Chapter 41

46 0 0
                                    

Dumaan pa ang dalawang linggo at never kaming nag pansinan ni Mama at Papa. Hindi ko sila kinausap dahil wala pa talaga ako sa mood. Pero kapag nag tatanong naman sila sa akin sumasagot naman ako ngunit hindi ko alam kung ramdam ba nila na napipilitan lang akong sagutin iyon.

December 23 na at lagi lang akong nasa bahay. Inaaya ako ni Drale na sumama sa family outing nila. Dalawang araw sa baguio. Tumanggi ako dahil nahihiya ako pero ng si Tita na ang nag aya sa akin wala na akong nagawa kung hindi pumayag.

Mamayang gabi na ang alis namin kaya nag eempake na ako ng mga gamit na dadalhin ko, matapos kong mag ayos ng mga gamit ay naligo ako at nag bihis. Susubukan kong kausapin yung lalaki ni Mama. Mag mamakaawa ako.

Hindi ko maiwasang matawa. Dati-dati lang hinihiling ko pa na sana mag hiwalay nalang silang dalawa kung ganito lang din naman kagulo ang pamilya namin, na kung papipiliin ako mas gusto ko nalang na mag kanya-kanya kami. Pero ito ako ngayon, sumusubok na ayusin ang pamilya na dapat hindi ako ang gumagawa.

Nakailang ulit akong nag pakawala ng buntong na hininga bago kumatok ng tatlong beses sa gate na pula. Nakailang katok pa ako bago lumabas yung may ari ng bahay. It's him. Nakakunot pa ang noo nya habang pinagmamasdan ako pero ng tuluyan nya ng mabuksan ang gate at makita ang buong mukha ko kita ko na nakilala nya ako.

So nakwe-kwento nya ako sa lalaking ito, huh!

"Ano yun, iha?" Tanong nya.

Lumunok ako. "Ako po si Elise Egui. Nanay ko po si Eliza Sarmeta. Hindi nyo na po kailangang mag sinungaling na hindi nyo sya kilala dahil nakita ko na ho na pumasok ang Mama ko dito." Panimula ko.

Kita ko kung papaano manlaki ang mata nya ng banggitin ko ang pangalan ni Mama. "A-anong ginagawa mo dito? Pumasok ka muna, mainit dito." Nakayuko akong tumango at pumasok sa loob, sumunod ako sa kanya hanggang sa makaupo ako sa sala.

Sa sala kung saan dito ko sila nakita.

"Ano bang gusto mong kainin? Inumin? Nauuhaw ka ba?" Sunod sunod nyang tanong. Umiling ako. "Hindi iyan ang ipinunta ko dito, mister." I said.

"Maupo ho kayo." Aya ko sa harap.

Dahan dahan syang naupo. Hindi ko alam kung anong iniisip nya sa akin, wala na din akong pakialam sa iisipin nya dahil sya naman ang mali dito at hindi ako.

"Kabit ho ba kayo ng Nanay ko?" Diretsong tanong ko

"Nag mamahalan kami ng Mama mo."

Natawa ako. "May asawa sya, hindi 'man sila kasal pero may pamilya syang inuuwian kaya kabit pa din ang tawag sa'yo." Madiin na wika ko.

Bumuntong hininga sya. "Hindi na masaya ang Mama mo sa pamilyang meron sya." Sandali akong natigilan sa narinig.

Hindi na masaya si Mama.

Hindi na sya masaya sa amin.

Iyon ba ang dahilan kaya nag hanap sya ng iba? Nag hanap ng magiging bagong pamilya?

"Mister, hindi sapat iyon para manira ka ng pamilya. May pamilya iyong tao, may anak na sya, hindi mo alam kung gaano kasakit sa anak nya na malaman at makita nalang bigla na yung Nanay nya may ibang lalaki pala." Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha ko.

"M-mahal na mahal ko ho ang Mama ko. K-kahit durog-durugin nila akong dalawa gusto ko pa 'ding makita na mag kasama at buo sila. Hindi ko ho kayang makitang mag hiwalay sila dahil lang nagustuhan ka ni Mama."

Slowly I kneeled down infront of him.

Humihikbi ako habang unti-unting lumuhod sa harapan nya. Naalarma sya at akmang papatayuin ako ngunit umiling ako habang umiiyak. "G-gusto ko 'hong kunin yung Mama ko, mister. I-ibalik nyo po yung Mama ko sa akin. I-ibalik nyo po ang Mama ko sa pamilya n-namin. N-nag mamakaawa p-po ako." Umiiyak na makaaawa ko.

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now