Chapter 19

65 3 4
                                    

"Bilis na kase. Ikaw na leader sa group natin. Wala tayo aasahan sa iba." Pag-mamakaawa ni Jordan.

Inirapan ko sya at hindi nag salita. May group activity kase kami sa Oral Com, five members kada group. Natapat pa kami ni Jordan sa mga ka-grupong mga tamad. Hindi naman sa nang ju-judge ako sa kanila pero ilang beses ko na talagang napapansin na ang tamad nila.

Lalo na kapag nalaman nila na may member silang matalino at pala-recite, hayahay nalang sila at hahayaan ang lahat sa ka-group nilang matalino. Hindi manlang mag tanong kung anong pwedeng itulong o ano, saka lang mag a-ask kapag due date na. Tapos galit pa kapag ni-report sila sa teacher na walang ambag.

Idadahilan nila na hindi naman daw sinabi sa kanila kung anong gagawin kaya akala nila tapos na.

"Tumigil ka nga. Gusto ko ng peace of mind ngayon, Jo. Ayaw kong ma-stress kaya huwag mo akong gawing leader. Andyaan ka naman, matalino ka din. Kaya mo na 'yan, tutulungan naman kita." Sagot ko sa kanya.

Mas lalo syang nag atungal. "Hindi ko nga kaya, gusto ko yung ginu-guide ako at sasabihin sa akin kung ano at paano gagawin. Sige na, leader ka na. Please." Umiling pa din ako.

"Sabihin ko kay Brale na i-add friend ka tapos i-message ka din. Ano? Payag ka?" Pangungimbinsi nya pa sa akin.

Napahinto ako.

Ngayon lang ulit pumasok sa isip ko si Brale. Sa dami kase ng ginagawa ko sa school at sunod sunod na mga activities at project nakalimutan ko na ang pag-hanga ko sa kanya. Hindi ko na din na i-istalk yung profile nya.

"Oy, papayag na yan. Napahinto, e." Sinubukan nya pa akong kilitiin sa tagiliran kaya iniiwas ko ang katawan ko.

Aasarin nya pa sana ako ng biglang parehas kaming napatingin sa pintuan, akala namin dumating na ang sunod na subject teacher namin ngunit si Drale lang pala iyon.

Dito agad na punta sa pwesto ko ang paningin ni Drale. Sinubukan ko syang ngitian ngunit hindi sya ngumiti pabalik. Nakatingin lang sya sa aming dalawa ni Jordan.

Siniko ko si Jordan. "Bumalik ka na sa upuan mo. Nandito na teacher natin." Biro ko.

Kamot ulo naman syang tumayo. "Basta, ah. Leader ka na. Kakausapin ko si Brale don't worry." Napapikit ako dahil sa sinabi ni Jordan.

Ang putangina ang lakas ng boses. Ramdam ko ang pag tingin ng lahat sa pwesto ko. Pumikit nalang ako dahil alam kong sunod nito ay panunukso nila.

Hindi nga ako nag kamali dahil rinig ko ang sunod-sunod nilang reaksyon.

"Hala, ano 'yan, ha. Ba't may naririnig akong Brale na usapan."

"Mag mo-moves ka ulit kay Brale?"

"I-chat mo na kase. Huwag ka ng umasa sa mga close ni Brale."

"True. Make the first move. Malay mo, kayo talaga."

"Gago ka. Nandito yung kambal, naririnig kayo."

Biglang tumayo si Stacy. "QUIET! Hindi na kayo nahiya kay Mr. Villena. Sa harap nya pa talaga pinag uusapan yung kambal nya." Tumingin sa akin si Stacy.

"Ikaw naman. Kapag oras ng klase huwag puro pag-ibig ang inaatupag—" Hindi nya natapos ang sasabihin sa akin ng putilin ito ni Drale.

"Ms. Cruz. Stop. You don't need to talk like that." Mahinahong sambit ni Drale at tumingin sa akin.

Walang mababakas na emosyon sa mukha nya, nag iwas sya ng tingin at nag simulang mag paskil ng manila paper sa board. Bumalik naman sa pag-kakaupo si Stacy.

Hindi ko talaga alam kung anong problema ng isang 'to sa akin. Hindi ko ma-gets ang gusto nya. Lagi na lang syang galit pagdating sa akin. At alam iyon ng lahat dito. Wala naman akong naaalala na inasar sya, hindi ko din naman sya inaway dati.

Kaya anong kinagagalit nito para ipahiya ako kay Drale?

Buong klase ay hindi ako nag salita. Nawala ako sa mood. Nag simulang mag discuss si Drale. Habang nag di-discuss sya sa harap hindi ko mabilang kung ilang beses kaming nag katinginan.

Meron din syang pinagawang seatwork  sa amin. Nakakainis talaga. Ang dali dali lang sa example na inexplain nya pero pagdating sa activity or seatwork ang hirap hirap na.

"I'll give you 5 minutes to answer your seatwork then we will check it. You can answer now." Si Drale.

"Gets mo ba?" Tanong sa akin ni Nicole at sumulyap sa papel ko.

Hindi ko sya pinansin at tumingin sa harap, nag taas ako ng kamay. Mukhang ayaw mag reklamo ng mga kaklase ko kaya ako nalang.

Napatingin tuloy sa akin si Drale ng makitang nakataas ang kamay ko.

"What is it Ms. Egui?" Tanong nya.

"5 minutes lang po? Tapos need pa namin i-solve? I don't think kaya po namin. 5 question din 'to. Ano yun, one minute kada isang question?" Reklamo ko sa kanya.

Agad na nag sang ayunan ang mga kaklase ko, yung iba bumuntong hininga pa na para bang iyon din ang problema nila.

Hindi ko talaga ma-gets ang ibang tao. Kung may problema pala sila bakit hindi nila sinusubukan mag tanong? Dahil ba natatakot sila? Ano namang nakakatakot sa pagtatanong? Mas maganda nga iyon dahil malalaman ng teacher mo na gusto mo talagang matuto. Kahit na naguguluhan ka.

"What do you mean, Elise? Number 2 na nga ako. Hindi mo kaya?" Bumaling sa akin si Stacy at ngumisi.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko." Walang emosyon na sagot ko sa kanya.

Rinig ko ang pag 'ohh' ng mga kaklase namin ngunit hindi ko sila nilingon.

Umayos ng tayo si Drale. Nakahalukipkip na sya habang pinagmamasdan ako. Tinaasan ko sya ng kilay at kita ko kung papaano sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Okay. I'll give you 8 minutes to answer that seatwork. No more extend." Anunsyo nya kaya nag hiyawan ang mga kaklase ko.

Sakto lang ang binigay na time ni Drale sa amin. Natapos ko agad ang pinapagawa nya ng 7 minutes. Kinuha nya lahat ng papers namin at sya ang namili kung sino ang che-chekan namin. Mukhang alam nya din ang galawan ng mga kaklase ko.

Matapos nyang ipamigay iyon isinulat nya sa board ang solving at final answer. Hindi ko maiwasan kabahan dahil baka may mali ako sa sagot ko. Pero ng lumapit ang isang kaklase ko at ibinigay sa akin ang paper ko napangiti ako ng makita ang score ko.

10/10

2 points bawat question. Solving and final answer ang sagot. Bumuntong hininga ako. Satisfied to my score.

"I'll see you again. Goodbye class." Agad kaming tumayo ng mag paalam na si Drale.

Sumulyap sya sa akin, tinanguan nya ako bago sya tuluyang mag lakad palabas. Alam kong nakita din iyon ng mga kaklase ko dahil ng makalabas si Drale sa pinto tumingin silang lahat sa akin.

Fuck.

My Mistake Confession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon