Chapter 5

11 0 0
                                    

Chapter 5

Pagkaparada pa lang ng sasakyan ni Jarred sa harapan ng bahay nila ay nakita na kaagad niya ang mommy niya at inaabangan siya.

"Mommy," aniya at hinawakan pa ang kamay niya. Si Jarred naman ay nagmano lang sa mommy ni Ella.

"Salamat sa paghahatid kay Ella, Jarred."

"Wala po iyon, alam naman po ninyong kahit anong mangyari ay hindi ko pababayaan ang prinsesa ninyo. Ipinangako ko din po iyon kay tito."

May mumunting ngiti naman na lumabas sa labi ni Ella. Ngunit hindi niya ipinahalata sa mommy niya. Sasabihan na naman siya nito na kay bata-bata pa niya. Alam naman niya iyon. Kaya nga kahit kasintahan na niya si Jarred hindi sila lalampas sa limitasyon. Hanggang yakap at halik lang ang maiibigay niya sa binata, at kontento na rin naman doon si Jarred.

"Hindi ka na ba muna papasok sa loob? Gabi na rin Jarred."

"Hindi na po Tita Elizabeth, nakainom po talaga ako. Kaya po kailangan ko ng umuwi. Hinatid ko lang po talaga si Ella."

"Ganoon ba? Sige mag-ingat ka. Ikaw naman Ella pumasok ka na rin pagkaalis ni Jarred ha," saad pa ng mommy niya, at tinalikuran na rin sila.

"Bye sweetheart. Baka hindi kita ulit kita maunang batiin sa umaga o sa maghapon sana ay maunawaan mo. Busy lang talaga sa trabaho."

"Naiintindihan ko wag kang mag-alala. Send me a message pagnasa condo ka na. Hmm. Ingat ka pag-uwi."

"Thank you sweetheart, I love you," ani Jarred at kinintalan pa ng mabilis na halik sa labi ang kasintahan.

"I love you too," sagot niya.

Hinayon na rin naman ni Jarred ang kotse niya. Nakatanaw lang si Ella sa likuran ng sasakyan ni Jarred hanggang sa hindi na niya iyon matanaw, kaya nagpasya na rin siyang pumasok sa loob ng bahay.

Akala niya ay nasa kwarto na nito ang mommy niya, ngunit narinig niyang may kausap ito sa kusina.

"Mommy," tawag niya dito ng makita niya ang mommy niya na nagtitimpla ng kape habang kausap ang lalaking ngayon lang niya nakita. Higit sa lahat sa tingin niya ay mas bata ito sa mommy niya ng kung ilang taon.

"Sino po siya?" Hindi niya mapigilang tanong.

Napakunot noo naman si Ella ng maramdaman ang matiim na titig ng lalaki sa kanya. Halos mapalunok pa siya ng mapansing pinapasadahan nito ng tingin ang kabuoan niya.

Dahil galing siya sa friendly date nila ni Dave ay nakasuot siya ng halter black mini dress na kita ang hubog ng kanyang katawan. Kahit sabihing fifteen pa lang siya ay makikita na ang katawan ng isang ganap na dalaga sa kanya.

Tunay namang ganap na siyang dalaga noong twelve years old pa lang siya. Iyon nga lamang ay hindi sa edad. Tatlong taon pa para masabing isa na siyang tunay na dalaga.

Napalunok si Ella ng mapansin niya ang ngisi ng lalaking kaharap. Nakatalikod ito sa mommy niya kaya hindi nakikita ng kanyang ina ang malisyosong titig nito lalo na sa kanyang dibdib.

Maayos ang suot niya. Labas lang naman ang kalahating balikat niya at kita ang maputi niyang dibdib. Pero pakiramdam niya sa mga oras na ito ay hinuhubaran siya ng lalaki.

"Anak alam mo namang mahirap ang mag-isa sa buhay. Kailangan ko din ng magiging katuwang di ba?" ani Elizabeth habang inilapag nito ang tasa ng tinimplang kape sa harap ng lalaki bago lumapit sa kanya. Napalunok siya ng mapansin muli ang paghagod ng tingin lalaki sa kanyang katawan na nagbigay kilabot sa kanya.

"Anak si Roi, boyfriend ko."

Napatitig naman siya sa kanyang ina. Hindi niya alam kung paano magrereact sa kaalamang kasintahan ng ina ang lalaking kasama nito.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon