Chapter 03

95 3 1
                                    

Kalalabas lang ng first subject teacher namin kaya't mabilis na lumapit si Nicole sa akin at tumabi sa upuan ko. Nasa dulo kase sya habang ako naman ay nasa gitna. Kapag lumalabas na yung first subject namin which is advicer namin saka lang sya lilipat ng pwesto.

"Boring sa likod. Walang electric fan." Naaalibadbaran na sambit nya at sumandal sa balikat ko.

"Ano ba yan? Ang init init na nga dikit ka pa nang dikit sa akin." Singhal ko sa kanya ngunit hindi naman sya nag salita pa.

Wala pa kaming second sub kaya tumayo yung President namin na si Stacy at nangolekta ng 200.

"Yung 200 daw na bayarin sabi ni Ma'am. Sino na ba daw ang mag babayad? Lumapit nalang sa akin para mailista ko na yung pangalan." Anunsyo nya kaya't mabilis na nag lapitan ang mga kaklase namin sa kanya.

Habang ako ito nakaupo lang at pinapanood silang pumila. Narealized ko na kaonti lang pala ang mga katulad ko na estudyante na may financial problem, halos karamihan sa mga kaklase ko nakapila at handa ng mag bayad.

Madami namang tao sa buong mundo ngunit bakit ako pa ang napili ni Lord na mag karoon ng financial problem?

"Hoy, ano? Hindi ka pipila?" Tanong ni Nicole ng tumayo na sya at nag simulang pumila.

Umiling ako at nag suot ng headset. "Wala pa akong pera, e. Sakto lang 'to sa pamasahe ko buong week." Sagot ko.

Nicole rolled her eyes on me. Kinuha nya yung wallet nya sa kanyang bulsa at nag labas ng 200.

Inabot nya iyon sa akin. "Ang taas talaga ng pride mo 'no? Hindi ka manlang sumubok na manghiram sa akin. Para saan pa na naging kaibigan mo ako kung hindi kita tutulungan." Sambit nya at hinatak ako upang pumila na din.

Hindi ako nakapag salita habang nakatingin lang sa perang hawak ko at nakapila. I wonder, paano kaya ako kung wala akong kaibigan na katulad ni Nicole? Paano ko kahaharapin yung ganitong problema?

Si Nicole lang ang kaibigan ko na nag tagal sa akin. Sino ba naman kaseng makakatagal sa akin dahil napaka seryoso ko sa buhay. Kailanman hindi ko gusto ang gumala kasama ang mga kaibigan ko. Mas gugustuhin kong mag aral sa bahay kesa ang lumabas.

Kapag mababa din ang score ko sa mga quizzes meron times na hindi ko papansinin yung mga kaibigan ko dahil badtrip na ako 'non. Iisipin ko na naman kung saan ako nag kulang dahil halos lahat naman na review ko na.

Kaya siguro na bored sa akin ang mga dati kong kaibigan. Pero mas okay na din iyon, hindi ko din naman sila gustong kasama.

"Buti naman may pambayad ka na?" Stacy joked while writing my name.

Bigla akong na offend sa sinabi nya kahit maliit lang naman na bagay. Alam kong joke lang yun ngunit hindi ko ma-take. Siguro dahil totoo naman?

"I-close mo nalang ang mouth kung walang magandang sasabihin, Pres. Okay? Para hindi na mag singaw singaw." Si Nicole sa aking likod.

Mukhang naramdaman nya ata na ang offensive ng sinabi ni Stacy kaya't ito na naman sya. Ang sumasalo sa akin kapag hindi ako nag sasalita.

Nawala ang ngiti ni Stacy bago tumingin sa akin. Tumaas ang kilay nya. "Hala na-offend ka ba? Sorry." Aniya.

Ngumiti ako. "Okay lang kahit walang pambayad, atleast mataas mga score ko kesa sa President namin." Inosenteng sagot ko sa kanya bago pumirma sa aking pangalan.

Umalis ako sa harap nya habang tumatawa ng malakas si Nicole dahil sa narinig. Hindi ko na tinignan ang reaksyon ni Stacy dahil alam kong masama na ang tingin nya sa akin.

Pag-upo ko tama nga ang hula ko dahil matalim ang tingin nya. Tumingin nalang ako sa corridor upang hindi na makita ang mukha nya. Ngunit saktong pag dako ng tingin ko doon ay syang pag lalakad ni Drale kasama ang kanyang kaibigan sa corridor.

My Mistake Confession [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant