Chapter 27

12 0 0
                                    

Chapter 27

Nakalabas na rin sa ospital si Jarra. Kahit papaano ay masigla na ulit ito. Binigyan ito ng doktor ng gamot kung sakaling lalagnatin na naman ang bata. May ibinigay ding vitamins para kay Jarra.

Nakatingin lang si Ella sa anak na naglalaro. Hindi niya malaman kung saan siya kukuha ng pera para maipagamot ang anak. Nandoon na naman ang mga luhang nagbabadya sa kanyang mga mata.

"Ella, iiyak ka na naman ba. Pagsubok lang yan Ella. Malalampasan mo rin iyan. Hindi namin kayo pababayaan. Nandito lang kami ni Maric para sa inyong mag-ina. Gagawa tayo ng paraan. Makakahanap tayo ng pera."

"Salamat po nay dahil nandyan kayo ni Maric. Iniisip ko pa rin nga po kung saan ako hahanap ng pera. Pero sobrang nagpapasalamat po akong sa ganitong panahon ay nandyan lang po kayo ni Maric para damayan ako. Maraming salamat po talaga nay."

"Wala iyon Ella. Para na kitang anak, kaya naman lahat ng kaya kong maitulong ay tutulungan kita. Ganoon ka rin naman ng unang dating mo dito. Hindi mo kami kilala. Pero hindi ka nagdalawang isip na tulungan kami. Pero matanong ko lang Ella, hindi naman sa pinangungunahan kita. Hindi mo man lang ba naisip na sabihin sa ama ni Jarra ang tungkol sa anak niya."

Ang tingin ni Ella na nakatuon sa anak ay bigla na lang napabaling kay Nay Angela.

Nagulat naman ang matanda ng maramdaman niya ang panginginig ng kamay ni Ella.

"Ella anong nangyayari sayo? Ella," kinakabahan ngunit pinipilit niyang lakasan ang kanyang loob. Hindi pwedeng magpanic. Tatlo lang sila doon. Siya, si Ella at Jarra. Wala pa si Maric. "Ella," tawag muli ni Nay Angela sa pangalan ng dalaga ng bumuhos bigla ang mga luha nito.

Napasulyap naman si Nay Angela kay Jarra ng mapansing busy ito sa paglalaro ng lutu-lutuan nito at hindi napapansin ang nangyayari sa ina.

"Ella."

Takot. Iyon ang nararamdaman ni Ella sa mga oras na iyon. Ayaw niyang malala ang nakaraan ngunit heto na naman ang mga imahe na nagsasalimbayan sa kanyang isipan. Gusto niyang pigilan ang sarili sa nangyayari sa kanya, pero mukhang walang kontrol ang katawan niya sa isipan niya.

"N-natatakot a-ako n-nay. N-natatakot a-ako," nauutal na saad ni Ella.

Niyakap ni nay Angela si Ella. Hindi niya alam ang nangyayari pero alam niyang may pinagdadaanan si Ella.

"Tahan na, hindi ko na ulit sasabihin ang bagay na iyon. Hindi na ako magtatanong, Ella. Ako lang ito, ako lang kasama mo. Si Nay Angela. Pakiusap anak kumalma ka. Para kay Jarra, Ella," bulong ni Nay Angela habang mahigpit pa ring yakap si Ella na mas lalo niyang ng nararamdaman ang takot at panginginig ng katawan ng dalaga.

"A-ayaw k-ko po? M-mommy, m-mommy," paulit-ulit na sambit ni Ella habang patuloy pa ring umiiyak.

Hindi naman nila napansin ang paglapit ni Jarra at bigla na lang yumakap sa ina. Nakatalikod si Ella sa anak kaya hindi nakikita ni Jarra na umiiyak ito.

"Mama, bigyan mo ako lychee," ani Jarra ng unti-unting nawala ang panginginig ni Ella. "Mama," malambing pang saad nito ng bigla kumalma si Ella. Naramdaman iyon ni Nay Angela kaya nakahinga siya ng maluwag.

Dahan-dahang bumitaw si Nay Angela kay Ella ang mga hilam na mata ni Ella at ang pisngi nito ay si Nay Angela na ang nag-alis ng mga luha.

Isang ngiti naman ang ibinigay ni Nay Angela, bago siya umusal ng pasasalamat.

"Mama, may lychee pa po?" malambing na saad ni Jarra kaya naman napangiti na si Ella.

"Sige anak titingin ako. Kaso baka iilang piraso na lang iyon."

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now