Chapter 13

6 0 0
                                    

Chapter 13

Habang nag-eejoy si Ella sa panonood ay naramdaman na lang niya ang paghawak ni Jarred sa kanyang kamay. Kaya naman napabaling siya ng tingin dito.

Sinalubong siya kaagad ng kasintahan ng isang mabilis na halik sa labi. "May makakita sayo," saway niya kaagad.

Binigyan lang naman siya nito ng napakagwapong ngiti. Ang ngiting humuli sa kanyang puso. Ang ngiting kinahumalingan ng mga nagdaang relasyon nito.

Kaya naman kahit sabihing manliligaw pa lang niya si Jarred noon ay may pagsinta na siya dito.

"Napakagwapo talaga ng boyfriend ko," bulong pa niya kay Jarred, na ikinangiti nito.

"At ikaw naman po miss. Ikaw lang ang pinakamagandang babaeng nakikita ng mata ko, pati nito," itinuro pa ng binata ang kanyang puso. Mahal na mahal talaga niya si Ella.

Muli silang magfocus sa panonood. Napansin naman ni Jarred si Elizabeth na nasisiyahan sa pinapanood ngunit may kailangan siyang ipagpaalam sa ginang.

"Tita, pwede ko na bang isama si Ella?" nahihiyang tanong pa ng binata. Hindi tuloy niya alam kung papayagan siya ng mommy ni Ella.

"May surpresa ka na naman ba kay Ella?" nahihiya man ay napatango na lang siya.

"Sige habang busy kami. Alam mo namang parang anak na ang turing ni Roi kay Ella. Magtatampo ang tito niya pagnalamang hindi namin kasamang umuwi si Ella. Pero dahil ikaw naman ang kasama ni Ella. Sige na itakas mo na ang baby ko. Ingat kayo ha," sagot ng ginang kaya naman napangiti si Jarred.

"Yes po tita. Bukas ko na po ng hapon ibabalik si Ella."

"Anong bukas?" wala ng nagawa si Elizabeth ng hindi na siya pansinin ni Jarred.

"Ang mga kabataan talaga," nasambit na lang ng ina.

Napakunot noo naman si Ella ng dahan-dahan siyang hinila ni Jarred mula sa pagkakaupo. Wala namang nakapansin sa kanila. Kaya naman patuloy lamg siyang hinila ni Jarred palabas ng hall na iyon. Nagmamadali pa amg binata na tila ay excited pang makaalis sa mga oras na iyon.

Ngunit hindi din nila napansin ang mga matang kanina pa sa kanila ay nagmamasid. Mga matang may paghahangad at pag-aasam. Mga matang puno ng lihim at pagkukunwari.

"Hindi pa tapos," nakangusong saad ni Ella na wala man lang idea kung saan siya dadalahin ni Jarred.

Nang makalabas sila ng hall na iyon ay hinila naman siya ni Jarred sa may parking lot. Nagtataka at naguguluhan naman siya kung saan sila pupunta ng buksan ni Jarred ang pintuan ng passenger seat.

"Aalis ba tayo? Nag-eenjoy pa ako sa panonood eh," reklamo niya.

"Wag kang mag-alala mas mag-eenjoy ka sa pupuntahan natin sweetheart. Promise kung hindi ka matutuwa sa pupuntahan natin ibabalik kita dito at manonood na lang ulit tayo. Hmm," malambing na saad ni Jarred, kaya sumang-ayon na lang siya. Kahit sa loob niya ay sayang iyong panonood niya sa tumutugtog ng piano. Minsan lang siya makakita ng ganoon.

Tumingin na lang siya sa labas ng bintana  at hindi na nagreklamo pa si Ella. Alam naman niyang hindi na niya mapipigilan si Jarred na nais nito. Tingin pa niya ay napakaexcited ng kasintahan sa kung saan man sila dadalhin nito ngayon. Ayaw niyang sirain ang magandang araw. Lalo na at wala namang mas sasaya pa sa pagkakataong magkasama sila ni Jarred.

Napailing na lang si Ella na ang lugar na sinasabi pala ni Jarred ay ang condo nito. Ayos lang din naman sa kanya. Kung masaya si Jarred na makasama siya sa lugar na iyon ay wala naman siyang reklamo doon.

Ngunit pagbukas niya ng pintuan, dahil iyon ang iniutos sa kanya ni Jarred ay sobra talaga siyang namangha sa nakita. Hindi din niya mapigilang maluha.

"Ikaw ang nag-ayos nito?" sobrang saya niyang tanong na ikinatango lang ni Jarred bilang sagot.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon