Chapter 20

68 2 1
                                    

"Duda talaga ako sa tinginan nya, e. What if gusto ka pala ng Drale na yun?" Mahinang tanong ni Jordan habang nag lalakad kaming tatlo ni Nicole.

Kanina pa sila ganyan, hindi na maka-get over sa paraan ng tingin ni Drale sa akin. Well, lagi naman ganun tumingin yun. Nasasanay na din ako.

Ayaw ko din namang bigyan ng meaning dahil awkward. Baka wala naman talaga kay Drale yun tapos ako lang pala nag lalagay ng meaning. Edi in the end ako pa ang shunga.

"Baliw. Ba't naman ako magugustuhan 'non? Alam 'non na gusto ko kambal nya 'no." Sagot ko sa kanya.

"Tss. Lalaki ako, Elise. Alam ko mga galawan ng katulad ko. Bakit pa sya titingin sa'yo kung pwede naman syang dumiretso ng labas sa room diba." Pamimilit nya pa.

Tinignan ko sya. "Lalaki ka pala?" Pangangasar ko.

"Oo nga. Nakalimutan ko ng lalaki ka, Jo." Si Nicole.

Tumawa kaming dalawa ng makita ang busangot na mukha ni Jo. Nang makarating kami sa canteen si Jo na ang bumili ng amin dahil ginawa na syang utusan ni Nicole. Nag hanap nalang kami ng mauupuang dalawa habang inaantay yung lalaking yun.

"Pero what if nga gusto ka ni Drale. Anong gagawin mo?" Napapikit ako ng mag simula na naman si Nicole sa mga what if nya na walang kabuluhan.

"What if lang naman! Sagutin mo na."

Sumeryoso ako. "Hindi ko sya gusto." Iyon lamang ang aking sinagot.

"Bakit?"

"What do you mean bakit? Eh hindi sya yung tinitibok ng puso ko, e."

"Kase gusto mo mga basketball player diba? Ayaw mo ng may banda. Gusto mo yung nag che-cheer ka sa gilid ng court."

Ngumuso ako. Ilang beses na akong nag de-delulu about kay Brale. Na kapag naging kami tapos may game sya sasama ako, I will wear his jersey and I'll cheer him. Mag papalakasan ng sigaw sa mga babaeng nag che-cheer sa kanya. Tapos ki-kindatan nya ako sa tuwing makaka-shoot sya.

Maiinggit yung mga babaeng nag kakagusto sa kanya dahil ako ang girlfriend ni Brale. Na hanggang tingin nalang sila. And after game lalapit si Brale sa pwesto ko tapos ihu-hug ako.

Dati tuwing iniisip ko yun kinikilig ako. Pero ngayon iniisip ko palang pero ang cringe na sa paningin ko.

Sumubsob ako sa table. Ano bang nangyayare sa akin.

"Oh, ito na mga order nyo mga madam. Dami nyong order, ginawa nyo akong taga pag-silbi." Dumating si Jordan na may bitbit-bitbit na mga pagkain.

Umupo sya sa harap namin. Nag simula kaming kumain habang nag kwe-kwentuhan. Ngayon lang din namin na realized na maaga pala natapos yung first sem namin.

May nabalitaan din daw si Jordan na mag kakaroon daw kami ng research defense na dapat ay sa second sem pa. Madami daw nag reklamo na mga students ng nabalitaan yun. Tss. Basta talaga sa mga ganitong usapan sa school nangunguna si Jordan maka-alam.

Hindi ko alam kung saan sya nakakakuha ng mga source nya. Kaso hindi na din ako nag taka dahil madami talaga syang kaibigan sa school na ito. Kahit nga basketball player kaibigan nya, hindi naman sya player. Kaya nga nag tataka ako paano nya naging close si Brale, e.

Matapos naming kumain bumalik na din kami agad sa room. Nag simula ulit ang klase at natapos ng alas quarto. Nag paalam ako kay Nicole na mauna na sya dahil may ensayo pa kami hanggang 6 am. Late akong makakauwi.

"Sige. Chat ka nalang kung gusto mo mag pa-sundo dito, ah? Sunduin kita." Tumango lang ako kay Nicole at kumaway na.

Agad akong nag tungo sa STEM building, ngunit nandito pa lang ako sa corridor ng HUMSS building sa first floor nataranta na ako. Hindi ko alam kung babalik ba ako sa taas o tutuloy sa dinadaanan ko!

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now