Chapter 1

19 0 0
                                    

Chapter 1

"Mommy!" malakas na tawag ni Ella sa kanyang ina habang papasok siya sa loob ng bahay. Tinawagan siya ng mommy niya habang nasa school siya at sinabing umuwi ng bahay. Hapon na iyon at dalawang subject na lang ay mag-uuwian na. Ngunit hindi na nakapaghintay ng uwian ang mommy niya at mabilis siyang pinauwi.

Kinakabahan man ay nilakasan niya ang kanyang kalooban para makarating ng bahay nila. Nararamdaman niyang mayroong hindi magandang nangyari ngunit tikom ang bibig ng mommy niya kung ano man ang bagay na iyon. Umiiyak kasi ang boses ng mommy niya ng tawagan siya nito. Mabuti na lang at walang aberya sa pagpapaalam niya sa school at pinalabas siya kaagad ng gwardya. Sa tingin niya ay alam ng mga ito ang dahilan ng pagpapa-uwi ng mommy niya sa kanya, ngunit hindi na niya nagawang magtanong pa.

Mabilis niyang tinakbo ang papasok sa loob ng kwarto ng mga magulang niya. Ngunit wala doon ang mommy niya. Ilang sandali pa at biglang may tumigil na sasakyan sa harap ng kanilang bahay. Kaya mabilis siyang lumabas. Ngunit laking panlulumo niyang hindi iyon pangkaraniwang sasakyan.

Tatlong sasakyan ang huminto sa harap ng kanilang bahay. Ang isang sasakyan ay nagbababa ng mga itim na upuan at kung anu-ano pa. Ang isa naman ay inilalapag ang isang malaking tent na gagawing silungan ng mga tao.

Gulong-gulo ang isipan ni Ella sa kung ano ang nangyayari. Bakit may dumating na ganoong bagay sa harapan ng bahay nila at inaayos ng mga hindi niya kilalang tao.

"Ano pong nangyari?" tanong pa niya sa isang lalaki na sa tingin niya ay hindi narinig ang kanyang sinabi dahil napakahina noon at halos walang boses na lumabas sa kanya.

Napatingin naman siya sa isang sasakyan na mula sa passenger seat ay lumabas ang mommy niya. Hilam ang mga mata at halos namamaga na rin dahil na rin sa matagal na pag-iyak.

"M-mommy ano pong i-ibig sabihin nito? M-mommy," nauutal niyang sambit habang hindi na rin mapigil ang pag-iyak. Lalo lang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso, at lalong naguluhan sa mga nangyayari.

"Maam iaayos na po namin ang mga gagamitin sa burol sa loob po ng bahay ninyo," ani ng isang lalaki sa mommy niya. Tumango ang mommy niya bilang sagot.

"M-mommy," tawag niyang muli sa ina at mabilis niya itong nilapitan. Mahigpit naman siyang niyakap ng ina. Doon mas lalo niyang naramdaman ang bigat na dinadala nito. "Ano bang nangyayari mommy? Naguguluhan ako, ngunit gusto kong sabihin mong panaginip lang lahat. Panaginip lang ito mommy," aniya ng makita ang larawan ng pamamaalam sa isang tarpaulin na ikinakabit ng isa sa mga tauhang nag-aayos lang ng tent kanina. Lalo lang siyang naiyak.

"Wala na ang daddy mo Ella. Habang papasok siya ng trabaho ay hindi sinasadyang nahagip ang sinasakyan niya ng isang rumaragasang ten wheeler truck. Nawalan iyon ng preno at natumbok ang sasakyan ng daddy mo. Dead on arrival sa ospital. Kahit ako, hindi ko naabutan ang daddy mo Ella. Wala na ang daddy mo," umiiyak nitong saad. Mabuti na lang at naalalayan sila ng isang lalaki at nabigyan kaagad sila ng mauupuan. Kung hindi ay baka sabay silang bumagsak ng mommy niya sa semento.

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan ni Ella sa sinabing iyon ng mommy niya. Sa nakikita niya ay nahuhulaan na niya ang nangyari. Pero bakit ang bilis naman?

Lalo lang siyang nanlumo na mula sa sasakyan ay inabas ng ilang kalalakihan ang isang gray casket kung saan doon nakahimlay ang daddy niya, at marahang ipinasok sa loob ng kanilang bahay. Kung saan doon ito mananatili bago ihatid sa huling hantungan.

Masaya lang silang nag-uumagahan kanina. Maaga siyang gumising para masabayan sa pagkain ang mommy at daddy niya. Ipinaparamdam nila na mahal nila ang isa't-isa. Walang pagsubok na hindi nila kakayanin basta magkakasama sila. Palaging sinasabi ng daddy niya na siya lang ang pinakamahalaga. Na siya ang kayamanan ng pamilya. Pero paano na ngayong wala na ang daddy niya. Paano na sila ng mommy niya?

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now