Chapter 04

89 3 0
                                    

"Nakakainis talaga yung lalaking 'yon. Ewan ko ba, badtrip ako kapag naririnig ko ang pangalan nya." Dalawang araw na simula ang nakakahiyang pangyayare na iyon.

Hindi naman na kami nag kita pang muli ni Drale na laking pinag papasalamat ko. Ngunit araw-araw ko namang naririnig ang pangalan nya sa building na ito.

Paano ba naman kase mukhang mag bubukas na naman ang audition para sa singing competition. May banda kase si Drale sa school na ito. Kinakailangan nilang makabuo ng member dahil nag leave na ang dati nyang member.

Malapit na naman kase ang competition ng iba't ibang school kaya't nag papa-audition na naman ata sila bawat section. Mula grade 11 to 12. Tss.

"Bakit ba nagagalit ka 'don? Eh, kamukha yun ng crush mo, ibig sabihin ba 'non galit ka din kay Brale?" Tanong ni Nicole habang nag lalakad kami pauwi kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Ewan ko ba, kahit tanungin ko pa ang sarili ko kung bakit ba ako naiinis kay Drale ay hindi ko din masagot. Wala namang kasalanan sa akin yung lalaking iyon, hindi din naman ako ghinost 'non. Wala naman kaming past relationships pero yung inis ko sa kanya abot langit na, e.

Kulang nalang mag kita na si San Pedro at yung inis ko kay Drale.

"Ah, basta. Huwag mo nalang tanungin." Sagot ko dito.

PAG-UWI ko ng bahay naabutan ko si Papa sa sala na nag iinuman. Kasama nya yung mga kaibigan nya na lasinggero din. Namumula na silang lahat kaya't sigurado ako na kanina pa sila nag iinuman.

"Oh, nandito na pala yung anak mo pre, e." Sambit ng isa at pinagmasdan ako.

Hindi ko sila pinansin at nag tuloy lang papasok hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Agad ko itong ni lock at nag bihis. Lumabas din ako ng kwarto para kumain sa kusina namin.

Nasa harap lang ng kusina namin ang sala kaya't kitang kita ko silang nag iinuman. Nag kwekwentuhan sila about sa mga bagay-bagay na hindi ko naman maintindihan. Walang reaksyon ko lang silang pinapanood habang kumakain dahil alam ko mamaya mag wawala na naman si Papa.

Ganito na ang sitwasyon kapag lasing sya. Ilalabas nya ang lahat ng galit nya sa buhay at sa akin lagi ibubunton dahil wala naman si Mama dito.

"Pare, wala ng alak. Paano ba yan? Uwi na kami." Sambit ng isang kasama nila.

Hindi ko alam pero kinabahan ako, kapag umuwi sila mag sisimula ng mag wala si Papa. Bigla akong natakot kahit naman expected ko na. Nanginginig ang mga kamay ko ng uminom ako ng tubig. Sinubukan ko pang pumikit at pakalmahin ang sarili ko.

Bigla ko nalang gustong humiling ng isang tao na kasama ko dito sa bahay incase na mag wala si Papa sa bahay.

"Hindi. Dito muna kayo, sandali kukuha ako ng pera. Iinom pa tayo. Dyaan lang kayo. Stay put, pare." Tumawa si Papa matapos sabihin iyon at tumayo.

Lumapit sya sa akin. "Asaan ang wallet ng Nanay mo? Hihiram ako 170, ibili mo kami ng alak doon." Utos nya.

Nag salubong ang kilay ko. "Anong wallet? Dinadala ni Mama wallet nya. Bakit sa akin ka nag hahanap?" Inis na sagot ko.

"Oh, eh pahiramin mo muna ako ng 170. Bayaran ko nalang kapag bumyahe ako bukas. Dali na. Ibili mo kami ng alak, nag aantay ang ninong mo doon."

"Wala na akong pera. Sakto lang 'to sa pamasahe ko."

"Mang hiram ka nalang sa Mama mo mamaya, babayaran naman kita bukas, e. Dali na."

"Wala na nga akong pera!" Napapagod na paliwanag ko.

Halos wala na nga akong baon dahil kasya lang talaga 'to sa pamasahe ko. Kung nagugutom na talaga ako sa school bibili ako ng pagkain pero ang kapalit naman 'non ay ang paglalakad ko pauwi sa bahay.

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now