Epilogue

20 0 2
                                    

Epilogue

Isang buwan na ang nakararaan mula ng magkaayos ng tuluyan si Jarred at Ella. Isang buwan na ring ang mabilis na lumipas para sa panliligaw muli ni Jarred sa dalaga. At dahil nga mahal naman ni Ella, patatagalin pa ba niya? Sinagot niya ang binata. Ngayon ay tatlong araw na sila ni Jarra na nakatira sa bahay ni Jarred. Tatlong araw ng masaya at buo ang kanilang pamilya.

Hindi naman gaanong nag-aalala si Ella sa Mommy Elizabeth niya dahil sa kasama nito sa bahay. Hindi na umuwi ng probinsya sina Nay Angela at Maric. Naging regular ng empleyado ng mommy niya ang mag-ina sa boutique nito.

Ang bahay naman nina Maric sa probinsya ay naging paupahan tulad ng unang plano sa isang bahay na unang tinuluyan ni Ella. Sa pinakabahay naman nina Maric ay sina Nald at Teo ang nakatira.

Walang kasama si Ella sa bahay ni Jarred sa mga oras na iyon. Sumama si Jarra sa mommy niya ng mangako itong ipapasyal ng mommy niya ang kanyang anak. Si Jarred naman ay may trabaho sa opisina nito. Habang si Manang Lena ay namamalengke.

Nasa garden si Ella sa mga oras na iyon habang nagbubungkal siya ng lupa. Nagtatanim siya ng mga bulaklak na pinabili niya kay Jarred.

"Konte na lang matatapos ko na," aniya ng makarinig ng pagbukas ng gate.

Napatayo siya ng mula sa may gate ay pumasok ang isang sasakyan na hindi pamilyar sa kanya. Nagtuloy ito sa may garahe.

Mula doon ay bumaba ng sasakyan ang isang ginang na sa tingin ni Ella ay kasing edad lang ng mommy niya. Mula naman sa driver seat ay bumama ang may edad na lalaki.

Halos mapalunok si Ella ng mapansin ang mukha ng dalawang taong nakatingin sa kanya. Ang babae ay halos hawig ni Jarred habang ang lalaki ay nakikita na niya ang itsura ni Jarred pagtumanda ito.

Tiningnan siya ng ginang mula ulo hanggang paa at pabalik. Ganoon din ang ginawa ng ginoo.

"Where is Jarred?" may awtorisadong tanong ng babae na hindi malaman ni Ella kung bakit parang nalunok niya ang dila niya. Kinakabahan siya.

"W-wala po dito si J-Jarred. N-nasa o-opisina p-po m-ma'am," nauutal pang saad ni Ella.

Pinilit ni Ella na makaatras sa may upuang semento dahil kung magtatagal siyang nakatayo ay parang mabubuway siya. Nanginginig ang kanyang tuhod, nawawalan siya ng lakas.

"Mabuti kong ganoon. Ayaw kong may makakaalam na kinausap ka namin. Ikaw talaga ang sadya namin. Ikaw si Ella di ba?" Napatango na lang si Ella. Hindi niya kilala ang mag-asawa maliban sa alam niyang ito ang mga magulang ni Jarred dahil kamukha ito ng binata.

Kung kanina ay halos panlambutan na siya ng tuhod nga makita ginang at asawa nito. Lalo na ngayong siya pala mismo ang pakay ng mga ito. Nagsimulang maglakad palapit sa kanya ang mag-asawa.

"Oh! Why I'm so rude. Bago ko nga pala makalimutan, ako si Reina ang mommy ni Jarred at ito ang aking asawa si Javier," saad ng ginang na naupo sa bakanteng upuan sa tapat ni Ella at ganoon din ang asawa nito.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nakarating sa aming mag-asawa na may ibinabahay na ang aming anak at may anak pa. Totoo ba ang balitang nakarating sa aming ng asawa ko?"

Naumid yata ang dila ni Ella dahil sa tanong na iyon ni Mr. Javier. Paano ba siya sasagot? Kung kailan naman nag-iisa siya ay saka naman biglang sumulpot ang mga magulang ni Jarred.

Totoo namang may anak siya. Pero anak nila iyon ni Jarred at pinatunayan iyon sa kanya ni Jarred ng ipakita nito ang resulta ng DNA test ng kanyang mag-ama. Na labis naman niyang ipinagpasalamat. Sa kabila ng dagok na pinagdaanan niya ay masaya pa rin siyang malaman na totoong anak ng lalaking pinakamamahal niya ang kanyang si Jarra. Dahil doon mas napadali ang recovery niya sa trauma.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now