Chapter 51

10 0 0
                                    

Chapter 51

Wala namang gaanong sasakyan sa mga oras na iyon kaya mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan ang ginawa ni Jarred. Halos tawagin niya ang lahat ng santo, para lang ipanalangin ang kaligtasan ni Ella. Nandoon ang malaking takot sa puso niya. Dalawa lang kasi ang pwedeng kahinatnan ng lahat ang mahanap niya ng ligtas si Ella at ang bagay na ayaw niyang mangyari dahil hindi niya kakayanin ang bagay na iyon.

Narating ni Jarred ang bungad ng beach na sinasabi ni Nald at Teo. Kaya mabilis niyang ipinasok ang sasakyan doon. Madilim pa rin sa mga oras na iyon kahit sabihing sumisilay na ang liwanag.

"Ella," mahina niyang bulong habang bumababa ng sasakyan. Wala siyang makitang tao sa lugar na kinalalagyan niya.

May ilang cottages doon na agad niyang sinadya kung may makikita siyang tao. Ngunit lahat ng mga iyon ay wala.

"Nasaan ka na Ella? Please sweetheart magpakita ka," pagsusumamo ni Jarred sa hangin na wari mo ay maririnig ni Ella.

Naglakad pa siya palapit sa dagat ng may sumabit na kumot sa paa niya. Dinala niya iyon sa may bato sa pangpang. Inilibot pa niyang muli ang paningin sa kabuoan ng dagat ng may mahagip ang kanyang mata na maliit na bulto ng kung sino man dahil sa napakalayo nito mula sa pwesto niya dahil halos nasa gitna na ito ng dagat.

Doon biglang binalot ng kaba si Jarred. Mabilis niyang tinungo ang dagat. Habang lumalalim ang dagat dahil sa pagtaas ng tubig ay mas lalo niyang napapatunayang si Ella ang babaeng nasa gitna ng dagat.

Hindi niya malaman kung gaano niya kabilis nilangoy ang pagitan nilang dalawa. Ngunit sa lakas ng alon ay nadadala din siya pabalik kaya nahihirapan siyang makalapit kay Ella.

Bigla na lang siyang natigilan ng marinig niya ang pagsigaw ni Ella.

"Hindi! Ella! Sweetheart! Nandito ako. Oh! God!" sunod-sunod na saad ni Jarred na kahit nahihirapang labanan ang hampas ng alon ay pinipilit niyang suungin ito, para lang maabot si Ella.

Lalo lang siyang nasindak ng makita niyang natabunan si Ella ang malaking alon dahilan para tuluyan na itong mawala sa tubig.

Doon na mas binalot si Jarred ng kaba. Gusto niyang maiyak at mawala ng pag-asa. Ilang dipa na lang ang layo niya kay Ella pero hindi pa siya nakakalapit lumubog na si Ella.

"Ella! Ella! Sweetheart! Oh God, please help me."

Kahit napapagod na siya sa ginawang paglalangoy sa dagat ay ginawa pa rin niyang sisirin ang ilalim ng tubig sa abot ng kanyang makakaya. Dahil na rin sa pagod ay sampung segundo lang ang itinagal niya sa ilalim.

"Ella!" malakas niyang sigaw, ng magulat na lang siyang bigla na lang may malaking bagay na humampas sa kanya gawa ng malakas na alon na agad din niyang nasalo.

"Ella," hindi niya mapaniwalaang sambit habang hawak niya dalaga. Wala itong malay pero ramdam niya sa pulso nito na nawalan lang ito ng malay. Walang ambang panganib dahil normal ang paghinga nito. Hindi niya alam ang dahilan, pero masayang-masaya siya dahil ligtas si Ella sa mga oras na iyon.

Kahit napapagod na rin ay pinilit ni Jarred na makarating ng pangpang. Halos pakiramdam niya ay mawawalan siya ng malay sa mga oras na iyon.

Nasa ibabaw niya si Ella at halos ayaw niyang bitawan ang dalaga. Naghahabol pa siya ng hininga ng unti-unting umungot si Ella. Siguro ay dahil sa nahihirapan ang dalaga sa pwesto niyo. Kaya naman marahan niya itong inilapag sa kanyang tabi. Ipinaunan pa ni Jarred ang kanyang braso para maging komportable si Ella.

Maliwanag na ang kalangitan at tumatama na rin ang init ng sikat ng araw sa kanilang balat. Pero walang pakialam si Jarred. Ang mahalaga kasama na niya si Ella at ligtas ito.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now