Chapter 12

8 0 0
                                    

Chapter 12

Mabilis na lumipas ang araw at ito na ang pinakahihintay ng lahat. Ang huling araw nila sa school bilang isang senior high students at sa susunod na pasukan ay panibagong yugto sa hamon ng buhay.

Habang naglalakad sa red carpet patungo sa kanilang dapat upuan ay hindi maiwasan ni Ella na isipin ang pagsisiwalat niya kay Jarred ng kursong nais niya at ang business na nais niyang ipatayo. Nangako pa ang binata na ito ang magdedesign ng building na ipapatayo niya.

Pangarap ni Ella na sundan ang yapak ng mommy niya na may boutique sa may bayan. Ngunit hindi sa ganoong paraan na may supplier, may nagdedeliver ng tahi ng damit at may nagtutungo sa tindahan para magtingin at bumili ng damit na inaangkat sa iba. Kundi ang makapagpatayo ng boutique na siya mismo ang magdedesign ng damit. Boutique na bibigyan niya ng sariling buhay at pangalan na makikilala sa merkado. Wala namang masamang mangarap. Sa panahon ngayon iyon na lang ang libre.

Dahil alam na rin nga ni Jarred ang tungkol sa bagay na iyon. At kahit malayo sa tinatahak na mundo ni Jarred ang pangarap niya, ay pinilit na agad niya itong maging kauna-unahang investor sa magiging boutique niya sa hinaharap. Hindi naman tumanggi at kasintahan at nangako ng buong pusong suporta sa kanya pagnagkataon.

"Aragon, Ella Shelley R." tawag sa pangalan ni Ella ng ito na ang tumatanggap ng diploma.

Hindi man nagkaroon ng honor ay talagang masaya si Ella ng tanggapin ang bagay na iyon. Akala niya ay hindi siya makakasama dahil sa dalawang subject niya sa Math ay talagang naghihingalo. Ngunit sa tulong ni Jarred ay nabawi niya ang napakababang marka. Hindi lang iyon basta pumatak sa line of eight. Dahil humigit pa iyon ng lima.

Mukha kasing naawa ang subject teacher niya sa kanya ng mapansing sa lahat ng estudyante ay siya lang ang napakababa sa larangang iyon kahit matataas sa ibang subject. Kaya naman bukod sa exam na ibinigay sa kanya noon ay binigyan pa siya ng special project na lubusan niyang ipinagtataka.

Halos ang pinasagutan ng guro niyang iyon ay halos nalalapit sa mga question na pinasagutan sa kanya ni Jarred. Kaya naman masasabi niyang pinaghirapan talaga niyang sagutan ang tanong at hindi pandaraya ang ginawa niya ng sagutan niya iyon sa harap ng teacher niya. Nagsikap lang talaga siya ng sobra. Dahil sabi nga practice makes perfect. Kaso na practice niya iyon ng ilan ulit kaya talagang na perfect niya tanong.

"Congratulations sa atin Ella!" malakas na tili ni Hanna ng makalapit ito sa kanya matapos ang seremonya.

Nasa tabi ni Ella ang mommy niya. Wala doon si Roi at ito daw ang tumatao sa tindahan.

Nandoon din si Jarred at ang mga kaibigan nitong si Nald at Teo.

"Mauna na kami sa inyo Ella, Tita Elizabeth. May kauting salo-salo sa bahay. Inaaya ko naman po si Ella kaso may lakad daw po kayo."

"Next time hija, may plano si Jarred na magcelebrate sa labas. Kahit nga na ako ang ina ay hindi matanggihan si Jarred at matagal na daw niyang plano iyon para kay Ella. May magagawa ba ako, kung surprise party daw iyon," bulong ni Elizabeth kay Hanna, na parang may alam rin sa bagay na iyon. Kaya lang qy hindi ito makakasama kay Ella dahil, syempre, family first than anyone else. Busy naman si Ella sa pakikipag-usap kay Jarred kaya naman hindi sila napansin ng dalaga.

"Ayos lang tita, alam naman ninyong deds na deds yang si Jarred kay Ella ninyo. Hindi ko naman po masisisi. Kita naman niyo. Manang mana sa inyo ang beauty."

"Ikaw talaga Hanna. Congratulations ulit hija."

"Thank you po. Ella una na ako sayo hinihintay na ako ni mommy at daddy sa sasakyan. Sayang lang talaga. Pero may susunod pa naman. Bye Ella, Jarred, Nald at sa inyo po tita," ani Hanna ng mapasipol si Jarred at Nald dahil nito nabanggit si Teo.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now