Chapter 35

9 0 0
                                    

Chapter 35

Habang hinihintay ang pagdating ng doktor ay matiim lang na nakatingin si Jarred kay Ella. May kung ano sa puso niya na hindi niya kayang maipaliwanag. Awa? Iyon talaga ang totoong naramdaman niya kay Ella.

"Sweetheart," bulong niya sa isipan at inalala ang mga pagkakataong kanya pa ang dalaga. Napahilot pa siya sa sentido. Hindi niya kayang pigilan ang sarili. Nilapitan niya si Ella at hinaplos ang maganda nitong mukha. Ipinikit niya ang mga mata. May kung anong tuksong nagtulak sa kanya para halikan ang dalaga sa noo.

"Ella," gusto talaga niyang malaman ang lahat ng nangyari dito sa nakalipas na mga taon. Hindi naman niya alam kung anong magiging desisyon niya sakaling malaman niya ang totoo. Pero sa nakikita niya kay Ella kailangan talaga nila ng malinaw na pag-uusap. Kailangan niyang malaman ang lahat.

Ilang sandali pa at dumating na rin ang doktor na siyang susuri kay Ella. Una nitong tiningnan ang vital signs ni Ella. Everything is normal. Ikinuwento rin ni Manang Lena ang totoong nangyari bago nawalan ng malay si Ella. Nakikinig lang naman si Jarred na mas lalong nagpaigting ng kagustuhan niyang malaman ang lahat-lahat sa dalaga.

Napailing na lang siya sa isiping, bakit ba gustong-gusto niyang alamin ang lahat? Handa na ba siyang malaman kung sino ang ama ng anak ng babaeng minsan ay minahal niya. Ang sagot ay hindi niya alam.

Alam din naman ni Jarred na g*go siya. Pero sa tingin niya mas g*go ang lalaking nakabuntis kay Ella. Tapos matapos nitong makuha ang lahat sa babaeng dating minahal niya. Iniwan lang ito kasama ng anak nito.

Nagulat pa si Jarred ng makarinig ng pagtikhim. Medyo malayo na rin pala ang narating ng kanyang isipan.

"Dok kumusta siya?"

Nakamasid na lang sa kanila si Manang Lena at mariing pinapasadahan ang natutulog na si Ella. Maayos na rin naman ang damit nito. Dahil makatapos niyang tumawag ng doktor ay tinawag siya ni Jarred para palitan ng damit si Ella.

"She's fine. Pero tulad ng sinabi ninyo na reaksyon niya sa isang bagay na wala namang kakaiba lalo na at isang tanong lang naman. I think she needs a medical attention."

"What do you mean doc?"

"I'm not sure kahit sabihing doktor ako. Maraming pagsusuri ang kailangan niyang pagdaanan. I think she's suffering from a trauma. A thing, a words or even a question just what you say. Pwedeng magpa-trigger sa pinagdaanan niya. Basta kausapin ninyo siyang mabuti. Isa pa peace of mind. Makakatulong iyon sa kanya. Higit sa lahat ilapit ninyo siya sa doktor na bihasa sa larangang iyon."

Matapos ang ilan pang paalala ay nagpaalam na rin ang doktor. Inihatid naman ito ni Manang Lena hanggang sa makalabas ng gate.

Doon dahan-dahang nilapitan ni Jarred ang natutulog na si Ella. Mas malinaw na niyang nakikita ngayon ang pugto at ang malalim na itim na nakapalibot sa mata ng dalaga. Halatang walang maayos na tulog at palaging umiiyak. Alam niyang may kasalanan siya. Inilayo niya dito si Jarra. Pero isa lang naman ang gusto niyang malaman ang katotohanang dahilan kung bakit basta na lang siya iniwan ni Ella.

"Don't you trust me Ella? Siguro nga manhid ako para maging bulag sa pinagdaanan mo. Pero nasaktan lang din naman ako. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit mo nagawa na iwan ako. Paliwanag lang Ella, pipilitin kong intindihin ang mga bagay-bagay. Isa pa pangako isang matinding rason lang Ella ibabalik ko sayo ang anak mo at hindi na kita guguluhin pa," pagkausap pa ni Jarred sa natutulog na si Ella.

Alas dos na ng madaling araw ng magising si Ella. Masakit ang kanyang ulo at pakiramdam niya ay gusto niyang masuka. Kahit sobrang sama ng pakiramdam ay pinilit niyang takbuhin ang banyo. Isa lang naman ang dahilan kung bakit siya nasusuka, dahil nalipasan siya ng gutom.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon