Chapter 37

10 0 0
                                    

Chapter 37

Nakatulala lang si Ella sa isang gilid sa may hardin habang inaalala na naman ang anak. Hindi na naman niya mapigilan ang kanyang mga luha sa nagbabadyang pag-agos nito. Pakiramdam niya ay kakambal na ng buhay niya ang pag-iyak dala ng labis na sakit, lungkot at nakaraang nakaukit na sa katauhan niya.

Halos nasa isang linggo na rin mula ng ipakita sa kanya ni Jarred ang video ni Jarra na umiiyak at nakita pa niya ang tilamsik ng dugo na hindi niya malaman kung saan nanggaling. Ang huli lang niyang natatandaan ay ng itulak ng girlfriend ni Jarred ang anak niya. Pagkatapos noon naputol na ang video. Hindi niya alam kung anong nangyari kay Jarra sa mga oras na iyon. Bagay na mas lalo niyang ipinag-alala sa anak.

Sa video na iyon ay hindi naman niya maunawaan kung nasaan ang anak, palagi na lang kasing madilim o malamlam ang liwanag tuwing nakikita niya sa video si Jarra. Kaya ang huling iyon ay hindi niya alam kung saan.

Bilang ina ay sobrang sakit sa puso niya ang kanyang nasaksihan, habang naririnig na tinatawag siya ng anak. Pakiramdam niya ay parang unti-unting hinihiwa ang kanyang puso para mas maramdaman niya ang sakit.

Mula ng araw na iyon ay wala na siyang naging balita pa kay Jarra. Naging tikom ang bibig ni Jarred sa mga tanong niya. Hindi ito nagsasabi kong maayos lang ba ang anak niya o ano. Dahil tuwing nagtatanong siya, iba ang nagiging sagot nito. Bagay na lalong nagbigay takot sa kanya. Kahit anong pagmamakaawa niya sa lalaki ay wala itong ibinibigay na sagot.

"Ella," tawag sa kanya ni Manang Lena kaya mabilis niyang pinalis ang luhang nag-uunahan na naman sa kanyang mga mata. Napatayo rin siya kaagad mula sa pagkakaupo at hinarap ang matanda.

"May ipag-uutos po kayo? Pasensyahan na po kung medyo napatigil po ako. Tapos ko na po kasi ang ipinagagawa po ninyo," may pagmamadali niyang saad na nginitian lang ng matanda.

"Wala naman. Nakita lang kasi kitang tulala na naman at umiiyak kaya nilapitan na kita. Pasensya ka na Ella wala din akong makuhang sagot kay Sir Jarred. Hindi ko naman mapilit sa mga tanong ko. Lalo na at matanda na ako, pero kailangan ng pamilya ko ang perang sinasahod ko dito."

"Naiintindihan ko po kayo manang. Malaking tulong po sa akin na nandito po kayo. Kahit po papaano, lumalakas ang loob ko," mahigpit na yakap mula kay Manang Lena ang natanggap ni Ella. Bagay na mas lalo niyang ikinaiyak. Pero kahit papaano ay nakakagaan sa  pakiramdam niya.

Samantala, nasa condo lang ni Kisha si Jarred ng araw na iyon. Inanyayahan kasi ito ng dalaga na doon na lang kumain ng lunch lalo na at nagluto ito.

Hindi ganoong kagaling magluto si Kisha kaya naman tuwing inaanyayahan siya nito ay pinagbibigyan na lang niya. Kay sa mag-away silang dalawa.

Nakangiting inilapag ni Kisha sa lamesa ang sinigang na hipon. Itinuro pa ng yaya niya kung ano ang sangkap at kung paano niluluto ang putaheng iyon. Simple lang naman, pero sa tulad niyang ngayon pa lang nag-aaral magluto ay nahihirapan siya.

"Masarap?" saad ng dalaga na hindi mapigilan ang matamis na ngiti.

Napatango naman si Jarred habang humihigop ng mainit na sabaw. "Pwede na."

Napanguso naman si Kisha sa narinig. "Ang daya naman. Pwede lang ba talaga?"

Napailing naman si Jarred sa reaksyon ni Kisha. "Biro lang masarap."

"Totoo?"

"Yup," ani Jarred na nagpatuloy lang sa paghigop ng mainit na sabaw.

"I love you hon. Mabuti naman at nagustuhan mo. First try ko pa lang naman iyan. Kung masarap na ngayon mas sasarapan ko pa sa susunod. Kain na," masayang saad ni Kisha na ikinatango na lang ni Jarred.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon