Chapter 39

10 0 0
                                    

Chapter 39

Halos hindi malaman ni Ella ang gagawin ng maramdaman niyang mayroon siyang katabi sa kama. Nagpapanic na siya lalo na at nakakaramdam na siya ng takot. Hindi niya alam kung nasaan siya sa mga oras na iyon. Wala siyang maalala sa nangyari. Maliban sa napakasakit ng buo niyang katawan at ang pagitan ng hita niya.

"Masakit," bulong pa niya.

Doon lang niya napagtanto ang lahat ng nangyari sa nagdaang gabi. May nangyari sa kanila si Jarred, at sigurado siya doon.

Inilibot niya ang paningin sa kabuoan ng kwarto. May malamlam na ilaw na bukas sa loob. Sa labas naman ay medyo madilim pa.

"Jarred," anas niya sa isipan. Dahan-dahan siyang umalis ng kama para hindi magising si Jarred. Mahimbing kasing natutulog ang binata.

Mabilis namang nagtungo ng kwarto niya si Ella. Doon mas lalo niyang naalala ang nangyari. Bawat salita at bawat detalye. Ibinuhos na lang niya ang lahat ng sakit na kanyang nadarama sa pag-iyak. Naalala niyang lahat ang masasakit na salitang binitawan ni Jarred.

"Alam ko Jarred alam ko. Magpapakalayo-layo ako, kami ni Jarra. Ibalik mo lang sa akin ang anak ko," pagsusumamo niya. Kahit siya lang naman ang nakakarinig.

Matapos maligo at maayos ang sarili ay bumaba na ng kusina si Ella ngunit hindi pa siya nakakarating sa loob ng kusina ay isang malakas na sampal na kaagad sumalubong sa kanya. Napaupo pa siya sa sahig ng itulak siya ng babaeng sumampal sa kanya papasok ng kusina.

"Ano? Masarap?" bungad kaagad ni Kisha sa kanya na ipinagtaka niya. "Ngayon magmamaang-maangan ka? Di ba sayo 'to?" sabay taas ni Kisha ng bra na alam niyang sa kanya nga.

"H-hindi ganoon mam."

"Anong gusto mong sabihin? Wala lang iyon? Hindi ako tanga! Naabutan kong natutulog si Jarred sa kwarto niya habang itong bra mo pakalat-kalat sa sahig kwarto niya! Ano iyon naiwan mo lang basta? Lumuwag kaya nalaglag? Malandi ka! Inakit mo si Jarred!" sigaw si Kisha ng bigla nitong sinabunutan si Ella.

Wala sa bahay si Manang Lena sa mga oras na iyon. Nang dumating si Kisha ay saktong palabas ito ng bahay para mamalengke. Dahil alam ng matanda na kasintahan ni Jarred ang dalaga ay hinayaan na lang ito na basta na lang maglabas pasok sa bahay na iyon. Hindi rin naman sila makikita ni Jarred dahil hanggang ngayon natutulog pa ito.

"Nagkakamali ka mam. Hindi ganoon."

"Anong tingin mo sa akin bulag at hindi ko nakikita at nararamdaman na may gusto ka pa rin sa boyfriend ko! Ano ibinigay mo iyang katawan mo para mabawi mo sa akin si Jarred? Hindi ako makakapayag. Iniwan mo na siya noon kaya wala kang karapatan na mabawi siya ngayon. Hindi ako papayag na magamit mo pa ang anak mo sa ibang lalaki para lang mapalapit ulit sa lalaking mahal ko. Akin lang si Jarred! Sa akin lang siya Ella, tandaan mo yan," galit na saad ni Kisha habang patuloy na sinasabunutan si Ella.

Hindi na rin mapigilan ni Ella ang pag-iyak. Nasasaktan na rin siya sa ginagawa ni Kisha sa kanya at sa pagbibintang nito. Oo nga at mali ang nangyari sa kanila sa nagdaang gabi. Pero hindi niya iyon sinasadya. Lasing si Jarred kaya hindi niya ito napigilang gawin ang nais nito. Pero hindi siya nagbigay ng motibo. Nagkakamali si Kisha sa sinasabi nito.

"Tama na!" pakiusap ni Ella ng makalmot ni Ella ng hindi sinasadya ang braso ni Kisha kaya nabitawan siya nito.

Napaatras si Ella patungo sa may sink para makalayo kay Kisha. Kahit sabihing may kasalanan din siya dahil hindi niya napigilan si Jarred sa nais nito, ay mali pa rin na pagbintangan siya ni Kisha na inakit niya si Jarred.

Magulo ang buhok at hilam ang mga mata ni Ella. Habang ang pisngi ay basang-basa ng mga luha, dahil sa labis na pag-iyak.

"Nga pala Ella, may gusto akong sabihin sayo. Wala ng dahilan para magstay ka dito sa bahay ni Jarred. Alam kong iyon lang ang dahilan kaya dikit ka ng dikit sa boyfriend ko. Pero dahil wala ng dahilan pwede ka ng umalis."

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon