Chapter 29

9 0 0
                                    

Chapter 29

Tahimik lang na nagmamaneho si Nald ng mga oras na iyon. Ilang beses pa niyang sinulyapan si Jarred sa rare view mirror na nasa back seat. Nandoon din ang anak ni Ella na mahimbing na natutulog sa tabi nito.

Napasulyap din si Teo sa rare view mirror na nakaupo sa passenger seat, at napailing.

Medyo nagpreno pa si Nald ng may makasalubong silang tricycle. Napasulyap pa siya sa sakay noon na mukhang pamilyar ngunit hindi na lang niya nabigyan ng pansin.

"Careful Nald," asik ni Jarred ng sa tingin nila ay muntik ng malaglag si Jarra sa pagkakahiga nito.

"Sorry, hindi ko kaagad napansin ang tricycle na kasalubong natin, at nakain natin ang daan," sagot ni Nald. Naiintindihan naman nila lalo na at makitid naman talaga ang daang tinatahak nila.

Napansin na lang nila na binuhat ni Jarred ang bata. At habang nilalakbay nila ang daan patungong bayan ay hawak na lang ito ni Jarred habang natutulog.

Napakagaan naman ng bata. Bukod sa medyo payat ito ay maliit nga lang ito.

Napailing na kang si Nald at Teo sa mga ikinikilos ni Jarred. Galit na galit, pero mahahalata naman ang concern doon sa bata.

Pagkarating nila ng hotel at mabilis na bumaba Jarred habang buhat pa rin ang natutulog na si Jarra. Nakatulog kasi ito gawa ng pampatulog na pinaamoy nila sa bata. Hindi naman makakasam sa bata iyon.

Iniutos pa ni Jarred na bitbitin ng dalawa ang lychee na binili nila.

Pabagsak na naupo si Nald at Teo sa couch ng makapasok sila sa hotel room na inuukupa nila.

Nasa kwarto na rin si Jarra at mahimbing na natutulog sa kamang gamit ni Jarred.

"Talaga bang ihihiwalay mo ang batang iyan sa kanyang ina? Jarred maawa ka naman doon sa mag-ina. Maawa ka doon sa bata. Wala iyong kasalanan sayo para magkaganyan ka," sermon ni Nald ng makalabas si Jarred ng kwarto.

"Babalik akong Maynila. Isasama ko ang bata. Kayo na ang bahala dito. Alam ko namang kaya na niyo ang proyektong ipinapagawa natin. Tawagan lang ninyo ako kung magkakaproblema man, pero sure naman akong hindi mangyayari iyon."

"Wait lang Jarred, seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Teo na ikinatango pa ni Jarred.

"Hindi pwedeng dito sa hotel magstay ang anak ni Ella. Ipapahatid ko na lang ang kotse ninyong dalawa. At magtig-isa na kayo ng kotse. Ang hirap ninyo pag nataong sa magkahiwalay na lakad na dapat pupuntahan ninyo."

"Sino bang nag-offer na isang kotse na lang ang gamitin papunta dito?" ani Teo na parehong sa kanya nakaturo si Jarred at Nald. "Bakit ako?"

"Ikaw lang naman ang tamad magbyahe ng walang kausap," sagot ni Nald kaya nakapakamot na lang sa ulo si Teo.

"But seriously, isasama ko si Jarra ng Maynila. Babalik din naman ako kaagad. Pag-alam ko na ang gagawin ko kay Ella."

"Pero Jarred. Alam nating makakasama sa bata ang malayo sa kanyang ina. May sakit pa iyong bata. Higit sa lahat ang kailangan niya ang kanyang ina," ani Nald na sinang-ayunan ni Teo.

"Whatever. Gagawin ko ang alam kung tama. Kung nagugutom kayo. Magluto na lang kayo. May pagkain pa naman kayo dito. Magpapahinga na ako. Bukas maagap ako, kaming luluwas ni Jarra. Hintayin na lang ninyo ang mga sasakyan n'yo sa mga susunod na araw."

Hindi na nakapagsalita ang dalawa ng tuluyan na silang talikuran ni Jarred at pumasok sa kwarto.

Habang nasa loob ng kwarto ay napagmasdan pa ni Jarred ang maamong mukha ni Jarra. Maliit lang ito at masasabi niyang kamukhang-kamukha ni Ella. Para talagang pinipiga ang puso niya sa kaalamang anak ito ni Ella sa ibang lalaki.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now