigas ang ulo, Elise. Makinig nalang kay Mama. Okay?" Malambing na aniya.

Kinuha nya ang kutsara at akmang susubuan ako ng iiwas ko ang mukha ko.

"Ano ba yan?" Naiiritang tanong ko sa kanya.

Anlaki laki ko na tas susubuan nya pa ako.

"Susubuan kita. Hindi mo magagamit ang kamay mo ngayon. Dali na. Para makapag pahinga kana." Aniya.

Wala akong nagawa na sundin sya. Bawat subo ko umiiwas ako ng tingin kay Mama. Nahihiya ako. Naaalala ko din kase na ganito ang trato nya sa akin nung bata ako. Lagi nya akong sinusubuan kapag masama ang pakiramdam ko. Hindi ko aakalain na magagawa pa ulit namin iyon.

Matapos kong kumain ay uminom na ako ng gamot para pampawala ng kirot sa sugat ko. Sinabi na din ni Mama na matulog na ako na agad kong sinunod dahil inaantok na din ako.

KINABUKASAN nagising ako ng alas sais ng umaga. Umupo ako sa kama ko at isinandal sa unan ang kamay ko. Kumikirot kase ito ngayon at ansakit sakit ngunit wala naman akong magawa.

Nang mapunta sa study table ko ang paningin ko nakita ko ang isang notes doon. Kinuha ko iyon dahil nasa gilid lang naman ng kama ko ang study table kaya't naabot ko.

'Anak, paggising mo ay may almusal na sa lamesa. Kumain ka nalang at inumin mo yung dalawa mong gamot, okay? Pumasok ako dahil wala tayong pera sa susunod. Mag pahinga ka lang dyaan. I love you, anak.'

Nang matapos kong basahin iyon ay bumuntong hininga ako. Pumasok pala sya sa trabaho.

Hindi ko maintindihan....

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako pwedeng makaramdam ng pagmamahal ng isang magulang ngayong malaki na ako?

Hindi naman ganito dati ang pamilya ko. Alagang alaga ako ni Mama. Hindi pa umiinom si Papa ng alak nung bata ako. Dumadating pa nga sa punto na kapag pinapapili ako kung si Mama ba o si Papa si Papa ang pipiliin ko ng walang pag-aalinlangan.

Ngunit ngayon kung tatanungin ako wala. Hindi ko na alam ang isasagot ko.

Pumasok pa si Mama ng trabaho kahit alam nyang kailangan ko ng pag-aalaga ngayon. Kahit alam nyang may sakit ang anak nya. Mahirap ba akong alagaan? Hindi naman siguro.

Gets ko na kailangan nyang mag trabaho dahil kagaya ng sabi nya wala na kaming pera. Pero nakakatampo. Nakakatampo pa din kahit naiintindihan ko naman rason nya.

Baka naiisip ni Mama na malaki na ako. Na kahit papaano kaya ko na ang sarili ko. How I wish kaya ko na nga.

Pero hindi. Hindi talaga. Kahit dalaga na ako may mga bagay pa din na hindi ko kayang gawin ng walang magulang. Kinakailangan ko pa din ng gabay at alaga ng isang ina paminsan-minsan.

Ngayon naiintindihan ko na ang sinasabi ng iba. Na kapag lumaki ka doon mag babago lahat. Ngunit kasama ba ng pagbabago na iyon ang pagbabago ng mga magulang ko? Ng pamilya ko?

Tahimik akong umiiyak habang paulit ulit na iniisip ang mga katanungan na iyon. Ngunit as usual wala akong nakuhang kasagutan.

Ilang minuto pa ng mapag pasyahan ko nang tumayo. Papasok ako ng school. Ayaw kong umabsent. Ang pagpasok nalang sa school ang paraan ko para makalimot ng problema.

Nag bihis nalang ako ng uniform dahil hindi ko pa kayang maligo. Nahihirapan akong kumilos ngunit wala din akong magagawa. Ayaw kong humabol ng mga gawain sa school.

Kinuha ko ang bag ko at isinukbit iyon sa likod. Nilock ko ang pinto dahil wala naman si Papa. Hindi ko alam kung nasaan sya dahil wala din naman syang byahe ngayon.

My Mistake Confession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon