Chapter 43

8 0 0
                                    

Chapter 43

Nasa kusina si Roi sa mga oras na iyon at naghahanda ng hapunan nila ni Elizabeth. Ilang taon na rin ang nakalipas ng sila na lang dalawa ng asawa ang nakatira sa bahay na iyon. Sa katunayan ay nanghihinayang siya ng paalisin ni Elizabeth ang anak nito. Wala naman siyang nagawa para pigilan si Elizabeth sa nais nito. Nailing na lang siya sa panghihinayang ng maalala ang mukha ni Ella.

"Hon gutom ka na? Patapos na rin ako dito," tawag pa ni Roi. Ngunit sa halip na sumagot ay hinayon na lang ni Elizabeth ang kusina. Nasa may salas kasi siya at nagpapahinga. Masyadong madaming customer kanina sa boutique kay ramdam na ramdam niya ang labis na pagod.

"Mahinintay ko pa Roi. Salamat sa pag-aalaga mo sa akin. Pagnapapagod ako at hindi ko na nagagawang magluto, ikaw ang gumagawa ng lahat."

"Wala iyon sa akin. Simpleng pagtulong ko lang ito sayo. Kaya nga sinasabi ko sayo noon na sana hindi mo pinaalis ang anak mo. Di sana ay may nauutusan ka sa ganitong pagkakataon."

"Huwag na nating alalahanin ang wala dito sa bahay Roi. Wala siyang sinasabi na dahilan kung bakit siya nagkaganoon. Kaya paano ko siya maiintindihan. Siguro ay nagsasaya iyon sa piling ng lalaking ipinagpalit niya sa binatang iyon. Nakakapanghinayang lang at iniwan niya si Jarred. Napakabait pa namang bata."

Hindi na lang nagbigay ng komento si Roi. Kahit papaano ay masaya siya sa nangyari. Hindi niya akalaing hindi talaga magsasalita si Ella. Higit sa lahat hanggang ngayon ay hindi pa rin napapansin ni Elizabeth ang kawalan niya ng trabaho. Lahat ng perang pumapasok sa bahay na iyon ay lahat pinaghirapan ni Elizabeth, at siya? Butihing asawa sa paningin ng babae. Napangisi tuloy siya ng palihim.

May bahay siyang natutuluyan, may magandang buhay. Kaya wala na siyang mahihiling pa sa masayang buhay niya ngayon. Hindi na siya naghihirap kahit hindi man sobrang yaman, lahat ng kapritso niya ay naiibigay naman ni Elizabeth. Kahit ang minsang paglabas niya kasama ang ibang babae ay naiibigay ng asawa ng hindi nito nalalaman.

"Maghahayin na ako hon tapos na ito," malambing pang saad ni Roi ng patayin nito ang apoy ng niluluto.

Inalalayan pa ng lalaking makaupo si Elizabeth sa upuan sa harap ng lamesa. Akmang magsasandok na si Roi ng kanin sa rice cooker ng makarinig sila ng pagkatok sa pintuan.

Nagkatinginan pa silang mag-asawa. "Hindi mo naisara ang gate?" nangingiti pang saad ni Roi kaya napakamot na lang sa ulo si Elizabeth.

"Hindi eh, mabuti na lang nailock ko ang pintuan."

"Ayan sinasabi ko sayong ako na ang magsasara. Mahirap na baka may makapasok na iba dito sa bahay. Mabuti kong kasama mo ako, paano kung nagkataong umalis ako at masamang tao ang kumatok. Huwag kang basta-basta magbubukas ng pintuan, ha. Ako na ang titingin kong sino iyon. Mabilis lang ako," ani Roi kaya napasunod na lang ng tingin si Elizabeth sa asawa.

Isang buntong hininga pa ang pinakawalan ni Elizabeth. Sa katunayan, nagiging defense mechanism na lang niya ang lahat ng masamang sinasabi niya tungkol sa anak. Sa katunayan miss na miss na niya si Ella. Pag may pinupuntahan si Roi, palihim niyang ipinapahanap si Ella. Nagbabayad siya ng malaking halaga sa imbestigador para mahanap ang anak. Ngunit tumagal nang tumagal at inabot ng taon. Hindi niya nahanap si Ella.

Bigla namang napatayo si Elizabeth ng makarinig ng sigawan sa labas.

"Hayop ka! Wala kang kasing hayop! P*patayin kita!" nanggagalaiting sigaw ni Jarred habang kinukubabawan si Roi at walang tigil sa pagsuntok sa mukha nito.

Pagbukas kasi ng pintuan ay hindi na nakabwelo si Roi ng mabilis itong sugurin ng suntok ni Jarred. Nawalan ng balanse si Roi kaya ito natumba at nagawa ni Jarred ang nais niyang gawin sa lalaki.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now