Chapter 12

72 2 0
                                    

Pagtapos ng performance ko ay bumalik na din kaming lahat sa room. Mag te-text nalang daw sa amin ang coach kung sino ang napili nila kaya't hindi ko na aasahan iyon. Okay na sa akin ito na makapag perform kahit isang beses lang.

Alas quatro na ng hapon ng mag uwian. Nag lalakad kami ni Nicole sa kalsada habang sya ay kumakain ng mangga habang ako naman ay nag pho-phone. Pagod na pagod ako ngayon kahit nag lesson lang naman buong klase.

Siguro ubos na naman ang battery ko. Mentally tired. Tapos dagdagan pa yung bigat ng pakiramdam kapag uuwi sa bahay. Imbis na maging home yung bahay namin maging comfort ko, hindi ko maranasan. Problema din para sa akin ang bahay na inuuwian ko.

Ibubulsa ko na sana yung phone ko ng biglang may ma-recieve akong text sa unknown number. Kumunot ang noo ko at binasa iyon.

Unknown Number:
You did well on your performance. I know you'll win. Congrats.

Matagal kong pinagmasdan ang text bago tumingin kay Nicole. Ipinakita ko iyon sa kanya kaya tumingin sya doon.

"Ano yan?" Tanong nya.

"May nag text sa akin kaso hindi ko kilala kung sino. Binigay mo ba ang number ko sa iba?" Tanong ko sa kanya.

Wala din namang nakakaalam ng number ko kung hindi ang mga kamag-anak ko at si Nicole. Wala naman akong ibang kaibigan bukod sa kanya.

Nanlaki ang mata nya at agad nag iwas ng tingin. Kumain sya ulit ng mangga habang umiiling.

"Ha? Hindi ko alam yan, ah. Sino ba daw yan?" Inosente nyang tanong.

Pumikit ako ng mariin bago hinila ang buhok nya dahilan para matigil sya sa paglalakad. Hawak-hawak nya ang buhok nya ng humarap sa akin.

"Bakit ba?" Maang-maangan nya.

"Kanino mo binigay ang number ko?"

"Huwag kang mag alala hindi ka naman gagambalain 'non."

"Tss. Nag text sya. Ginagambala nya na ako."

"Nag congrats lang naman sa'yo, anong nakakagambala doon."

"It's creepy, Nicole."

"Hindi naman creepy. Kilala ko naman sya. Desente yung tao kaya don't worry. I-text mo din sya pabalik."

Hindi ako makapaniwalang pinagmasdan sya. "Crazy ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya. "Hindi pa naman." Sagot nya at tumawa.

Kinulit ko pa nang kinulit si Nicole habang nag lalakad kami kung sino yung pinagbigyan nya ng number ko ngunit ayaw nya talagang sabihin. Hanggang sa makarating nalang ako sa bahay ay hindi nya sinabi.

Tss.

Walang tao sa bahay nung dumating ako kaya dumiretso ako sa kwarto ko para mag bihis. After 'non ay nag saing naman ako para iintayin ko nalang sila na bumili ng ulam. Pauwi na din naman ata si Mama. Wala naman ata syang overtime ngayon.

Saktong pagtapos ko mag saing ay nakarinig ako ng kalampag sa pintuan. Sumilip ako at agad kung nakita si Papa na pumasok at lasing. Pagewang-gewang sya ng umupo sa sofa namin.

Naistatwa ako at hindi alam ang gagawin. Bigla akong kinabahan, paano kung saktan na naman nya ako? Paano kung this time wala ng tumulong sa akin? Ano na ang gagawin ko?

Nanginginig ako kaya pinagsaklop ko ang aking dalawang kamay.

"Elise!" Nanlaki ang mata ko ng tawagin nya ako.

"B-bakit?" Agad akong pumunta sa kanya dahil baka mag wala pa sya.

Nakatayo ako sa harap nya habang sya ay nakahiga na sa sofa, mukhang galing sya sa byahe ngunit hindi ko alam kung saan sya nag inom.

"Asaan ang nanay mo? Nakauwi na ba?" Lasing na tanong nya.

Umiling ako. "H-hindi pa." Sagot ko.

Dumilat sya at tumingin sa akin. "Alam mo yang Nanay mo? Nag loloko talaga yan, e. Niloloko nya na tayo!" Binato nya ang isang unan na nasa gilid nya matapos sabihin iyon.

Tumama iyon sa electric fan namin dahilan para matumba ito, lumikha ng ingay ang electric fan dahil nakasaksak ito kaya't nag madali ako para itayo ito.

Nag sisimula na akong matakot. Please. Somebody help me.

"Napakawalang utang na loob!!" Sigaw pang muli ni Papa.

Nang maitayo ko ang electric fan ay tumingin ulit ako kay Papa ngunit bago ko pa sya makita ay may tumama ng unan sa aking mukha. Napapikit ako at sinalo ang unan para hindi mahulog ito sa sahig.

"Kamukhang-kamukha mo ang Nanay mo, siguro hindi talaga kita anak. Baka anak ka sa labas. Niloloko lang ako ng Nanay mo!" Doon ako napahinto.

Umawang ang labi ko at pinagmasdan si Papa. Wow. It hurts.

Anak ako sa labas? Sigurado ba sya sa sinasabi nya? Dahil kahit hindi sya sigurado sobra akong nasaktan.

Paano nya nasasabi yan?

Paano nya nasasabing anak ako sa labas ga'yong mag kasama kami mula bata ako hanggang paglaki? Paano nya nasasabi iyon ga'yong halos sa kanya ako nakadikit nung bata ako.

"Ano bang pinag sasabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumayo sya at agad na humarap sa akin, nag lakad sya palapit kaya napaatras ako. Nanginginig ako sa takot at naiiyak na.

"Alam mo patayin nalang kaya kita ano? Para wala ng kasiyahan yang nanay mo, para iwan nya na yung putangina nyang kabit." Humagulgol ako sa narinig.

"Sige! Tama ka! Gawin mo nalang yun, Pa." Sigaw ko sa kanya.

Natigilan sya at tumingin sa akin, nakasandal na ako dito sa pader namin habang patuloy ang pag-iyak.

"Patayin mo nalang ako, Pa. Dahil hindi ko na kayang makita na ganito na kalala ang Tatay ko." Sagot ko at napaupo sa sahig.

"Putangina!!!" Galit na sigaw nya at pinaghahagis ang lahat ng gamit na makita nya dito.

Hindi ko na sya pinigilan, iyak lang ako nang iyak sa gilid habang pinagmamasdan syang mag wala.

Mas lalo pa akong umiyak ng makita kong pumulot sya ng kutsilyo, hindi ko nakita kung saan nya nakuha iyon. Agad akong naalarma kaya mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya upang makuha iyon.

Nag agawan kaming dalawa sa kutsilyo, ayaw nyang bitawan at ganun din ako. Umiiyak ako habang patuloy na sumisigaw na huminto na sya.

"Pa! Tama na!" Sigaw ko.

"Papatayin ko yun! Tangina talaga, sinira nya ang pamilya natin!" Galit na sigaw nya.

Umiling ako. "Ikaw ang sumisira ng pamilya natin!" Umiiyak na sigaw ko.

Dito na ba? Dito na ba mag tatapos ang buhay ko? Hindi ko 'manlang nakikita si Mama sa huling pagkakataon. Please, huwag nyo muna akong kunin.

"Anong ginagawa mo sa anak ko!" Natigilan lang ako ng marinig ang boses ni Mama.

Agad akong bumitaw sa hawak sa kutsilyo at gumilid. Biglang guminhawa ang pakiramdam ko. Kung mamamatay 'man ako ngayon masaya ako dahil nakita ko si Mama sa huling pagkakataon.

Lumapit si Mama kay Papa, napasinghap ako ng sampalin ni Papa si Mama ng makalapit ito.

"Putangina mo! May kabit ka hindi ka manlang nakuntento sa akin!" Galit na sabi ni Papa.

"Wala akong kabit! Siraulo ka ba?! Ako ang saktan mo at huwag ang anak natin! Tangina mo talaga. Sige, saktan mo ako. Saksakin mo. Ayan oh, hawak mo na ang kutsilyo. Itusok mo na!" Sigaw ni Mama sa kanya.

"Ma!" Natatakot na sigaw ko.

Napahawak nalang ako sa buhok ko at sumigaw ng malakas. Hindi ko na alam ang gagawin, ayaw kong makita na gawin ni Papa iyon kay Mama!

Umiyak ako at pumikit. Pinaghahampas ko ang ulo ko dahil baka panaginip lang ito. Sana magising na ako.

My Mistake Confession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon