Chapter 53

9 0 0
                                    

Chapter 53

Sa ilang araw na kasama ni Jarra ang ina ay parang mas lalo nilang napapansin ang mabilis na paglakas ng bata. Hayon nga at nagagawa na nitong maglakad sa may pasilyo at sa garden ng ospital na hindi kinakailangan ng alalay ng iba. Si Ella naman ay maayos na rin ang kalagayan. Iyon nga lang, hindi pa rin pwede kay Ella ang pwersahang mapagod at magtagal na lumakad at nakatayo.

Nakatulog na si Jarra sa mga oras na iyon. Si Ella naman ay nakaupo lang sa couch na nasa loob ng silid na inuukupa ni Jarra. Wala doon ang mommy niya. Bumisita naman ito sa boutique nito. Isinama nito si Nay Angela. Sa tingin ni Ella ay nahihimigan niyang pinakikiusapan ng mommy niya na magstay na lang dito ang mag-ina. Kung mapapapayag man ng mommy niya sina Nay Angela at Maric ay mas magiging pabor sa kanya. Pamilya ang turing ng mag-ina sa kanya, ganoon din naman siya sa mga ito.

Napatunghay si Ella sa may pintuan ng may kumatok. Umaasa siyang si Maric iyon na umuwi lang sa bahay nila para kumuha ng gamit nila. Ngunit agad din siyang napakunot noo ng ang bumungad sa kanya mula sa pintuan ay isang bungkos ng mga bulaklak na hawak ng isang lalaking, oo nga at natatakipan ng bulaklak ang mukha ngunit sa amoy pa lang ng pamango nito ay kilala na niya kung sino ito. Si Jarred.

"Good morning sweetheart, flowers for you," masayang saad ni Jarred ng makalapit ito sa pwesto niya.

Pinagmasdan niya ng maayos ang binata sa loob ng ilang linggo mula ng maalala niya ang lahat ay hindi tumigil si Jarred sa pagsuyo sa kanya. Hindi niya alam kung tama pa bang pagbigyan nila ang isa't isa, sa kabila ng sakit na naranasan nila sa bawat isa. Hindi talaga niya alam ang sagot. Pero hindi niya maiaalis na totoong mahal niya si Jarred. Hindi sa nagpapakipot siya, gusto pa rin niyang timbangin ang lahat.

"Hindi ka na dapat nag-abala. Malalanta lang iyan masasayang. Sayang ang pera. Gastos lang ang mga ganyang bagay. Ang perang ibinibili mo ng nga bagay na pwede namang mabulok, matuyo at masira makalipas ang ilang araw ay maaari ng ipandagdag sa pagpapagamot ng, ng anak natin," halos hindi niya masabi ang huling salita. Ngunit alam niyang kahit papaano ay napapasaya niya si Jarred tuwing sasabihing anak nila si Jarra at hindi kanya lang.

"Promise sweetheart, it will be the last. Pero kahit hindi ganoon kaya kong suportahan ang pagpapagamot ng anak natin. Walang ibang mas mahalaga sa akin kundi ikaw at si Jarra."

Naupo naman si Jarred sa tabihan ng dalaga ng paupuin siya nito. Napasulyap naman siya sa kanilang anak. Sobrang laki na ang ipinagbago nito. Hindi na maliit tingnan si Jarra. Mataba na ito. Nagkaroon na ng umbok ang pisngi ng anak nila. Nagkalaman at sa tingin niya ay tumangkad na ito. Bukod sa vitamins na binigay ng doktor ni Jarra ay umiinom na rin ng gatas si Jarra. Bagay na noong nalaman ni Ella ay ikinaiyak ng dalaga.

Hindi kasi nabibilhan ni Ella ng tamang gatas ang anak. Powdered milk na hindi ayon sa edad ni Jarra ang nabibili ni Ella. Hindi rin palaging nakakainom si Jarra dahil sa halip na gatas ang mabili ay sa pagpapacheck up at gamot ni Jarra napupunta ang perang kinikita ni Ella sa probinsya. Bagay na lalong ipinanlumo ni Jarred. Napakaswerte niya kay Ella. Kahit nahihirapan lumalaban para kay sa anak nila.

"Jarred," napatingin naman siya ng tawagin ni Ella ang pangalan niya. "Gusto kong bayaran sayo ang lahat ng ginastos mo sa akin sa ospital. Alam kong hindi ko kakayanin kaagad ngunit gusto ko pa ring bayaran ka."

Shock. Iyon talaga ang rumehistro sa mukha ni Jarred sa narinig mula kay Ella. "No need sweetheart. Hindi na kailangan."

"Pero gusto ko," may diing saad ni Ella na hindi malaman ni Jarred kung paano pipigilan si Ella sa sinasabi nito.

"Mukhang seryoso usapan ninyo ah," mapanuksong saad ni Maric ng bigla itong pumasok sa loob ng silid. May dala itong mga damit nila. Iniabot din ni Maric kay Ella maliit nitong pouch. Iyon ang gamit niya noong nasa probinsya siya. Naiwan niya iyon sa bahay ni Jarred noong umalis siya bago siya naaksidente. Noong maalala naman niya ang lahat ay sumama siya kay Jarred para kunin ang mga gamit niyang naiwan sa bahay nito.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon