Chapter 56

13 0 0
                                    

Chapter 56

"Fvck yo..." natigil sa ere ang sasabihin ni Jarred ng pagharap niya ay hindi si Teo o si Nald ang nasa harapan niya. Kundi si Ella na nakataas ang kilay habang hawak ang malaking timba na sa tingin niya iyon ang pinaglagyan ng malamig na tubig na puno ng yelo na ibinuhos sa kanya.

Nakasandal ang dalaga sa pader para maging alalay nito at hindi bumigay dahil patuloy pa ring nagpapagaling ito. Bigla niyang naibaba ang gitnang daliri na nakataas kani-kanina lang.

Hindi malaman ni Jarred kung ano ang gagawin o kung ano ba ang dapat niyang sabihin. Nalilito ang utak niya. Hindi niya tuloy matukoy kung dahil ba sa lasing siya, o dahil sa malamig na tubig na bumuhos na kanya na sa tingin niya ay nagbigay pa ng bukol sa kanya. Hanggang sa makita pa niya sa sahig ng banyo na may malalaking yelo na nagkalat sa sahig maliban sa mga cubes.

"E-Ella," nauutal niyang sambit sa pangalan ng dalaga. Doon lang niya napansin na si Nald at Teo ay nakaupo sa may kama niya at pinapanood lang sila ni Ella mula sa bukas na pintuan.

"Anong sabi mo? Put*ng *na?"

Napangiwi naman si Jarred sa pagkakasabing iyon ng dalaga. Hindi tuloy niya malaman kung paano magpapaliwanag.

"Yes! No, sweetheart! H-hindi ganoon. I m-mean," halos mautal pa si Jarred sa sagot niya kay Ella.

"Fvck you ka! Bwisit kang gurang ka! Ano bang iniisip mo kung bakit ibinalik ko sayo ang singsing na iyon!? Matapos kong paghirapang hanapin sa basurahan sa tingin mo wala na iyong halaga sa akin! Kahit nga wala ka kasi kasalanan ko naman na iniwan kita ng walang paliwanag. Kita mong iningatan ko iyon. Binalak ko ngang ibenta para sa pagpapagamot ni Jarra. Tapos kung anu-ano lang ang naisip mo, dahil sa ibinalik ko iyon sayo!" humugot muna si Ella ng hangin bago muling nagsalita.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin sayong matanda ka eh! Kung wala ng halaga ang singsing na iyon, di sana ako na ang nagtapon noon! Tapos malalaman kong naglalasing ka lang dito sa bahay mo dahil ibinalik ko iyon sayo! My God Jarred! Ano ka teenager na hindi kaagad makapag-isip kung bakit napabalik sayo ang singsing na iyon? Ilang araw ng nagtatanong si Jarra kung bakit hindi ka pa niya nakikita. Bakit hindi ka nagpupunta sa bahay. Aba malay ko bang nandito ka at nababaliw na naglalasing at nagpapakalunod sa pag-inom!" napahilot ng sentido si Ella. Natigalgal naman si Jarred habang nakatingin kay Ella na sa tingin niya ay mainit ang ulo. Wala siyang masambit ni isang salita.

"Alam mo ba ang dahilan kaya ko ibinalik ang singsing na iyon sayo? Alam mo? Malamang hindi! Ganyan na ba pagtumatanda? Kung hindi mo alam, ipapaliwanag ko sayo. Ibinalik ko iyon sayo, kung naaalala mo ay nakangiti pa ako. Kasi gusto kong ikaw ang magsuot noon sa daliri ko. Noong una ko iyong natanggap ako na ang nagsuot. Kaya sana sa pagkakataong ito ay ikaw naman. Kasi tinatanggap na kitang muli sa buhay ko, sa buhay namin ng anak mo. Napag-isip-isip ko na ako nga ay mahal mo at tanggap mo ng buo sa kabila ng lahat. Ikaw pa ba ang hindi ko tatanggpin ay mula noon hanggang ngayon ay mahal na mahal kitang gurang ka! Tapos sa halip na isuot muli sa akin ang singsing. Inilagay mo sa wallet mong hudyo ka! Tapos nagbago na ang mood mo! Tapos noong sinabi ko sayong iyong singsing ang sagot ko sa tanong mo kung matatanggap ba kitang muli ay magkaiba pa pala tayo ng iniisip. Ako ay oo kasi mahal kita. Tapos iba pa lang ang sayo? Ano yan sign of aging? Humihina na ang comprehension response? Ano yan sa academics ka lang matalino at sa trabaho, pero sa pag-ibig bobo?"

Hindi na napigilang ilabas ni Ella ang kanyang saloobin sa naging reaksyon ni Jarred sa araw na iyon sa tabi ng dagat. Kung nagsalita sana noon si Jarred ay naipaliwanag sana niyang lahat dito. Pero mas pinili nitong manahimik kaya naman umabot sila sa ganoong sitwasyon.

Habang pinapanood naman silang dalawa ni Teo at Nald ay mababakas na sobrang aliw na aliw ang mga ito sa nasasaksihan.

Natigilan si Jarred. Mas lamang na sabihin na, na shock talaga siya sa mga sinabi ni Ella. Wala ni isang salita na lumabas sa kanya. Pero mas lamang na sabihing masaya siya dahil sa tingin niya ay nagbalik na ang dating ugali ni Ella. Makulit madaldal at masayahin. Iyon nga lang sa mga oras na ito ay mukhang galit sa kanya. Hanggang sa hindi niya namalayan na wala na pala sa harapan niya ang dalaga.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now