Chapter 27

56 2 0
                                    

PAGBALIK ko ng room nag pahinga ako ng ilang minuto at inalala ulit ang mga ni review ko kagabi hanggang sa dumating na ang teacher namin. Ako na ang nag present na maunang mag report para hindi na ako mas lalong kabahan pa. Dahil baka kapag huli pa ako mas do-doble ang kaba ko.

Ipinaskil ko sa board ang manila paper na dala ko at nag simulang mag report. Hindi ko nga alam kung papaano ko nakayanang mag report ng hindi nauutal kahit galing lang ako sa iyak kanina. Basta ang alam ko lang ng matapos kong mag salita nag palakpakan ang mga kaklase ko.

May pa-follow up question pa si Ma'am na lahat ay nasagot ko dahil ito ang mas pinag tuunan ko kagabi. Nakangiti si Ma'am ng masagot ko lahat ng tanong nya. Tumango tango ito habang nakatingin sa manila paper na nasa likod ko.

"Very good, Ms. Egui. Good reporting and also sa presentation. Kompleto ang nasa manila paper mo, may mga nakasulat na wala sa libro. So I guess nag research ka talaga dito." Guminhawa ang pakiramdam ko ng marinig ko iyon.

Atleast kahit papaano nakabawi ako dito. Hindi nasayang ang oras ko kagabi. Thank you, God. And Thank you, Drale.

"I'll give 100/100 score. You're exempted to our upcoming summative. You can sit now. Next presentation please." Nag palakpakan ulit ang mga kaklase ko, nakangiti kong tinanggal ang manila paper sa board bago umupo sa upuan ko.

Buong klase pakiramdam ko nasa ulap ako. Hanggang sa mag uwian na. Nag lalakad kami ni Nicole ngayon palabas ng building namin, hindi kami mag sasabay dahil may practice ulit ako kaya mauuna na naman sya.

Sinabi nyang okay lang daw dahil may mag hahatid sa kanya, tinanong ko kung sino ngunit ayaw nya namang sabihin. Hindi ko na din pinilit dahil mukhang ayaw nya talaga sabihin.

"Galing mo talaga. Halimaw ka sa reporting 'no?" Komento nya.

Inirapan ko sya. "Hindi 'no! Tinulungan din kase ako ni Drale, sya nag sulat ng manila paper ko diba? Kaya thanks to him." Sagot ko.

"Laki ng ambag nya sa'yo 'no? Kaya boto agad ako doon, e. Sigurado na ako agad na aalagaan ka 'non. Hindi ka pababayaan." Aniya.

"Paano mo naman nasabi?"

Sumulyap sya sa akin. "Dahil umiiyak ka sa kanya kapag nahihirapan ka na." Napahinto ako sa narinig.

"Alam kong mahirap kang pa-iyakin, matatag kang tao. Never ka ngang umiyak sa akin dahil sa mga problema mo, e. Mas gusto mong sarilinin lahat, pero ng makita mo lang si Drale, tapos tinanong ka lang nya kung anong problema bumuhos na luha mo. Hindi mo na napigilan kagaya ng ginagawa mo noon." Pag kwento nya.

Napaisip ako. She's right. Mga nitong nakaraang araw din napapansin ko na madalas na akong umiiyak kay Drale na never kong ginawa sa ibang tao. Umiiyak ako mag isa oo, pero sa ibang tao hindi. Sinasarili ko lang lahat.

Nahihirapan akong mag open up sa ibang tao. Pero pag kay Drale ang dali-dali. Bakit? Baka siguro dahil alam ko na sya yung taong never mang ju-judge?

Maybe...

Hindi ko din alam ang kasagutan. Ngayon ko lang din ito naramdaman.

Pagdating ko sa room kung saan kami nag eensayo si Drale pa lang ang naabutan ko doon. Lumingon sya ng bumukas ang pinto. I smiled.

"May good news ako!" Excited na sambit ko at lumapit sa kanya.

Itinigil nya naman ang pagkalikot sa electric guitar nya at itinuon ang buong atensyon sa akin. Umupo ako sa tabi nya. Natawa sya ng makita kung gaano ako ka-excited sa sasabihin na sa sobrang excited hindi ko na masabi ng tuluyan.

"Hmm? What is it." He asked.

"Perfect ko yung reporting, yung tumulong ka sa akin! Tapos exempted na din ako sa summative na darating sa subject na yun. Thank you hindi ko yun mape-perfect kung hindi dahil sa'yo." Balita ko sa kanya.

My Mistake Confession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon