Chapter 46

9 0 0
                                    

Chapter 46

Mula ng araw na nagkaroon ng malay si Ella ay nagsimula na rin ang therapy nito. Nagkaroon kasi ng problema sa pagsasalita ni Ella dahil na rin sa nangyari sa ulo nito. Pero hindi naman iyon ganoong kalala. Kaya madadala talaga sa therapy.

Sa bawat araw na lumilipas ay sinusubukan na sanayin ni Ella ang pagsasalita niya sa tulong ng doktor na umaalalay sa kanya. Ang mga parte naman ng buto ni Ella na nagkaroon ng crack ay unti-unti ng naaayos. Ganoon din ang mga sugat at gasgas na nakuha ng kanyang katawan ay naghihilom na rin. Wala na rin ang gasgas sa mukha ni Ella. Kaunting peklat na lang ang naroon at ilang panahon na lang ay mawawala na rin iyon.

"Ella kumain ka na muna, mamaya lang papasok na ulit ang nurse na magpapainom ng gamot mo. Bilisan mo ang gumaling ha," nakangiting saad pa ni Jarred na nagpabilis ng pagtibok ng puso niya.

Tulad ng sabi sa kanya ni Jarred na magkasintahan sila ay nararamdaman naman niyang tunay iyon. Ngunit pakiramdam niya ay may kulang pa rin.

Sa mga araw na lumilipas ay hindi malaman ni Ella kung bakit may parte sa puso niya na parang hungkag ang kanyang pakiramdam. Hindi niya kayang bigyan ng pangalan kung ano iyon. May kulang sa puso niya na hindi niya masabi kung ano. Kahit sabihing busog naman siya sa atensyon, pag-aalaga at pagmamahal ni Jarred.

"Jarred, tayo lang ba talaga ang magkasama? Wala ba akong ibang kamag-anak? Para kasing may kulang sa buhay ko na hindi ko kayang ipaliwanag," nginitian naman ni Jarred si Ella. Ngiting sasapat lang para iparating sa dalaga na masaya siya na gising na ito.

"Mayroon syempre, sa ngayon kailangan mo munang magpagaling hinihintay ka rin nilang gumaling. May mga bagay kasi na nagpadulot sayo ng stress. Kaya ayaw nilang magtanong ka kung sino sila, bakit ganito bakit ganyan. Kaya sa ngayon tayo lang munang dalawa ang magkasama. Unless nananawa ka na sa pagmumukha ko. Ayaw mo na ba akong makita?" may halong pagtatampo pa sa boses ni Jarred kaya naman natawa na lang si Ella.

"Hindi sa ganoon. Sige na nga hindi na ako maghahanap ng wala. Pero sana maalala ko na rin ang lahat. Siguro namimiss na nila ako. Na gusto nila kung makita ko sila naaalala ko na sila. May mga magulang pa ba ako?"

Halos malunok ni Jarred ang sariling dila sa tanong na iyon ni Ella. "Syempre naman sweetheart nandyan pa ang mommy mong nagmamahal sayo," ani ng kanyang isipan.

"Oo naman palagi kang binibisita ng mommy mo. Kaya lang nakatulog ka na or natutulog ka pagdumarating siya dito. Mas gusto niyang hayaan ka na lang magpahinga para daw mas mabilis kang gumaling. Busy kasi ang mommy mo kaya naman hindi siya makapagstay dito. At syempre responsibilidad na kita buhat ng magpasya tayong magpakasal kaya naman ako lang palagi ang nandito sa tabi mo," pagsisinungaling niya.

"Mommy ko? Ang daddy ko? Hindi ba niya ako dinadalaw?" inosenteng tanong ni Ella.

"I'm sorry sweetheart, your daddy left you. When you're thirteen years old."

"Ganoon ba?" para namang madudurog ang puso ni Ella sa kaalamang iyon. Matagal na palang wala sa tabi niya ang daddy niya. Pero ngayon hindi niya maalala.

"Thank you Jarred kasi palagi kang nandito sa tabi ko at hindi mo ako pinababayaan. Salamat sa pagmamahal," nakangiting saad pa ni Ella na halos hindi malaman ni Jarred ang dapat isagot sa dalaga. Sobra kasi siyang nahihiya kay Ella. Wala itong kaalam-alam na siya ang dahilan kung bakit ito nasa ospital ngayon.

Oo nga at si Kisha ang nagsabi ng mga dahilan para gawin ni Ella ang bagay na iyon. Pero kung hindi niya ginawa na ilayo si Jarra sa dalaga ay hindi aabot sa puntong gagawin ni Ella ang magpakamatay.

Nahulog na lang si Jarred sa malalim na pag-iisip. Hindi niya alam kung may puwang pa siya sa puso ni Ella pagnaalala nito ang lahat. Gusto niyang saktan ang sarili dahil sa pagsisinungaling na ginagawa niya. Napakadami na niyang nagawang kasalanan kay Ella. Mula pa noong maghiwalay sila at hanggang ngayon na nawalan ito ng alaala. Hindi deserve ni Ella ang lalaking katulad niya. Wala siyang kwenta. Pero alam niya sa sarili niyang mahal niya si Ella. Kaya niya nagawa ang bagay na iyon dahil bulag siya sa pagmamahal sa dalaga.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now