Chapter 19

7 0 0
                                    

Chapter 19

Halos nasa mahigit dalawang linggo na rin ang nakakalipas bago mahimasmasan si Jarred. Nandoon pa rin ang sakit, pangungulila at pagkabigo. Pagkabigong dulot ng unang pag-ibig na kanyang pinahalagahan at iningatan. Hindi naman kasi kaagad mawawala iyon na para lang uling sa mukha at pinahid mo ay may matitirang bakas. Ngunit pagnilinis mo gamit ang tubig at sabon mawawala na. Hindi ganoon ang pagmamahal na ibinuhos niya sa maling babae. Ang babaeng basta na lang nagtapon sa buong puso niyang pagmamahal. Kaya pa nga niyang ipagmalaki na napakaswerte ng babaeng iyon sa kanya. Pero ngayon, wala na, hindi na. Hindi mangyayari ulit ang pagpapakatangang ginawa niya.

Masakit na iniwan siya ni Ella, iyon ang katotohanan. Na kahit magmakaawa pa siya ay ipinagtabuyan siya nito. Ang nagbago lang naman sa loob ng dalawang linggo ay ang pagtanggap niya na wala na si Ella sa kanya. Na hindi na ito magiging kanya. Kahit magmakaawa pa ito at umiyak sa harapan niya o lumuhod para balikan niya. Hindi na niya ito kayang tanggapin pa. Iyon ang paulit-ulit na sumasagi sa kanyang isipan. Hanggang sa magising siya isang araw na hindi paglunod sa alak ang dapat niyang gawin. Kundi ang magmove on.

Sa puso at isipan niya ay hindi niya mapapatawad si Ella. Ganoon niya kinasusuklaman ang dalaga. Kaya naman mula ng mahimasmasan siya sa ilang araw na paglulunod ng sarili sa alak at sa pang-aabuso sa katawan gawa ng walang tulog at ligo, ay napagpasyahan niyang ibangon ang sarili. Hindi lang ang tulad ng walang kwentang pagmamahal niya kay Ella ang magpapabagsak sa kanya. Hindi lang si Ella ang babae sa mundo. Iyon ang itinatak niya sa puso at isipan niya ngayon.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo Jarred? Hindi ka na ba namin mapipigilan?" tanong ni Teo habang nakatingin sa kaibigan at umiinom.

Nasa isang bar sila ngayon. Hindi para magpakalunod sa alak. Kundi para lang magchill at magrelax para sa isang padispedida.

"Wala ka na bang balak magpapigil pa?" ani Nald sabay tungga ng alak na nasa baso nito.

Mula ng magkakilala silang tatlo mula pa noong unang tapak nila sa university mula pa noong high school ay hindi na sila nagkahiwa-hiwalay. Magkakasama sila sa kalokohan at kagipitan. Hanggang sa magkolehiyo silang tatlo.

Noong kumuha si Jarred ng business management course ay kumuha din ang dalawa. Kaya ng nalipat ito sa engineering ay sinundan din ng dalawa. Kaya naman hanggang sa magtrabaho sila ay magkakasama. Ngunit dahil lang sa isang pangyayaring walang matibay na dahilan. Nagbago ang lahat.

Sa ilang araw na paglalasing at paggising ni Jarred na parang wala ng bukas, at sa payo ng dalawang kaibigan. Napagpasyahan ni Jarred na mangibang bansa. Para lang muling itayo ang puso niyang nalugmok sa lusak. Wala namang masama kung aalis siya. Dahil pati ang mga magulang niya ay pabor sa nais niyang gawin.

"Wala namang magbabago kung magstay ako dito di ba? Pareho lang din. Pakiramdam ko nga ang sikip na ng mundo ko ngayon dito," sagot naman ni Jarred.

Patuloy lang sila sa pagkukwentuhan ng hindi sinasadya ay mabanggit ni Teo ang tungkol kay Ella.

"Sorry, pero nasabi lang naman iyon sa akin ni Hanna. Hindi na niya macontact si Ella. Isa pa nalaman ko ding wala na si Ella sa kanila. Not sure for the whole truth. Pero base sa isang kapitbahay na nakarinig sa sigawan ng mag-ina. Pinalayas ni Tita Elizabeth si Ella."

Napahugot ng malalim na paghinga si Teo habang ikinukwento ang bagay na iyon kay Jarred. Ngunit matigas ang kaibigan. Alam niyang galit ito kay Ella dahil mahal nito ang dalaga. Pero sa mga oras na iyon ay pinipilit ni Jarred na mawala ang pag-aalalang nabubuhay dito.

"Hayaan na natin siya. Malamang sumama na iyon sa lalaki niya. Nakakapanghinayang lang. Kung alam ko lang na ganoon palang klaseng babae siya. Sana hindi na lang ako nagtiis ng ilang taon. Kung gagaguhin lang din pala niya ako. Sana ako na ang naunang nanggago. Total naman at nakakabit naman iyon sa pangalan ko. Sa totoo lang natapakan ang ego ko sa ginawa sa akin ng babaeng iyon. Pasalamat na lang siya at hindi ko na ulit siya nakita mula ng araw na iyon at baka kung ano pang magawa ko sa kanya," paliwanag ni Jarred.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt