Chapter 25

8 0 0
                                    

Chapter 25

Mula sa pagkakaidlip ay nagmulat ng mga mata si Jarred. Halos nasa anim na oras na silang nasa byahe ngunit hindi pa rin nila nararating ang lugar kung saan siya dadalahin nina Nald at Teo. Nakadalawa na rin silang stop over, kaya nakakapagtakang sobrang layo naman ng lugar. Matagal pa ang byahe nila ngayon kay sa ang magbyahe mula Maynila hanggang sa Japan. Kung sasakay ka sa eroplano, ay ibang bansa pa iyon. Ngayon ay nasa teritoryo pa rin naman sila ng Pilipinas ngunit pakiramdam niya  ay patungo na sila sa kabilang panig ng mundo.

"Saan ba talaga ang punta natin? Surprise my a*s. Sabihin n'yo na kasi. Parang hindi ako kapartner sa pagbabayad niyang lupang sinasabi ninyo na private property. Maganda ba talagang pagtayuan ng mall?" curious na tanong ni Jarred na parang siguradong, sigurado ang dalawa.

"Oo naman. Ito iyong property na sinabi namin sayo noong last na punta namin ng Japan para dalawin ka. Sa tagal ng panahon ay wala man lang naglakas loob na magtayo ng malalaking establishment sa lugar. Hindi mayaman ang karamihan sa mga tao doon. Pero civilized naman sila. Sabi nga kulang lang ng kaunting push ang lugar para magglow.

"Oh. Eh saan nga iyan. Pa-suspense?" may pagkasarkastikong saad ni Jarred na ikinatawa naman ng dalawa.

Alam naman niya ang balak ng dalawang kaibigan. Kahit hindi siya gumagalaw dahil nasa malayo siya ay sa lahat ng plano ng mga ito basta makapagpatayo ng negosyo ay kasama siya. Sila ang business minded na mga engineers. Total naman ay nakapag-aral silang lahat ng about business. Isama pa dyan na talaga namang may mga negosyo ang pamilya nila. Gusto lang talaga nilang sila ang gagawa ng itatayo nilang negosyo. Kahit nagtatrabaho silang mga engineer. Ay kumukuha din sila ng architectural course para naman makompleto na ang kanilang kaalaman. Bago pa man mangyari ang lahat kay Jarred at Ella ay nakatapos na rin sila ng sabay-sabay sa bagong kurso na nakuha.

"Atat lang. Okay sa Barbara sa bayan ng San Nicholas," pag-amin ni Nald.

"What the fvck!? Anong masamang hangin ang sumapi sa inyong dalawa at talagang doon pa ninyo naisipang bumili ng property at magtayo ng negosyo? Kaya pala ayaw ninyong sabihin sa akin ang lugar na iyon? Sobrang layo na noon sa Maynila," hindi makapaniwalang saad ni Jarred kaya nailing na lang ang dalawa.

"Kaya nga hindi namin sinabi sayo, kasi alam naming ganyan ang magiging reaction mo. Come on Jarred. Mas magandang magsimula ng negosyo sa mga maliliit na bayan. Lahat ng mga bayan sa Barbara naiisip mo bang doon na lang sila magtutungo. Isa pa ang mga kalapit probinsya ng Barbara, doon din nila maiisipang pumunta kasi iyon lang ang magiging malapit na mall sa lugar nila. Sino ang gagastos ng malaking halaga para lang makarating ng Maynila para lang mag mall. Wala. Kaya naman iyon talaga ang naisip naming plano ni Nald. Ayaw mo?" may paghahamon sa tono ng pananalita ni Teo.

Napatingin lang din siya sa unahan habang doon din nakatingin ang dalawa nasa back seat siya ng mga oras na iyon. Si Nald ang nasa driver seat at si Teo ang nasa passenger seat.

"May magagawa pa ba ako. Syempre wala. One is to two ang ratio. Paano ako mananalo."

"Para dyan, pwede ka namang manalo. Sa budgetan pwedeng two is to two. Doble ang ilalabas mong pera kay sa aming dalawa ni Nald. O di ba ang galing ko," pagmamalaki pa ni Teo.

"G*go sabihin mo."

Natawa na lang din siya sa kalokohan ng dalawang kaibigan. But infairness tama din naman ang mga ito. Magsisimula sila sa mga malalayong probinsya para ang mga kalapit probinsya nito na ang mahihikayat na magtungo sa mall na iyon.

"Natahimik ka na? Sabi ko sayo eh tama lang ang desisyon namin ni Nald."

"Oo na. Naniniwala na ako sa inyong dalawa. Gaano pa bang kalayo tayo sa Barbara?

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now