Chapter 08

78 3 1
                                    

WALA AKONG ibang ginawa sa pag-absent ko sa school kung hindi ang mag pahinga. Tatlong araw din ata ang inabsent ko. Mabuti na lang at hindi na umabot ng isang linggo. Hindi ko na ata kakayanin pa.

Sigurado akong hindi na ako makakahabol sa mga topic sa room.

Nakangiti akong sinusuot ang tie ko sa uniform. Kulay dark blue ito na partner sa blazer ko na dark blue din. Ganito kase ang style ng uniform sa university na pinapasukan ko. Dark blue din ang palda, mabuti nalang at hindi nilang ginawang blue ang medyas dahil mag rereklamo na talaga ako sa kanila.

Sumakay ako sa jeep at nag bayad. Nag suot ako ng headset dahil ayaw ko sa maingay. Gusto ko ng peaceful na umaga ngayon dahil papasok ulit ako matapos umabsent ng ilang araw.

Ngunit nawala agad ang gusto kong peaceful na umaga ng makita ko kung sino ang sumakay sa jeep. Akala ko nung una ay si Brale ngunit ang paraan ng reaksyon nya ng mukha ay masasabi kong hindi si Brale iyon. It was Drale.

Blangko lang kase ang mukha nya ng sumakay ng jeep. Sanay na sanay ang paggalaw nya sa jeep na para bang nakailang beses ng sumakay dito. Inabot nya ang bayad sa driver. Hindi nya ako napansin kahit na mag kaharap lang kami, busy lang sya sa pag scroll sa phone nya matapos mag bayad.

Bakit naman kaya nakasakay sa jeep ito ngayon? Tuwing pumapasok naman sila ng kambal nya ay laging hatid sundo ng kotse nila. Nag hirap na ba sila bigla?

Mag katapat kami kaya't nagawa ko ulit na pag masdan ang buong mukha nya. Masasabi kong mas dark ang itsura at aura nya kesa sa kambal nya. Feel ko kapag nag kasala ka dito hinding hindi ka na papatawarin.

Parang nag tatanim ng sama ng loob ganun.

Hindi pala kami bagay nito. Ganun din kase ako, e. Nag tatanim ng sama ng loob. Ang sabi nila dapat daw ay mag kaiba kayo ng magiging partner mo para kapag nag away kayo ay may isa sa inyo na mauunang makipag ayos.

Nanlaki ang mata ko ng ma-realized ang naisip ko. Fuck. Did I just imagined him as my boyfriend?

No! Hindi.

Si Brale lang ang gusto ko. Si Brale lang dapat ang ini-imagine ko na magiging future boyfriend ko. Tama! Tama!

Sa sobrang pag-iisip hindi ko namalayan na nakatingin na pala sa akin si Drale. Nang mag tama ang mata namin ay agad akong nag iwas ng tingin. Sa sobrang lutang ko hindi ko na napansin na nakatingin na pala sya.

Napapikit ako. Nakakahiya ka, Elise!

Pero dahil tanga-tanga ako sinubukan ko pang sumulyap ulit. At naabutan ko syang pinagmamasdan ang braso ko. Kung saan nasugatan ako, ng makita nyang mukhang okay naman ay bumaba ang tingin nya sa kamay ko.

Nag salubong ang kilay nito ng makita na naka benda pa din ang kamay ko kung saan nasugatan ako. Hindi ko na sana bebendahan ngunit sariwa pa din ang sugat at nililinis ko pa din tuwing gabi kaya't hindi pa ito pwedeng hindi protektahan sa germs sa labas.

Saka masakit pa din kapag ginagalaw ngunit kaya ko naman ng tiisin yun sakit kaya okay lang.

Nang makarating ako sa university agad akong bumaba ng jeep upang hindi na kami mag kasabay pa ni Drale. Naku, hindi ko talaga bet ang presensya nya.

Pagpasok ko sa room as usual pinagkaguluhan ako ng mga kaklase ko. Tinanong kong okay na ba ako kahit obvious naman na oo. Hindi naman ako papasok kung hindi pa.

"Hep! Hep! Hep! Lumayo-layo nga kayo kay Elise, naaalibadbaran sya sa inyo. Shoo!" Pagtataboy ni Nicole sa mga nakapalibot sa akin.

Agad na nag sialisan sila ngunit binash muna nila si Nicole.

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now