Chapter 52

11 0 0
                                    

Chapter 52

Matapos tumahan ni Ella mula aa pag-iyak ay inalis ni Jarred ang mga kamay ni Ella na nakayakap sa kanya. Inayos niya ang pwesto ni Ella para mapangko ito.

"Anong ginagawa mo Jarred?" naguguluhang tanong ni Ella ng buhatin siya ng binata. "Bitiwan mo ako Jarred k-kaya ko ng m-maglakad."

"No sweetheart. Alam kong pagod at nanghihina ka na kaya naman hayaan mo akong buhatin ka."

"Mabigat ako."

"You're a feather weight sweetheart. A forty-two kilos feather," napanguso naman si Ella sa sinabi ni Jarred kaya naman agad bumitaw si Ella sa pagkakakapit niya sa may batok ni Jarred. "Easy. Joke lang naman, hindi ka na mabiro. Magaan ka lang sweetheart. Kaya hayaan mo na akong buhatin ka. Dumaan muna tayo sa ospital bago natin puntahan ang anak natin."

Hindi na nagsalita si Ella, kaya sa isip ni Jarred ay ayos na rin ang plano niya. Isinakay niya si Ella sa passenger seat ng kotse bago niya hinayon ang drivers seat.

Pagkapasok ni Jarred sa kotse niya ay doon lang niya naalala si Nald at Teo kaya naman may pagmamadali niyang tinawagan ang dalawa.

Matapos ipaliwanag ang mga nangyari ay para na ding nabunutan ng tinik ang dalawa sa pag-aalala kay Ella. Nagpaalam na lang ang mga ito na tutuloy na sa ospital kung nasaan si Jarra.

Nakikinig lang naman si Ella sa usapan ng tatlo na ipinagtaka ni Jarred kung bakit hindi nagsasalita si Ella.

"Something wrong sweetheart?" tanong ni Jarred na ikinatango ni Ella. "What is it sweetheart? Tell me."

"Wala na tayong relasyon Jarred kaya, bakit mo pa ako tinatawag sa endearment mo sa akin noon?" nasa labas lang ang tingin ni Ella at hindi man lang tinapunan ng tingin si Jarred ng tanungin ni ito.

"A-akala ko ay..." hindi natapos ni Jarred ang sasabihin ng si Ella ang nagtuloy ng sassbihin nito.

"Akala mo ay, maayos na ang lahat? Na dahil alam ko ng buhay ang anak ko..."

"Anak natin Ella, hindi anak mo lang."

Napahugot siya ng hangin. "Nang malaman kong buhay si Jarra ay maayos na sa atin ang lahat? Alam mo ba ang takot ko ng tangkain kong magpakamatay. Oo alam kong mali, pero iniisip kong wala ng silbi pa ang mabuhay. Hindi ako malinis na tao. Galit sa akin si mommy. Matagal ng wala si daddy tapos si Jarra, iniisip kung wala na siya. Kaya naisip ko ang bagay na iyon. Paano kung natuluyan nga akong mamatay? Hindi man sa una ngunit sa ikalawang pagkakataon? Paano na si Jarra ko? Anong ipapaliwanag mo sa kanya? Sasabihin mong nagpakamatay ako dahil mahina ako at iniisip ko ngang wala na siya?"

Itinigil ni Jarred ang minamanehong kotse sa tabing kalsada. Hindi niya naisip ang mga ganoong epekto kay Ella. Ngayon lang niya biglang narealize ang mga kasalanan niya kay Ella. Masyado kasi siyang nagalak na wala ng lihim na nakapagitan sa kanila ni Ella. Higit sa lahat ay naaalala na ni Ella ang lahat habang ang anak nila ay wala naman ibang pupuntahan kundi ang gumaling na ng tuluyan.

"Ella," aniya na may pagsusumamo pero patuloy lang sa paghula na naman si Ella.

"Hindi ko naman sinabing kaya sweetheart ang tawag ko sayo ay may maayos na relasyon na ulit tayo. Hindi iyon ganoon. Mula ngayon patutunayan kong deserve ko pa ring mabigyan ng second chance sweetheart. Sa daming masasakit na salita ang nasabi ko sayo, alam kung hindi sapat ang salitang sorry. Hayaan mong bumawi ako sayo at sa anak natin. Nagalit ako noon sayo dahil nasaktan ako. May lumabas na masasakit na salita sa akin laban sayo kasi nasaktan ako at hindi ko man lang naisip ang damdamin mo. Alam kong pagkakamali ko iyon sweetheart. Please listen to me. Hindi mo naman kailangang ibigay kaagad sa akin ang kapatawarang hinihingi ko sayo. Kasi willing akong paghirapan ang kapatawaran mo. Sana lang hayaan mo akong maging ganitong kalapit sayo. Kung may kailangan ka malalapitan mo ako. Pakiusap lang Ella, buksan mo ulit ang puso mo para sa akin. Ako lang sana."

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now