Chapter 41

10 0 0
                                    

Chapter 41

"Jarred huminahon ka. Walang magandang maidudulot ang pagiging taranta. Humihingi na ako ng tulong," ani Byron sa pinsan habang hawak ang cellphone at humihingi ng tulong. Tumatawag kasi ito sa pinakamalapit na ospital sa mga oras na iyon.

"By si Ella, paano ako hihinahon? Hindi ko alam, natatakot ako. Si Ella ko," hindi mapigilang pagtangis ni Jarred habang sinasambit ang pangalan ng dalaga. Hawak ni Jarred ang pulso ni Ella. Hindi niya kayang bitawan ang parteng iyon. Doon lang siya kumukuha ng lakas para masiguradong hindi siya iiwan ni Ella sa mga oras na iyon.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Byron. Hindi niya malaman kong gaanong kabilis ang naging byahe ni Jarred gayong alam niyang malayo ang lugar ng monasteryo sa bahay nito. Pero halos wala pang labinglimang minuto ay nandoon na ito.

"Humanahon kang sandali. Isa pa, hindi ka ba nag-iisip Jarred? Sa layo ng bahay mo, sobrang bilis ng pagmamaneho mo," sermon niya.

"Walang ibang masmahalaga kundi si Ella. By, si Ella lang," hindi pa rin nito mapigilan ang pag-iyak.

Walang salitang magpapaliwanag kay Byron kung ano ang mararamdaman sa kalagayan ng babaeng kanina lang ay kausap niya. Nagkaramdam din siya ng guilt dahil dapat ay lumabas na kaagad siya sa may kumpisalan para makausap ito ng mas maayos at hindi iyong umabot pa sa ganito. Ang awa na nararamdaman niya para kay Jarred sa mga oras na iyon ay hindi kayang pahupain ng ano mang salita. Maliban lang sana ay maging ligtas ang babaeng nasa kanilang harapan.

Nakaluhod si Jarred sa harap ni Ella habang patuloy na umiiyak. Hindi nito mahawakan ang dalaga maliban sa may pulso nito. Maaari kasing makasama pa sa dalaga kung may magagalaw na parte ng katawan nito. Umaagos na rin ang madaming dugo na hindi nila malaman kung ano ang dapat gawin para mapigilan iyon.

Ang taong nakabangga kay Ella ay hawak na ngayon ng baranggay tanod sa lugar na iyon. Medyo lasing ito kaya mabilis ang takbo ng kotseng sinasakyan. Ngunit nagpapaliwanag itong ang babae mismo ang sumalubong sa kanya. Mabuti na lang at nakita niya kaagad ang babae. Dahil kung hindi, alam na nila ang pwedeng mangyari sa babaeng nakahandusay ngayon sa gitna ng kalsada.

Ilang sandali pa at dumating na rin ang pulis at ang ambulansya. Mabilis namang isinakay si Ella sa stretcher.

"Sino po ang pwedeng sumama sa pasyente?" tanong ng isa sa kasama sa rescue.

"Go on Jarred. Ako na ang bahala sa kotse mo. Susunod ako sa ospital. Kailangan ko lang magpalit ng damit. Hindi naman pwedeng ganito ang suot ko."

Napatingin si Jarred sa pinsan. Suot pa rin nito ang damit bilang pari kaya naiintindihan niya ito. Isang tango lang ang ibinigay ni Byron at inalalayan si Jarred na makasakay ng ambulansya.

Sinundan na lang ng tanaw ni Byron ang papalayong ambulansya. May ilang nakakilala pa sa kanya na taga roon sa lugar.

Bumalik si Byron ng monasteryo sakay ng kotse ni Jarred.

"Father," ani ng isang ginang na siyang regular na naglilinis sa lugar na iyon.

"Aalis po muna ako manang. Hindi na ako makakapagpaalam kina sister at ngayon ay oras ng pagdadasal nila. May emergency lang po. Magpapalit lang po ako ng damit. Dadalahan ko din po ng ilang damit ang pinsan ko," ani Byron sa nakakaunawang matanda.

Mabilis na hinayon ni Byron ang kwarto niya sa monasteryo at nagpalit ng damit naglagay din siya ng ilang damit na pwedeng magamit ni Jarred.

Sa ospital, halos magkagulo ang mga tao doon ng dumating ang ambulansya. Wala sa sarili si Jarred na sumunod lang sa bawat sasabihin ng pinaka leader ng nag-rescue kay Ella. Hanggang sa mamalayan na lang niyang nasa harapan na pala sila ng operating room.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon