Chapter 23

12 0 0
                                    

Chapter 23

Nasa condo lang si Jarred ng mga sandaling iyon. Kauuwi lang niya galing sa maghapong trabaho. Isang linggo din niyang inabala ang sarili para makuha nila ang deal sa isang supermarket na itatayo doon. Kaya naman ngayon lang siya nagkaroon ng masasabi niyang pahinga.

Halos malapit na ring mag-isang taon ng iwan niya ang Pilipinas. Kahit naman papaano, siguro nakamove on na siya. Hindi na ganoong masakit ang pag-iwan sa kanya ni Ella.

Nakaupo lang siya sa may couch at umiinom ng alak. Madaling araw ng mga oras na iyon ngunit hindi siya mapakali. Pakiramdam niya ay may kung anong bagay o kung anong hindi niya maipaliwanag sa nararamdaman niya. Kaya sa halip na natutulog na siya sa mga oras na iyon. Umiinom pa siya.

Bigla naman siyang nakatanggap ng tawag mula sa unknown number. Wala sana siyang balak sagutin ngunit, received call ang napindot niya.

"Yes hello! This is Jarred Rein Vergara speaking," mahinahon niyang sagot sa kung sino man ang tumatawag. Minsan sumasakit na rin kasi ang ulo niya sa mga babaeng anak ng mga boss niya sa engineering firm na kinabibilangan niya. Wala na rin naman kasi siyang magagawa. Sa ibang bansa empleyado lang siya, at wala siya sa Pilipinas kaya doon hindi siya ang boss.

"Yes hi! This is..." napakunot noo naman si Jarred ng marinig ang boses na iyon. Tiningnan pa niya ang numero ng tumatawag sa kanya. Doon lang niya napagtanto ang numerong iyon. Number iyon ng landline sa information lobby ng condo kung saan siya nakatira.

"Langya naman Teo, gandahan mo naman ang boses mo. Mahahalata ka kaagad ni Vergara niyan eh. Hoy bwisit ka bakit hindi mo tinakpan iyong mouth piece. Meron ba noon sa landline? Naloko na. Saan ka nakakita ng telepono na walang mouth piece. Paano ka mariring ng kausap mo. Tama talaga ang hula ko. Matalino ka lang sa trabaho pero sa bagay-bagay ang bobo mo talaga."

Nangiti naman si Jarred sa kanyang narinig sa kabilang linya. Aliw na aliw siya sa kalokohan ng dalawang kaibigan. Para tuloy gusto niyang makasama ang mga ito. Muli niyang binalingan ang alak habang naririnig pa niya ang kumosyon ng dalawa. Hindi pa rin naman ibinababa ng mga ito ang tawag kaya naririnig niya ang pag-uusap ng dalawa.

Paubos na ang laman ng baso niya ng marealize ang nangyayari. "Wait! Nandito kayong dalawa sa Japan!" Hindi mapigilang saad ni Jarred ng mabilis siyang lumabas ng unit niya at tinakbo ang elevator.  Pagdating niya sa lobby ay nakita niyang nakatingin lang sa dalawa ang mga taong nandoon at mukhang curious sa baliw niyang mga kaibigan na nag-aagawan pa sa telepono.

"What's the meaning of this?" tanong niya ng mapatingin sa kanya ang dalawa.

"Ikaw anong ginagawa mo dito. Dadalawin ka namin eh. Kaya lang ayaw ibigay sa amin ang condo unit mo. Tinawagan ka pa nga namin. Para i-surprise kaya lang itong si Nald panira ng diskarte," ani Teo habang tatangu-tango lang si Jarred.

Kinuha naman ni Jarred ang telepono at ibinalik sa babaeng receptionist. Bago muling binalingan ang dalawa.

"Bakit mo kinuha tinatawagan ka pa namin eh," muling reklamo ni Teo ng makatanggap ng isang sapak mula kay Jarred. Napangiwi na lang si Nald sa natanggap ng kaibigan. Narinig pa nila ang pagsinghap ng mga taong nakakita ng pangyayari.

"Why you hit me!?" galit na saad ni Teo ng mapagtantong si Jarred nga pala ang kaharap nila.

"Langya Vergara, ikaw ang isusurpirse namin, bakit nandito ka na?"

Hindi naman napigilan ni Teo at Nald na yakapin ang binata. Kahit naman mga lalaki sila ay talaga namang namimiss nila ang isa't-isa. Higit pa sa magkakapatid ang turingan nila. Sabi nila blood is thicker than water. At sumasang-ayon sila sa kasabihang iyon. Pero para sa kanilang tatlo. What the heart feels as a brother is more important than a real brother. Dahil lahat naman silang tatlo ay mga solong anak.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon