Chapter 24

9 0 0
                                    

Chapter 24

"Ano pong sa inyo nay?" tanong ni Ella sa ginang na tumitingin sa mga prutas. Napasulyap pa rin si Ella kay Maric na madaming mamimili na nagtatanong ng presyo ng mga gulay.

Mula ng naging maayos ang kanyang kalagayan after manganak kay Jarra ay sumama na siyang muli kay Maric sa pagtitinda.

"Magkano iyang lychee ninyo?"

Napatingin naman si Ella sa lychee dalawang lychee na nakabungkos sa may likuran. Kung tutuusin ay mapapansing hindi na pambenta iyon. Pero iyon pa rin ang napansin ng ginang.

"Naku maam pasensya na po. Hindi po kasi pambenta iyan. Nabili lang po namin iyan doon sa may dulong prutasan. Wala po kasi kaming nakuha na deliver niyan at nagkaubusan na kaagad."

"Ganoon ba sayang naman."

Nakita pa ni Ella ang malaking panghihinayang ng ginang. Alam niya ang pakiramdam ng may gusto ka, pero hindi naman pwedeng ipilit pa.

"Heto na lang ubas at mansanas."

Matapos niyang maibalot ang binili ng ginang ay kumuha siya ng isang tangkay ng lychee sa isang bungkos. Mayroon naman iyong anim na bunga kaya hindi na rin masama.

"Naku hija wag na," tanggi pa nito.

"Babalik pa po ba kayo sa dulo?"

"Hindi na pauwi na rin ako."

"Ganoon naman po pala. Tanggapin na po ninyo ito. Anim na piraso lang naman po."

Hindi na rin naman tumanggi pa ang ginang lalo na at ipinagpilitan niya iyon. Naging masaya naman siya sa labis nitong pagpapasalamat. Kung baga sa simpleng bagay na nagawa niya. Parang ang laking bagay na sa iba. Napalingon pa siya sa natitirang lychee doon. Madami pa naman iyon. Siguradong matutuwa ang kanyang anak.

"Hoy Ella," sita ni Maric sa kanya. "Itago mo na iyang lychee ha. Para sa inaanak ko yan. Hindi naman sa pagdadamot. Nakapamigay ka na goods na iyon. Yang itago mo na ha. Baka wala na tayong maiuwi. Siguradong malulungkot na naman ang batang 'yon," natatawang saad ni Maric ng makatanggap sila ng mensahe mula sa ina.

Bigla namang nanlumo si Ella sa narinig. Ngunit kailangan niyang lakasan ang loob. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob sa ngayon.

Nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay si Ella. Ang natanggap nilang mensahe ni Maric mula kay Nay Angela ay may sakit si Jarra. Kaya naman maaga silang nagsara ni Maric ng tindahan. Sa halip na alas singko ng hapon ang pagsasara nila ay alas kwatro pa lang nagligpit na sila.

"Nay," sigaw ni Ella ng makapasok siya sa loob ng bahay. Si Maric naman ay naiwan pa sa labas at nagbabayad pa sa tricycle na kanilang nasakyan.

Halos takbuhin ni Ella ang papasok sa loob ng kwarto sa labis na kaba. Pangalawang beses na iyon sa buwang iyon.

"Kumusta po si Jarra nay?" nag-aalala niyang tanong at mabilis na dinaluhan ang anak.

"Nasa may teresa lang naman kami kanina at wala namang bumibili ng mapansin kong habang siya ay naglalaro ay namumutla na naman. Tapos ng lapitan ko. Ayan nilalagnat na naman. Pero napainom ko na kanina ng gamot.  Kaya siguro nakatulog, ay guminhawa ang pakiramdam pagkatapos pagpawisan," paliwanag ni Nay Angela.

Hinaplos pa ni Ella ang noo ng natutulog na anak. Maputla na naman nga ang labi nito. "Ano pong gagawin ko. Parang nadadalas na ang pagkakaroon ng sakit ni Jarra. Noong nakaraan baka lang sa pabago-bagong panahon. Pero bakit sobrang dumadalas naman yata. Ikalawang beses na ito ngayon sa buwan. Tapos ay hindi pa nangangalahati ang bilangan?"

"Dalahin na natin sa ospital si Jarra Ella. May naipon naman ako," sabat ni Maric na kapapasok lang sa kwarto.

"Tama si Maric Ella. Hindi pwedeng baliwalain ang sakit ng aking apo. Aba ay habang lumalaki si Jarra ay pakiramdam ko nawawala ang sigla niya. Parang palaging pagod kahit wala namang nakakapagod. Sa paglalaro niya ay hindi ko naman hinahayaang maglalabas at hindi ko mahahabol agad yan pag tumakbo ay baka makalayo," paliwanag ni Nay Angela.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon