Chapter 15

71 3 1
                                    

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong huminga ng malalim habang nag lalakad dito sa building ng mga STEM students.

Yung ibang student na nadadaanan ko ay napapatingin sa akin, yung iba naman walang pake at patuloy lang sa pagsasalita mag isa. May mga narinig akong formula na binabanggit nila kaya feel ko kinakabisado nila iyon.

Nararamdaman ko sila, ganyan din ako minsan lalo na kapag may quiz kami tapos may mga need na kabisaduhin.

Nakarating din ako sa 4th floor at agad na kumatok sa unahang pinto. Bumukas iyon at bumungad ang isang babae, member din ata sya ng banda. Ngumiti sya sa akin at binigyan ako ng daan papasok.

"Come in." Aniya.

Yumuko ako at dahan dahang pumasok, sinalubong ako ni Sir. Gomez. Sya ata yung magiging coach namin. Kompleto na ata kami at ako nalang ang kulang.

"Welcome sa banda, Ms. Egui. Ito yung mga magiging member mo, kilala mo na ba sila?" Nakangiting bungad nya sa akin.

Ngumiti ako ng marahan. "Ah, hindi pa po gaano, e." Sagot ko.

Nag lahad ng kamay ang isang lalaki. "I'm Grey. Rhythm guitarist. Tapos ito partner ko si Drale. Lead Guitarist." Nakipag kamay ako sa kanya, sunod nya namang tinulak paharap ay si Drale na kanina pa nasa likod.

"Dre, mag pakilala ka sa bago nating member." Sambit ni Grey.

Sinamaan sya ng tingin ni Drale bago tumingin sa akin. "I'm Drale. Nice to meet you." Pagpapakilala nya.

Nang mahawakan ko ang kamay nya bigla nalang akong nakuryente, mukhang pati sya ay naramdaman din iyon kaya mabilis na nag hiwalay ang aming mga kamay. Mukhang nakita din ng iba ang tensyon na namamagitan sa amin dahil biglang tumahimik.

Nag katinginan kami ni Drale, nag tataka ako bakit ganun ang naramdaman ng mag hawak kamay namin ngunit nakatingin lang naman sya sa akin na seryoso. Hindi ko tuloy malaman kung anong iniisip nya.

Umingay lang ulit ng mahinang tumawa si Grey. "Ikaw naman mag pakilala Vina." Sabi nya sa babae.

Napatingin ako sa gilid ko kung saan nakatayo ang babae, nag katinginan kami. Ako lang ata ang nakapansin na ayaw nya sa akin. Ang sama kase ng paraan ng tingin nya.

O baka ganun lang talaga ito?

I don't know. I never seen her before.

"Vina. I'm the drummer. And this is Ryu, main vocalist. Sya mag tuturo sa'yo upang mas gumanda pa ang technic natin sa banda." Aniya.

"What do you mean?" Napabaling kaming lahat kay Drale ng mag salita sya."We should all be the ones to teach her, not just Ryu. We are a band, we must help her all." Sagot nya.

Tumawa ng malakas si Grey at si Coach.

"I mean is si Ryu ang tutulong kay Elise para mag kasundo sila sa tono na gusto nila. They are the vocalist. Hindi tayo pwedeng makialam lagi dahil iba iba tayo ng position sa band na ito. May mga times na si Ryu at Elise lang ang need na mag practice." Sagot ni Vina.

Tumingin ako kay Drale, hindi nya inaalis ang tingin kay Vina. Kita ko kung papaano umigting ang panga nya bago tumingin sa akin.

Hindi na sya nag salita kaya pumagitna na sa amin si Coach. "Mukha namang magiging okay kayo sa isa't isa kaya aasahan ko ang maayos na performance ninyo. There's still 2 months to go para mag practice. We can do it!" Sigaw ni Coach at inilapag ang kamay nya sa harap namin.

Pinatungan naman iyon ng kamay ni Ryu at sumunod si Grey at Vina, ganun din si Drale kaya wala akong nagawa kung hindi ipatong din ang kamay ko.

Matapos naming mag pakilala sa isa't isa, tinuruan ako ni Grey kung papaano sila nag pra-practice. Ang sabi nya 3 times a week lang naman silang mag practice kaya hindi makaka-apekto sa pasok namin sa school.

My Mistake Confession [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat