Chapter 3

12 1 0
                                    

Chapter 3

"Ano yan?" nagtatakang tanong ni Ella habang nakatingin sa bulaklak at teddy bear na may yakap pang chocolate na hawak ni Hanna. Itinapat kasi ng huli, iyon sa kanyang mukha at halos wala ng espasyo sa pagitan nila. Kaya naman medyo itinulak niya si Hanna.

"Flowers and bear na may hawak na kasweetan for you. Galing sa masugid mong manliligaw. Not far, not near, pero nasa kabilang pader," napahagikhik pa si Hanna sa sinasabi nito sa kanya.

Napaikot naman ni Ella ang bolang itim ng mata dahil sa sinabing iyon ng kaibigan. Wala namang ibang masugid na manliligaw na nasa kabila ng pader kundi si Dave.

Mabait, matalino at gwapo si Dave. Nasa kabilang section lang ito. Mula ng makagraduate si Jarred ay bigla na lang nagsulputan ang napakadami niyang manliligaw. Lahat naman ay binasted niya. Ni isa wala siyang pinagbigyang sagutin. Si Dave lang ang natirang makulit.

Busy siya sa pag-aaral, na totoo naman. Iyon ang palaging sagot niya sa mga ito. Kasabay noon ang paghawak niya sa pendant na singsing na bigay ni Jarred.

"Sayo na lang," pagtanggi niya.

Napanguso naman si Hanna. "Ang tagal ng nanliligaw sa iyo noong tao Ella hindi mo pa rin ba mapapagbigyan?"

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Ella bago hinarap ang kaibigan. "Hanna wala sa tagal o bilis ng panliligaw ang basehan para sagutin ng oo ang isang tao. Nandito," aniya at itinuro pa ang dibdib sa tapat ng kanyang puso. "Ni minsan ay hindi ko binigyan ng chance si Dave. Sinabi ko na kaagad ang nararamdaman ko noong simula pa lang. Isa pa napakabata pa natin."

"Matanda ako sayo ng isang taon."

"Okay, ikaw. Fifteen pa lang ako Hanna. Pero isang lalaki lang naman ang gusto kong sagutin," aniya na parang kinikilig pa.

"Wait. What? Ibig sabihin?"

Mabilis na tumango si Ella kaya naman napatili si Hanna. Tumakbo palabas ang kaibigan. Hindi niya alam kung saan ito pupunta kaya hinayaan na lang niya at muling bumalik sa ginagawa.

Ilang minuto pa ay bumalik muli si Hanna, dala pa rin ang flowers at bear na galing kay Dave.

"Akala ko ibinalik mo na yang kay Dave. Bakit dala mo ulit pabalik?"

"Kasi sinabi kong may boyfriend ka na. Kaya naman, kay sa naman daw masayang ay sa akin na lang ito," masayang saad ni Hanna na ikinailing niya.

"Pero sabi ni Dave kung pwede daw pagbigyan mo siya sa isang date," napakunot noo naman si Ella dahil sa sinabi nito.

"Akala ko ba okay lang kay Dave. Pero bakit may pag-aaya ng date?"

Inilapit naman ni Hanna ang bibig sa may tainga ni Ella at bumulong. "Kasi may pustahan sila ng mga barkada niya pag hindi ka niya maiidate hanggang bukas, lahat ng allowance ni Dave mapupunta sa barkada niya. One month allowance din yon ang it's a deal. Kaya sana daw pagbigyan mo siya. Isa pa kasama din ako, chaperone. Sa kabilang table lang para naman daw hindi ka mailang. Pagbigyan mo na."

Napaisip naman si Ella. Wala naman sigurong masama isa pa busy din naman si Jarred sa trabaho nito ayon sa pagkakaalam niya. Dahil wala itong paramdam isang linggo na.

"Sige, mamaya, basta kasama ka ha. Hindi mo ako iiwan sa ere."

"Promise," aniya at iniwan na naman siya ng kaibigan at nagtungo na naman sa labas.

Alas sais ng hapon ng magtungo sila sa isang fine dining restaurant. Sa labas pa lang ay kitang-kita nila ang karangyaan. Hindi maiipagkaila na mayaman si Dave para dalahin siya sa lugar na iyon. Kasama naman niya si Hanna. Mabuti na lang at may sundo si Hanna kaya nagpaderetso sila sa bahay nila para makapagpalit ng damit. Pinahiram na rin niya si Hanna ng masusuot nito. Magtatagal pa kasi pag-uuwi ito sa kanila.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now