Chapter 38

8 0 0
                                    

Chapter 38

Pagkalabas ng condo ni Kisha ay mabilis na hinayon ni Jarred ang elevator. Nagtungo kaagad siya sa kotse niya sa inis na nararamdaman sa kasintahan. Wala na sana siyang balak bumalik pa ng opisina ngunit sa nangyari ay wala siyang ibang balak puntahan, kundi ang ubusin ang oras sa loob ng opisina niya. Ayaw niyang makaharap muli si Kishasa mga oras na iyon at baka kung ano ang magawa niya sa dalaga. Wala naman si Nald at Teo dahil nasa probinsya pa rin ang mga ito.

Pagdating ng alas syete ng gabi ay umalis na rin si Jarred ng opisina niya, at tinungo ang isang bar. Ayaw niyang umuwi sa bahay niya ng ganoong kaaga. Lalo na at alam niyang madaratnan lang niya doon si Ella.

"Sir," ani ng bartender ng ibaba nito ang alak na order niya.

"Thanks."

Habang lumilipas ang oras ay unti-unti na rin siyang tinatamaan ng espiritu ng alak.

Hindi niya alam kung nakailang order siya ng hard liquor, ang alam lang niya sa mga oras na iyon ay nalalasing na siya.

"You okay sir? Gusto po ba ninyong itawag ko kayo ng taxi?" alok ng bartender ng mapansing lasing na siya.

"Thanks, but no thanks, I have a car. I can manage," sagot pa ni Jarred sa nag-aalalang bartender.

"But sir,"

"Thanks for the concern. I can drive."

"Okay sir. Pero hayaan po ninyo akong ihatid ko po kayo sa sasakyan ninyo. Ibibili ko na rin po kayo ng kape sa malapit na convenience store. Tapos po pag medyo okay na po kayo ay saka na lang po kayo magmaneho."

"Sounds better."

Inalalayan si Jarred ng bartender. Matapos siyang maideposito sa driver seat ay umalis ito para bumili ng kape. Madaling araw na rin sa mga oras na iyon kaya kahit maingay sa loob ng bar ay ingay na lang ng ilang sasakyan ang kanyang naririnig sa labas.

"Sir kape n'yo po. Papasok na rin po ako sa loob ng bar. Baka po mapagalitan ako pag napansin ni manager na nawala ako sa pwesto ko."

"Take this," ani Jarred ng abutan nito ang bartender ng limang libo.

"Para saan sir? Napakalaki naman po nito."

"Tip, minsan lang akong makakilala ng taong concern sa kapwa niya na walang hinihinging kapalit."

"Sir tatanggpin ko po ito. Kailangan ko po talaga ng pera sa ngayon. Pero hindi ko po ito inaasahan. Kaya po salamat po talaga."

"Walang problema."

Napasunod na lang ng tingin si Jarred sa bartender na papasok muli sa loob ng bar. Napangiti pa siya ng maalala ang mga mata nito kanina na kitang-kita niya ang sobrang kaligayahan sa isang simpleng bagay.

Napatingin pa siya sa kalangitan. Nandoon ang ilang bituin na kumikinang. Hindi naman niya akalaing malalasing siya. Ang balak lang niya ay uminom para marelax ang isipan niya. Pero hindi niya mapigilang magalit, nang paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang sinabi ni Kisha.

'Bakit hindi mo na lang sila pabayaan at hayaang mamatay ang anak niya!?'

Iba ang dating sa kanya ng katagang iyon. Hindi niya kayang mangyari ang sinasabi ni Kisha. Parang pinipiga ang puso niya pagnaiisip ang bagay na iyon.

Nang maubos niya ang kape ay nagmaneho na siya pauwi ng bahay. Habang binabagtas ang kahabaan ng daan ay mas lalo niyang nararamdaman ang pagkalasing.

Nasa tapat na siya ng gate ng bahay at hindi niya alam kung paano bubuksan iyon. Alam naman niyang tulog na si Manang Lena ng biglang bumukas ang gate.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now