Chapter 02

92 4 0
                                    

Alas diyes na ng gabi at gumagawa pa din ako ng research paper namin. Individual 'to at next month pa naman ang due date ngunit ginagawa ko na agad. Mahirap na baka bigla kaming tambakan ng gawain sa susunod.

Saka nakakainis lang. Wala pa atang isang buwan simula ng mag start ang klase namin ngunit may research paper agad. Pero okay na din siguro 'to. Kesa naman mag solve nang mag solve ng math, hindi ko kaya.

I mean kaya ko naman, mga basic math nga lang. Kaya ko mag solve pero naguguluhan pa din ako paminsan-minsan. Kapag nag di-discuss nga teacher namin may mga days na hindi ko na ge-gets kaya kinakailangan ko pang mag tanong kay Nicole.

Halimaw kaya yun sa solving.

Minsan nga naiisip ko may mga estudyante na magaling sa essay, literature, pero hindi magaling sa math. May mga estudyante naman na magaling sa math pero hindi magaling sa essay. Swerte nalang siguro kung magaling ka sa dalawa.

Nag ta-type ako sa laptop ko ng marinig ko ang boses ni Mama. Agad akong napatayo sa kama ko at mabilis na lumabas ng kwarto. Kita ko na nag tatanggal na sya ng medyas sa sala. Wala na si Papa doon, marahil natulog na ng maaga.

Buti naman.

"Ma." Lumapit ako sa kanya at nag mano.

"Kumain ka na ba?" Tanong nya.

Tumango ako. "Bumili ako ng ulam."

"Asaan ang Tatay mo? Lasing na naman?"

"Nasa kwarto na ata. Hindi naman lasing ngunit nakahilata lang buong mag hapon." Sagot ko.

"Bwesit talaga yan. Hindi manlang pumasok sa trabaho nya. Ano na kakainin natin sa susunod? Mukhang delayed pa ang sahod ko bukas." Problemadong usal nya.

Bumuntong hininga ako at nag iwas ng tingin. Paano ko na sasabihin sa kanya ngayon na may kailangan kaming bayaran na 200 sa school kung wala naman pala kaming sapat na pera?

"Pumasok kana sa kwarto mo at gumawa ng mga assignment. Matulog kana kapag 12 na ng madaling araw. Maaga pa ang pasok mo bukas." Utos nya na agad kung sinunod.

Minsan naiinggit ako sa mga estudyante na financial stable. Lahat ng need nila sa school nakukuha nila at nagagawa ng walang iniisip na kung saan kukuha ng pera. Hindi na nila kailangang mag parinig pa sa magulang nila dahil agad agad itong ibibigay sa kanila.

Naiisip ko tuloy ano kayang ginawa nila sa past life nila at bakit sobrang lucky nila sa henerasyon na ito.

Traydor ba ako sa bayan ko nung past life ko kaya't nag dudusa ako ngayon?

NAGISING ako ng alas sais ng umaga, agaran akong naligo at nag bihis. Lumabas ako ng bahay para bumili ng pandesal upang gawing almusal. Wala ng tao sa bahay, mukhang naisipan na ni Papa pumasok ngayon. Buti naman.

Ganito kami sa bahay araw-araw, kapag gising ko ako nalang ang tao sa bahay. Uuwi si Mama ng gabi kung kailan patulog na ako, lagi kase syang overtime sa trabaho nya. Si Papa naman ay namamasada ng jeep at gabi na din umuuwi kaya't minsan hindi na kami nag kikitang tatlo sa isang araw.

Habang nag aalmusal ako ay kinuha ko ang phone ko at nag facebook. Nag chat ako kay Nicole na sabay kaming pumasok sa school ngunit ang gaga nasa school na kahit ganito pa kaaga.

May one hour and 30 minutes pa naman kami bago mag simula ang klase ngunit nasa school na.

Nicole:
Anyway may chika ako. Nandito si Drale. Nasa library kase ako now tapos nakita ko sya. Nag tama mata namin pero wala naman syang sinabi. Siguro na recognized nya na kaibigan ako ng isang babae na nag confess sa kanya kahit hindi naman sya yung lalaking nagugustuhan.

I rolled my eyes when I read her message. Iyon na talaga ang pang asar sa akin ng babaeng ito bwesit.

Evonna Elise:
Bakit ba sinasabi mo yan? Hindi naman sya ang gusto ko 'no. Ang kambal nya ang gusto ko for your information.

Nicole:
Eh, bakit sa kanya ka nag confess?

Evonna Elise:
Nag kamali nga ako. Nakatalikod kase sya 'non.

Nicole:
Sus, ang sabihin mo hindi lang talaga malalim ang pagkakagusto mo kay Brale para ma-mistake sya. Kung mahal mo yan ma re-recognized sya ng heart mo.

Napaisip ako doon. Posible kayang infatuation lang 'tong nararamdaman ko para kay Brale? Baka naman sa pagkakagusto ko na mag karoon ng someone pinipilit ko na ang sarili ko na mag kagusto sa isang lalaki.

Umiling-iling ako. Hindi. Hindi ito infatuation. I'm sure of that. Ilang years ko ng gusto si Brale. Kung infatuation lang 'to matagal ko na sanang na-realized.

Tinapos ko na ang pagkain ko at umalis na ng bahay. Mabuti naman at hindi traffic sa byahe kaya nakarating ako sa university ng mas maaga sa inaasahan ko. Ngunit habang nag lalakad ako papasok sa university may nakita akong isang id sa sahig.

Napatingin ako sa paligid ko dahil dinadaan-daanan lang ito ng mga estudyante na tila ba walang pake doon. Kumunot ang noo ko. Bakit ayaw nilang pulutin? May kamay naman sila. Hindi naman aabot ng one minutes ang pag pulot nila dito.

Huminga ako ng malalim at walang choice kung hindi pulutin iyon. Pagtingin ko sa pangalan ng may ari naistatwa ako. The owner of this id is the twin of my sweetheart.

Drale Villena.

"Anak ng tupa naman oh. Pangalawang beses na naman tayo nag kitang id ka. Sa dinami-dami ng id sa school na ito ba't ikaw na naman?" Singhal ko.

Ngunit napahinto ako sa pagsasalita ng mapatingin ako sa mukha ni Drale. I know Brale's face. Kaya't ngayon nakikita ko kung anong pinag kaiba ng mukha nya sa kambal nya.

Drale's eyes is more fierce than Brale. At mas hubog ang jawline ni Drale kesa sa kambal nya. Hindi ko na tuloy alam kung sino ang mas pogi sa kanilang dalawa kapag pinag tabi sila.

Nanlaki ang mata ko sa naisip at mabilis na sinampal ang aking sarili.

"My gosh, Elise?! Ano 'tong mga naiisip mo? You're born to be a loyal. Huwag kang mag taksil kay Brale!" Suway ko sa aking sarili.

Inayos ko ang aking sarili at ibinulsa ang id ni Drale. Nag patuloy na ako sa paglalakad. Mamaya ko nalang 'to isasauli sa kanya. O baka nga hindi ko na isauli pa para mapagalitan sya ng advicer nya. Pag-iisipan ko pa.

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now