Chapter 18

12 0 0
                                    

Chapter 18

Halos alas singko na ng hapon ng marating ni Ella ang bayan ng San Nicholas. Nakita niya iyon sa huling arko na nadaanan nila. Maliit lang na bayan iyon. Halos madami pa ang kanyang nadaanang mga kagubatan na pwedeng idevelope at pagtayuan ng iba't-ibang establishment.

Maganda din kung makakapagpatayo ng mall na maaaring pagmulan ng trabaho ng mga tao roon. Napangiti na lang si Ella. Sa lugar na iyon walang makakakilala sa kanya. Walang may alam sa totoong nangyari sa buhay niya. Alam niyang mahirap mamuhay ng mag-isa. Ngunit kakayanin niya. Gusto din niyang dumating sana ang panahon na makalimot siya sa masasakit na alaala ng kahapon. At mamuhay ng normal. Malayo sa mga taong nakakakilala sa kanya.

Tumigil na rin ang bus sa pinaka terminal doon. Kaya naman nagmadali na rin siyang bumaba. Bitbit ang maleta niya ay nag-iikot siya sa lugar kung saan pwede siyang may mapagtanungan kung saan siya pwedeng makahanap ng matutuluyan. Ngunit parang ilang ang mga tao doon sa kanya.

Saka lang niya napansin ang suot niya. Hindi bagay sa lugar. Hindi naman kasi siya nagsusuot ng ganoong kaikli at kasexy na damit napilitan lang talaga siya. Hindi na rin naman siya nakapagpalit ng damit.

Naghanap muna si Ella ng public toilet para naman kahit papaano ay maging maayos siyang tingnan.

Paglabas nita ng banyo ay naka suot na lang siya ng ripped jeans at t-shirt na bagay naman sa rubber shoes na suot niya. Nakahinga siya ng maluwag na kahit galit ang mommy niya sa kanya ay iyong maaayos na damit ang nakalagay sa kanyang maleta. Bukod pa doon ay may nakita pa siyang nasa thirty thousand pesos na nakapaloob sa mga gamit niya. Kahit galit ang mommy niya sa kanya. Alam niyang inaalala pa rin siya nito. Kaya naman kay sa maiyak ay natuwa na lang siyang meron siyang pandagdag panggastos.

Lumakad na siya ng lumakad at halos padilim na pero wala pa rin siyang nakikitang paupahan. Hindi naman siya pwedeng magstay sa hotel. Oo nga at mas mura sa probinsya kay sa Maynila. Pero sa sitwasyon niya kailangan niyang magtipid. Hindi pang hotel ang perang mayroon siya.

Hindi tuloy niya alam kung saan siya tutuloy sa mga oras na iyon. Nagugutom na rin siya. Pasalamat na lang at noong nagstop over ang bus na sinasakyan niya ay may sumakay na nagtitinda ng burger at bottled water na siyang naging pantawid gutom niya.

Sa oras na iyon wala na ang dating Ella. Kaya kahit ano na lang ang pwedeng pamatid gutom ay kakainin niya.

Naglalakad si Ella ng hindi niya mapansin ang isang babae kaya nabangga niya ito. Nabitawan ng babae ang dala nitong timba at ang bilao na may lamang gulay.

Sobrang gulat na gulat naman si Ella sa nangyari. Nagtalsikan kasi ang kamatis na laman ng timba. Ang talong at kangkong na laman ng bilao ay natapon din. Kung paninda iyon ay mukhang hindi na pwedeng ibenta. Pero kung lulutuin na kaagad ay mapapakinabangan pa.

"Sorry, sorry," paulit-ulit na sambit ni Ella habang tinutulungang makatayo ang babae. Sobra talaga siyang hiyang-hiya dito.

Napalingap na lang sa paligid ang babae at hinanap kung saan na napunta ang mga gulay na bitbit nito.

"Sorry ulit talaga," ulit ni Ella. Kahit hindi naman nagsasalita ang babae.

Hindi niya alam kung galit ba ito sa kanya. O ano. Pero kitang-kita niya ang panlulumo sa mga mata nito.

"Sorry talaga hindi ko sinasadya. Paninda mo ba iyan?" para namang nagliwanag ang mga mata ng babae ng itanong niya kung paninda iyon.

"Oo eh. Bibili ka ba? Naku mura lang naman itong mga paninda ko. Kahit medyo nagkaalikabok na ay pwede pa naman itong maluto. Alin ang gusto mo?" mabilis na tanong ng babae na parang hindi magkainitindihan kung paano siya aalukin.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora